Chapter 5

9.4K 251 15
                                    

Carpe Diem 💕

YHANA'S POV

"Yhana. Yhana. Wake up."

Dinilat ko ang mata ko at agad naglanding sa orasan. Sh*t! Its freaking 4 am in the morning!

"What? If its not important then leave my room." i told the person who woke me up. I closed my eyes at hinintay na sumagot yung gumising sakin. Its either Loraine or Sabrina.

Narinig ko ang hikbi sa gilid ko kaya agad akong bumangonat tingnan kung sino. I suddenly feel guilty dahil its Iana.
I grab her and hug her until she finally stop.

"I'm sorry. What's the problem?" tanong ko habang kinalas ang yakap at tumingin sa kanya.

"Hmm. Kasi pasama naman sa kusina. Nakakatakot kasi." sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mukha niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Ano ang gagawin mo sa kusina?" tanong ko.

"Kakain."

Agad akong napasimangot. Tsk.

I grabbed her hand at tumayo na para siya samahan siya sa baba. Takot kasi ito sa multo eh hindi naman totoo yung multo. Gawa gawa lang yun ng matatanda para matakot yung mga bata. As if may multo.

Pinaandar ko ang ilaw ng makababa kami sa sala at dumiretso sa kusina. Binuksan ko na rin yung ilaw sa kusina at dumiretso sa lamesa.

"Gusto mo nang kape, Yhana?" tanong niya kaya tumango nalang ako. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at chineck if nag email na ba yung taong pinababantay ko sa org. ngunit wala akong natanggap. Its been 4 days since sinabi kong bantayan muna ang org. habang wala pang mag susub samin.

"Eto ho." Agad naman akong napatingin kay Iana habang nilapag sa harap ko ang tasa. Tiningnan ko naman siya habang busy siya sa pagkain ng ice cream. Unbelievable 🙄

Sumipsip ako ng konti sa kape at pinanood nalang si Iana na matapos kumain. Gusto ko sana manghingi kaso wala akong sa mood kumain ng ice cream. Mas gusto ko ngayon ay chocolates.

"Bakit gising na kayo?"

Agad napatayo si Iana habang nakatingin sa likuran ko. Nilingon ko si Aliyah at nakita siyang bihis na bihis.

"Where are you going?" tanong ko habang pinapanood siyang kumuha ng tubig sa ref.

"G-Underground."

Agad akong napatingin sakanya. Ano ang gagawin niya dun? Kota yun ng mga gangster ah?

"Ano ang gagawin mo dun?" tanong ni Iana na tinitingnan si Aliyah habang lumalapit ito papunta samin.

"Bawal na bang i check if anu ang nangyayari sa teritoryo KO?" sabi niya kaya umismid ako.

Yes. Pagmamay-ari niya ang G-Underground kung saan ang lugar ng mga grupo ng gangster dito sa Pilipinas. Hindi siya ang namamahala dahil na rin mas tintukan niya ang Organization namin. Balita ko may namumunong limang lalaki dun kaya medyo hindi siya magulo. I silently thankful for that.

"Sama kayo?" Tumingin naman ako sakanya habang nakatingin ito sakin. Gusto ko sanang wag nalang isama si Iana pero alam ko naman magpumilit to.

"Sina Loraine at Sabrina? Isasama natin?" tanong ni Iana. Umiling naman siya na agad rin namin naintindihan. Tulog mantika kasi yung dalawang yun. Aabutin kami nang maaga pag gigisingin namin yun.

Nauna na akong tumayo at pumunta ng kwarto para magbihis ng susuotin. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo.
Ilang minuto din ako sa banyo at napagpasyahan kong lumabas na. Naglakad akong papuntang closet at kinuha ang susuotin. I chose a black tank top and a tattered jeans at pinares ko ito sa isang sapatos. Tinali ko rin ang buhok ko para walang magulo sa itsura ko. Dinala ko ang wallet ko at cellphone ko at bumaba na agad.

Mafia Girls meets Gangster Boys (On-repair) (Action Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon