viii

67 4 0
                                    

"Sigurado ka? Nakita mo talaga? Baka naman kamukha lang?"

Nandito ako kina Hillary ngayon. Nagku-kwento kung anong nakita ko kahapon kina Yunhyeong.

"Oo! Sigurado ako!" Sabi ko naman sa kaniya.

Malas lang dahil wala sa 'kin 'yung cellphone ko. Edi sana napicture-an ko at pinakita ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon. Hindi pa rin naman nadating si BI. Badtrip lang talaga, bakit ba kasi wala silang duplicate ng susi?

Hindi rin naman ako pwede rito kina Hillary dahil maya maya lang ay darating na ang mga magulang niya at baka magka-gyera pa dito.

Nagkatinginan kami ni Hillary ng marinig namin ang tunog ng sasakyan na tumigil sa harap ng gate nila.

"Paktay na."

Agad akong tumayo at binitbit ko na 'yung sapatos ko.

"Allison bilisan mo!" Sabi ni Hillary tapos ay hinila ako papunta sa likod ng bahay nila para hindi ko makasalubong 'yung mga magulang niya.

Akala ko naman mga 5 pa darating! Bakit ang aga!?

Lumabas ako sa backdoor at umakyat ng bakod. Palibhasa sanay na ko sa ganito kaya mabilis bilis ang takbo ko ngayon.

Lagi kasi akong natakas kapag nadating na 'yung tatay ni Hillary at dito ako nadaan.

Tumakbo ako hanggang sa madaanan ko 'yung apartment tapos nakita ko dun si Bobby na parang pilit binubuksan 'yung pinto.

"Bobby!" Tawag ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at bago pa siya lumingon ay bumukas 'yung pinto.

"May susi ka!?" Sigaw ko.

"Oo, iniwan sa 'kin ni BI bago siya umalis." Sagot niya.

"Jusko! Juice colored! Bobby!" Sabi ko at nagtatalon sa tuwa.

"Masaya ka na niyan?"

"Aba oo! Hulog ka ng langit, Bobby!"

Agad akong pumasok sa apartment at kinuha 'yung cellphone ko.

Pagbukas ko ay sandamakmak na missed calls at messages ang nakuha ko.

Labing dalawa galing kay Chanwoo at apat galing sa unknown number.

Agad kong tinawagan si Chanwoo. Wala sigurong kaalam alam 'to.

"Allison! San ka nagpunta!? San ka natulog!? Sinong kasama mo!?"

"Chill, kambs! Chill! Kina-Yunhyeong kami nagstay kagabi."

"Ano!?"

"Oo. 'Wag kang mag-alala, si Yunhee ang katabi ko sa kama."

"Okay, good. Sino daw ang makakasama mo mamayang gabi?" Tanong niya.

"Ha? Bakit? Hindi ka dito matutulog?" Tanong ko.

"Allison, pupuntahan namin si Tita Jen-"

"Ano!? Chanwoo, seryoso ka ba diyan!?"

"Allison, depressed si Tita Jen. Nawalan siya ng anak kaya kailangan niya ng masasandalan okay? Kasalanan man 'yun, hindi naman kasalanan 'yun nung bata."

Hindi ako sumagot. May point siya. Pinaiiral ko na naman kasi 'yung inis ko. Badtrip.

"Sorry." Sabi ko sa kanya.

"Sige, aalis na kami. Magiingat ka, ha?"

"Sige. Magiingat kayo." Sagot ko tapos ay pinatay na niya yung tawag.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon