iv

107 5 0
                                    

"Thankyou po Ma'am!"

"Thankyou Ms. Jung."

"Oh my gosh! Tapos na!"

Agad na yumakap sa akin si Hillary pagkalabas namin ng room ni Ms. Seo. Kakatapos lang kasi ng defense namin at maganda naman ang naging results.

Nasagot namin lahat ng tanong at nai-defend namin ng maayos 'yung product at aims namin.

"Manlilibre na 'yan! Manlilibre na 'yan!"

"Si Allison? Manlilibre? Jusq. Sa kuripot ba naman niyan!" Sagot ni Hillary sa iba pa naming kagrupo.

"At isa pa, 3 na ng hapon. Sino bang naka-toka sa pagsundo sa 'tin ngayon? Oh my gosh! Kinikilig ako! Shems!"

Napairap na lang ako. Kaya lang naman nasama sa 'kin 'yan dahil sa iKON.

Ang adik talaga ng pangalang 'iKON'. Di mukhang basketball team eh.

"Oh my gosh! Si Yunhyeong!"

Agad na nagtatakbo si Hillary papunta kay Yunhyeong at umakbay dito. Akala mo naman abot niya eh maliit lang namin si Hillary!

"Yo, yoyo!" Bati ko kay Yunhyeong.

"Yo!" Bati naman niya pabalik sa 'kin.

"Naghihintay na sila sa apartment kaya medyo bilisan natin. Ayos lang naman diba?"

Hay jusq, buti pa si Yunhyeong  napaka-gentleman. Anyare dun sa iba? Kay kapre at Junhoe?

Well mabait rin naman 'yung iba. Si Dong tsaka si Jinhwan. Si Bobby at BI rin, napagiwanan lang talaga 'yung dalawa.

Tumunog 'yung cellphone ko at sinagot ko naman 'yun.

"Bakit?"

"Nagpapabili si BI hyung ng ice cream. Pasabi kay Yunhyeong hyung bili muna kayo." Sabi ni kapre sa phone.

"Ah, okay si-"

At pinatayan niya ako ng linya.

"-paker."

"Yunhyeong, nagpapabili daw ng ice cream. Bili daw muna tayo."

Pinauna kami ni Yunhyeong papunta sa convenience store.

Mabuti na lang talaga at si Yunhyeong ang naka-toka ngayon. Kung si Junhoe pustahan WWIII na.

Dahil kasi sa nalaman nila na panliligaw sakin ni Jungkook ay araw araw na nila akong hatid sundo. At dahil araw araw kong kasabay si Hillary ay kasama siya sa hinahatid at sinusundo.

Well, maliban kung si Junhoe 'yung susundo kasi hindi na niya hinahatid si Hillary sa bahay nila. Adik 'yun eh.

"Oh tara na." Pagyayaya ni Yunhyeong.

Naglakad na kami pauwi. Pustahan nagkakagulo na naman sila sa apartment ngayon.

Nagtataka nga ako kung hindi sila nagsasawa sa mukha ng isa't isa. Minsan kasi dun na sila natutulog kapag tinatamad umuwi. Tapos syempre nung nagt-training sila araw araw at gabi gabi silang magkakasama kasi sa iisang dorm lang naman sila nagstay.

Magkakamukha na tuloy sila. Naiba lang sa height, peace yow Jinhwan.

"Choco cone!" Sigaw ni BI pagpasok namin at inagaw 'yung plastic bag kay Yunhyeong.

Abnormal rin 'tong batang 'to eh.

"Oh nandito na 'yung mga pangit."

"Si Allison 'yun hindi ako." Sagot ni Hillary kay Junhoe.

"Mga, Hillary eh. Mga, ibig sabihin hindi lang isa."

"Ikaw 'yung isa, Junhoe." Sagot ko sa kanya.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon