ix

70 3 1
                                    

"Ito?" Sabi ko at ipinakita 'yung isang crackers na nakita ko.

Umiling siya tapos ay napairap na lang ako.

"Ayaw ni Jinhwan hyung ng flavor nun." Sabi niya.

Napatango na lang ako. Nandito kami ngayon sa supermarket dahil wala ng kagamit gamit sa apartment.

Actually, ang kasama ko dapat ngayon ay si Jinhwan daw. Sayang tuloy, gusto ko pa mandin sanang maka-moment 'yon. Inaasikaso daw 'yung kapatid eh, may sakit daw.

Napansin ko lang ah. National Sibling's Day ba ngayon? Si Jinhwan naman may sakit 'yung kapatid. Si BI din daw sinusundo 'yung kapatid.

Chanwooooo! I miss you na!

"Si Junhoe nga pala, Yunhyeong. Hindi ko yata nakikita." Tanong ko.

"Ah, birthday ng kapatid niya. May pinuntahan yata sila eh. Umuwi yata sa probinsya." Sagot niya habang kumuha ng mga gulay.

"Uy, uy! Puro gulay talaga?"

Nagthumbs up lang siya sa 'kin tapos ay nagtaas baba ng kilay. Seryoso?

"Umay na ako sa karne, Allison." Sabi niya habang natawa.

Tiningnan ko lang siya ng nagtataka. Anong pinagsasabi nito?

"Pero joke lang. Hinding hindi ako magsasawa sa luto nina Papa noh." Sabi niya.

"Oy Yunhyeong, makapagkwento ka naman akala mo ang dami kong alam sa 'yo. Wala akong naintindihan ni isa sa sinabi mo eh." Sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko.

"Sabi ko nga. Peace!" Sabi niya tapos ay nagpeace sign.

"May ari kasi si Papa ng isang BBQ Shop. So parang may mini restaurant kami pero more on bbq and pork." Pageexplain niya.

"Ganun? Hindi mo man lang ako nilibre dun? Grabe ka!" Sabi ko habang pasimpleng kumukuha ng sweets.

"Hindi mo naman sinasabi eh. Sige, next time!" Sabi niya.

"Oo nga pala. Samahan mo ako mamaya ha?" Pagpapaalala ko sa kanya.

"Sigesige. Basta ba 'yung usapan natin ah? Isang lipbalm." Sagot niya.

"Oo na, oo na. Lipbalm na kung lipbalm." Sagot ko.

Ang gwapo gwapo niya pero ang hilig hilig niya sa lipbalm. Anyways, wala namang mali dun. So keri lang ang life.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng text.

Tita Jen, hindi po sana malaman nina Mama na maguusap tayo ha?

Sinend ko 'yun kay Tita Jen. Na-realize ko kasi na kailangan ko rin siyang kausapin. Ang dami kong masasamang salita na nabitawan sa kanya kaya gusto kong magsorry.

Sina Mama kasi ay kina Tita Jen tumutuloy ngayon. Na-depress pala kasi ng sobra si Tita about sa pagkalaglag nung bata.

At tama si Chanwoo, walang kasalanan 'yung bata. Kaya kailangan kong tanggapin lahat ng mga nangyayari ngayon at magpatawad.

At sa pagbalik na pagbalik nina Chanu ay kakausapin ko na agad si Mama at Papa.

Sige, makakaasa ka. Salamat at hindi ka na galit sa akin.

Sige po. Magkita na lang po tayo mamaya.

"Tara na. Magbayad na tayo." Sabi ni Yunhyeong at hinila na 'yung cart.

Sumunod lang ako sa kanya habang nagtitingin tingin pa ng gusto kong bilhin.

Tinulungan ko si Yunhyeong habang inaabot sa cashier 'yung mga pinamili namin.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon