16
“Nagtimpla ka ng grape juice?” Tanong sa akin ng isang kasamahan ko nung makita niya ang bitbit kong glass pitcher na naglalaman ng black liquid. Na umuusok.
Mukha bang juice ito?
“Hindi. Kape ito.” Napamulagat ang mga mata nila. Pati yung iba na walang pakialam, nakatingin sa akin. Sino ba naman kasi ang may matinong isip ang magtimple ng isang litrong kape? At siguro nga hindi na talaga matino ang pag iisip ko.
“Anong gagawin mo sa isang pitcher na black coffee? Sinabi ko naman sa’yo gusto ko ng creamer, ayaw ko ng black.” Sabi pa niya. Epal talaga.
“Sinabi ko bang, magseshare ako? Akin lang to noh!” Sabay lagay ng kape sa taas ng table ko at padabog akong naupo.
“Uubusin mo yan? Aba ginagawa mong softdrink ang kape ‘teh. Bangag ka ba?” Tiningnan ko siya ng masama at inismiran tapos nagsalin ng kape sa mug ko. Nagtataka siguro sila kung bakit ako naglalaklak ng kape. Inubos ko agad ang isang mug at nagsalin ulit.
“Wala kang planong magshare niyan?” Sabi pa din ng atribida kong officemate.
“Wala! Gusto kong magpakalasing sa kape. Gusto kong makalimutan ang lahat ng problema ko at panibugho.” Nanlaki ang mga mata nila.
“Dapat alak ang iniinom mo ‘teh.”
“Ayaw ko. Ayaw kong naghahangover ako.” Tapos tinalikuran ko na silang lahat at nagtrabaho habang naglalaklak ng kape. Kaya ang kinalabasan, gising na gising ako buong maghapon. Pero kahit anong inom ko ng kape, hindi ko pa din nakakalimutan ang eksena sa may lobby. Si Ibarra with his Maria Clara. Parang napupunit ang bahagi ng puso ko kapag naalala ko ang scene na yun.
Kaya uminom ulit ako kape at ginawa ko yun for the past three days.
“Oi Mira, natutulog ka ba?” Punta agad sa akin ng mga kaofficemate ko pagdating ko sa office. Hindi nakaya ng concealer ang eyebags ko.
“Hindi ako makatulog.” Mahinang sabi ko.
“Bakit?”
“Dahil umiinom ako ng kape.”
“Ilang tasa ba ng kape ang iniinom mo?” Pagod akong naupo sa upuan ko.
“Tatlong litro na sa ngayon.” Napamulagat ulit sila ng tingin sa akin.
“Talagang hindi ka makakatulog niyan. Bakit ka naman lumaklak ng tatlong litrong kape?”
:Kasi pag nagkakape ako, nagpapalpitate ang heart ko at kapag nagpapalpitate ang heart ko, hindi ko masyadong nararamdaman ang sakit. Hindi ko lang kasi matanggap na pinagpalit na niya ako kaagad.” U sniffed sabay inom ng kape na binili ko sa starbucks.
“Grabe! Yung iba kapag brokenhearted, sa alak nagpapakalasing. Ikaw naman sa kape. Kakaiba ka talaga.”