39
Then what followed next is some kind of a comforting silence. And I realized, makakapag usap naman pala kami ng matino ni Gabriel kung hindi ako magsasalita. So ibig sabihin ba ako ang nagpapagulo ng pag uusap namin? O magulo lang talaga ako? Ahh, hindi yan totoo. Mali ang analysis ko.
“Pwede na akong magsalita.” Sabi ko nung mapansin kong tapos na ang heartwarming speech niya at nagpakasasa na siya sa paghawak sa kamay ko at ako naman hindi man lang naisip na bawiin ito sa kanya.
“Wala namang nagbabawal sayo na magsalita ah.” Tumingin siya sa akin and this time ako ang umiwas ng tingin. Para naman akong tangang nililigawan na nakoconscious. Eh sa nakakaconcious ang klase ng tingin niya eh. Para siyang manghuhula na nagbabasa ng kaluluwa.
“Hindi mo kaya ako pinapasingit. Parang sinasabi mong moment mo yun at hindi ako pwedeng makiepal.” Nakita ko ulit siyang umiling at ngumiti.
“ O siya, baka sabihin mong unfair ang sanlibutan dahil hindi kita pinagsasalita. Sabihin mo na din ang hinaing mo binibini.” And he chuckled kaya sinapak ko ang braso niya ng libre kong kamay. Dahil alam kong sinasadya niyang magsalita ng malalim.
“Sige.” Matipid na sabi ko.
“Anong sige?’ Nagtataka namang tanong niya.
“Sige na nga. Binibigyan na kita ng 3rd chance. Tandaan mo, 3rd chance na yan Gabriel. Pag ikaw sumablay pa, ilulunod kita sa putik. At isa pa hindi mo na akong binigyan ng chance na tumanggi. Binola mo pa ako hanggang langit. Paano pa kita matatanggihan?” Lalo lang lumaki ang ngiti niya at binitiwan ang kamay ko tapos inakbayan ako at hinapit palapit sa kanya.
“Pwede na ba kitang i-kiss?” Ay ang landi! Namamaalam! Sapakin ko kaya to?
“Sure.”
“Halika.” At tumayo na siya sabay hila sa akin. Sumunod naman ako.
“Hoy! Kiss lang ang sabi mo. Tapos ngayon kung saang saang bandang liko mo na ako dinadala.” Puna ko sa kanya nung lumiko kami papuntang accomodation area.
“Magpapahatid lang po ako sa parking.” Napahiya ako sa sarili ko. Bakit ba ang hilig niyang ipahiya ako sa sarili ko?
“Ano ang gagawin natin sa parking?” At doon na siya tumawa ng malakas.
“Ahhh…kaya hinding hindi kita matitiis eh. Babalik muna akong Manila. May business meeting ako bukas.” Napatigil ako bigla sa paglalakad. At dahil hawak niya ang kamay ko, napatigil na din siya sa paglalakad.
“Kakabati lang natin, iiwan mo na agad ako? Ni hindi mo man lang ako hinalikan. At anong oras na? Magbabyahe ka pa? Paano kung may mangyaring masama sayo? Ano ang itatawag sa akin ng mga tao? 10 minutes girlfriend?” Nagtalak na ako. Kasi naman, nag eexpect ako na magtatagal pa siya dito. That we could spend some quality time. Pero ito siya wala pa kaming isang oras na nagkabalikan, lalayasan na kaagad ako.
“Mira, nagkaproblema lang ng kaunti ang MRA kaya kailangan kong asikasuhin. Babalik ako bukas para sunduin ka and we could spend the rest of the day together the days afterward.” Napahinahon naman ako sa sinabi niya.
“Di ba yun ang company na aaplayan ko dati? Kung nagkakaproblema pala bakit andito ka?” So that explains yung pagkawala niya kanina.
“Kasi naisip ko na baka may isang babaeng, tumalon na lang bigla sa putikan. At baka pag pumunta ako maisalba ko pa but it seems that I am a bit late.” Napahinahod naman ako dahil sa sinabi niya at na touched na din kasi imagine kahit na busy pala siya nagbyahe pa siya ng napakahabang oras para pumunta dito. Para ma check ako. Oo na, assuming na ako na ako ang dahilan ng pagpunta niya dito.
At dahil kunyari understanding girlfriend ako, pumayag na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
“Tatawag ako kapag nakarating na ako sa Manila.” Sabi niya nung nakarating na kami sa parking. Nakasandal ako sa isang kotse na di ko alam kung kanino at nakaharap naman siya sa akin.
“Kahit wag na!” Pataray na sabi ko.
“Masama talaga ang loob mo?” Mahinang tanong niya sabay tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin kasi naiilang na naman ako.
“Hindi ah! Tanggap ko na ang masaklap kong kapalaran. Magtext ka na lang kasi kung tatawag ka, baka magising pa ako. Alas dos ka na kaya makakarating ng Manila. Maaga pa ang gising namin bukas.” Nakaismid pa ding sabi ko.
“Hmmm… wag ka nang magtampo. Babalik ako bukas. And here’s your kiss.” And he gave me a peck on my lips. Lalo akong sumimangot.
“And what a kiss!” Reklamo ko pa.
“Ang reklamador mo talaga. Ano bang kiss ang gusto mo?”
“A kind of kiss that will make you stay here. Ang klase ng halik na magpapangiti sayo habang nasa byahe ka. A kind of kiss that will not make you sleep later. A kind of kiss that...” And he kissed me. A kind of kiss that I want. A kind of kiss that blow all of my thoughts and rendered my brain useless. A kind of kiss that is more than the touching of lips but more of a merging of souls.
And after our kiss ended, sinandal lang niya ang noo niya sa noo ko and looked deeply into my eyes.
“I love you.” Sabi niya at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. He again gave me a peck on my lips at binuksan ang driver’s seat ng kabilang sasakyan.
Nakatulala lang ako at may pakiramdam ako na ako ata ang hindi makakatulog mamaya dahil sa halik sa pinagsaluhan namin.
“Mira, don’t jump into that mudpit again.” Sabi pa niya sa akin kaya bumalik ako sa sarili ko.
“Oo na.” Sabi ko na lang while trying to composed myself. Ang lambot pa ng mga tuhod ko.
Sinara na niya ang pinto ng kotse at pinaandar ito then he drove off after waving at me. Ni hindi ko na nakuhang magwave din. Grabe ang after effect ng halik na binigay niya sa akin.
Semi-tulala pa din ako nung naglalakad na ako pabalik sa room namin.