Chapter 1
The good thing about Makati Ayala is you could see all sorts of people. May sosyal, may pa sosyal, may trying hard to be sosyal, may pulubing sosyal, may sosyal na pulubi, may die hard pulubi, may haggard, may runway model, at may I-don’t-care-about-the-world type. Name it and you have it.
The bad thing about Makati is, kung wala kang kotse at kailangan mong magcommute, you have to walk blocks bago mo marating ang office mo. Lalong lalo na kapag malayo sa unloading zone ang building kung saan ka pupunta or nagtatrabaho. Kaya madami ang naglalakad dito at madami lalong lalo na ang mga babae ang mga nakaflats.
But not me. Definitely not me. Because I’m wearing, right at this very moment my 5 inches stilleto heels. And it’s pure torture on my very delicate legs. But nonetheless, I have to endure it dahil isa ako sa mga tinatawag nilang, trying hard to be sosyal.
At siyempre ka-match ng stilleto ko ang white mini skirt ko and yellow sleeveless blouse na naka tuck in. Dapat nga nakablazer pa ako pero sa ngayon gusto kong iexpose ang white slender arms at ang flawless white kong underarms na pinag ipunan ko pa ng ilang buwan para lang maipa-laser sa isang hindi kamahalan pero okay na na SPA. Sayang naman ang iginastos ko kung walang makakakita right?
And of course, with that outfit is the walk. Dapat may poise. Dapat hindi lang basta mapapalingon ang mga tao, they havew to stare hanggang sa hindi na nila ako makita. And they would think…
‘Why the hell is this rich girl walking on an underpass?’ Chin up, breast out.
Siempre hindi nila iisipin that I’m living from paycheck to paycheck at ilang beses nang tumatawag sa akin ang collecting agents ng mga credit cards ko. Bakit nila iisipin yun kung halatang designer items ako from head to toe?
Nararamdaman ko na ang tingin ng mga kasabayan kong naglalakad at lihim akong napangiti. Kahit nagmamadali ang lahat para hindi ma late sa office like me, nagawa pa din nila akong tingnan and that is something. Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako sa oras. Malelate na ako! Hindi na pakitang tao ang panic na nagregister sa mukha ko. Binilisan ko ang lakad ko. Gosh! Kung rumampa naman kasi sa underpass eh.
Pero kahit na nagmamadali ako, may poise at projection pa rin. Pero nasobrahan ata ako sa poise and projection dahil biglang akong natapilot.
“Ouch!” Pasosyal na tili ko.
Napatingin ang mga tao sa akin with matching pag aalala sa mukha. But they just looked at me. No one dared to help. Ganun naman talaga. Kung ako sa kalagayan nila yun din ang gagawin ko. Uso na yun ngayong panahon. Bibihira na alng ang mga taong mag eexert ng effort na tulungan ka. Kahit nga ata may nang snatch sa akin at magtitili ako titingin pa din sila as if they are watching some movie scene. Everyone is an onlooker. Wala ng pakialam because everyone is busy with their own lives.
“Miss okay ka lang?” Napatingin ako sa lalaking may lakas ng loob na lumapit sa akin at umalalay.
“No I’m not. Naputol ang heels ko.” Nanlulumo akong napatingin sa 5 inches heel ko. Napailing din ang lalaki.
“Ibig kong sabihin, okay ka lang ba? Wala bang napinsala sa’yo?” I tried my ankle at napangiwi ako ng kunti sa sakit pero unti unti na itong nawawala.