xv

65 3 0
                                    

"Kuya! Kuya nandito si Ate Allison!"

Halos mabitawan ko ang pizza na dala dala ko ng makita ko kung sino ang tinatawag ni Hanbyul na kuya.

Kaya pala magkamukha sila. Siya pala talaga 'yun.

Hindi natural 'yung brown niyang buhok, hindi rin natural 'yung brown niyang mata.

Siya, si BI, siya si Kim Hanbin.

"Wow." Bulong ko sa kaniya.

Tinitigan ko siya at halata sa mukha niya na nagulat din siya sa nangyari.

"Kuya! Si Ate Allison 'to, hindi mo na ba siya tanda?" Tanong ni Hanbyul.

"Hanbyul, pumasok ka muna sa loob. Nandun si Kuya Yunhyeong mo tsaka si Kuya Jinhwan." Sabi niya.

"Talaga? Kuya Jinhwan! Kuya Yunhyeong!" Sabi ni Hanbyul at pumasok sa loob ng apartment.

"Allison.."

"Ikaw? BI? Kim Hanbin? Ikaw?" Tanong ko pa.

"Allison.."

"Bakit hindi mo man lang sinabi?"

"Hanbin, grabe ka. Naghintay ako. Dalawang taon? Oo, dalawang taon! Dalawang taon na akong naghihintay! Tapos malalaman ko na lang kasa-kasama na kita pero hindi ko man lang alam na ikaw si Kim Hanbin!" Sigaw ko.

Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatungo.

"Hanbin, matatanggap ko pa kung sinabi mo nung unang beses pa lang na pinakilala ako sa inyo ni Chanwoo, pero-"

"Allison alam kong galit ka, magpapaliwanag ako."

"Oo, Hanbin! Galit na galit ako! Kaya sorry. Kung ano man 'yang paliwanag mo, hindi ko mapakikinggan 'yan. Kilala mo ako." Sabi ko sa kaniya.

"Allison naman, please." Sabi niya at sibukan lumapit sa 'kin pero bago pa siya lumapit ay agad na akong tumakbo paalis.

Sa pagtakbo ko ay mabilis rin ang pagtulo ng luha ko.

Nakakainis! Nakakainis siya!

Araw araw akong naghihintay. Pero 'yung hinihintay ko? Kasa-kasama ko na pala.

Pero may kasalanan rin ako eh. Napansin ko na nung una. Pero hindi ko pinaniwalaan 'yung mga hinala ko.

At isa pa, nagsinungaling siya sa 'kin! Nagsinungaling siya!

"Allison, 'wag kang tumakbo. Hihikain ka eh!" Naramdaman ko ang pagpigil niya sa 'kin at tumigil ako sa pagtakbo.

"Junhoe!" Sabi ko at yumakap sa kaniya.

"Shh. Huminga ka ng malalim, inhale, exhale." Sabi niya.

"Nakakainis, Junhoe. Nakakainis! Nakakainis!" Sabi ko sa kaniya.

"Shh. Kumalma ka muna." Sagot niya.

Sinubukan kong kumalma. Sinubukan ko.

Pero ramdam na ramdam ko pa rin 'yung galit sa buong sistema ko.

Sa tuwing babalikan ko 'yung nangyari kanina ay lalong bumibigat 'yung pakiramdam ko. Lalo akong nahihirapang huminga.

"J-junhoe." Tawag ko sa kaniya.

"Bakit? Allison? Hindi mo na ba kaya?" Tanong niya.

Hindi ko na siya nasagot dahil sobra na akong hinahapo. Naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa 'kin ni Junhoe at ang pagtakbo niya papunta sa bahay namin.

"Jusko! Hinika na naman ba si Allison?" Pambungad sa amin ni Mama ng buksan niya ang gate.

"Opo, tumakbo rin po kasi Tita eh." Sabi ni Junhoe at pinasok na ako sa loob.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon