xvi

75 2 0
                                    

"Sinaksak siya ng tatay-tatayan nila."

Tatay-tatayan? Sinaksak? Kelan pa?

"Gusto ko sanang si Hanbin ang magsabi sa 'yo nito pero mukhang hindi yata niya masasabi sa 'yo." Dagdag pa niya.

"Alam mo naman siguro kung anong meron sa pamilya ni Hanbin diba?" (Jinhwan)

Tumango ako bilang sagot.

"Anak si Hanbin sa pagkadalaga. Samantalang si Hanbyul, anak ng nanay nila sa una niyang asawa. 'Yung kinakasama naman ng nanay niya, 'yun 'yung bumubugbog kay H-hanbin." Sabi ko na halos pabulong na lang 'yung huli.

"Nung huling pumasok si Hanbin, umuwi siya at naabutan niya na wala na ang nanay niya."

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"'Yung tatay-tatayan nila. Alam mo naman siguro na naka-high 'yun sa drugs diba? Napatay niya ang nanay nila."

"Isusunod na nga dapat si Hanbyul pero agad na kinuha ni Hanbin ang kapatid niya at siya ang nasaksak."

"Lima. Limang saksak ang natanggap ni BI. Isa sa pinakamalaki at pinakamalalim ay 'yung nasa braso niya habang ang ilan ay nasa likod, tagiliran at sa may tiyan niya."

Hindi ko na napigilang maluha ng marinig ko lahat ng iyon.

"Pagkatapos noon ay pinatay ng tatay-tatayan nila ang sarili niya. Sa harap mismo nilang dalawa. Nagising na lang si Hanbin na nasa bahay na siya ng Tita niya. Wala na siya dito. Habang si Hanbyul naman ay na-trauma."

"Kinailangan ni Hanbin na magtrabaho para makatulong. Hindi kasi agad nakapagsalita si Hanbyul dahil sa nangyari kaya kailangan niya ng regular check up sa psychiatrist."

"Ilang part time job ang pinasukan niya. At dahil gusto niyang mag-aral, sumala si Hanbin sa training camp. Dun kami nagkakilala, dun namin nalaman lahat ng nangyari. Saka naman dumagdag sa grupo si Chanwoo. Alam ni Hanbin na si Chanwoo ay kapatid mo kaya sinabi niya samin na 'wag ipa-alam kay Chanwoo."

"Ilang beses ding na-aksidente si Hanbin dahil sa sobrang pagta-trabaho. Minsan dahil sa mga injury sa court, bumubuka ang sugat niya. Tulad na lang ng nangyari ngayon, nung huling training kasi namin ay bumuka 'yung tahi niya sa braso. Mukhang nasobrahan sa laro si Hanbin kaya bumuka na naman 'yung tahi."

Kasabay ng pagsabi ni Jinhwan nun ay lumabas na ang doktor sa emergency room.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito.

"Opo." Sagot ni Jinhwan.

"Ayos na ang lagay ng pasyente. Wala na kayong dapat pang ipag-alala. Marami lang ang nawalang dugo sa kanya kaya siya hinang-hina kanina. All in all, stable na siya at pwede na siyang ilipat sa ward. Kailangan lang nating isagawa ang ilang test para makasigurado bago siya ilabas ng ospital."

"Thankyou po, doc." Sabi ko.

"Sige, mauuna na ako."

"Allison, dito ka na lang muna. Kami na ang magaadmit kay Hanbin. Tatawagan ko na rin 'yung Tita niya tsaka si Hanbyul." Sabi ni Yunhyeong.

Tumango na lang ako sa kaniya.

Bakit ganun? Bakit parang naulit 'yung nangyari?

Nagalit ako, humingi ako ng oras pero walang binigay sa 'kin. Sinayang ko na naman 'yung pagkakataon.

Pero, Allison. Nandiyan pa si Hanbin. Hindi naman na siya mawawala ulit diba?

"Allison? Si Hanbin-hyung?" Agad na dumating si Chanwoo kasama si Junhoe at Donghyuk.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon