43
“Di ba sinabi ko sayong magtatagal tayo?” Sabi niya sa akin while we’re celebrating our 60th monthsary. At kapag naiisip ko ang 60 napapabuntunghininga na lang ako. Yes, every month we are celebrating our monthsary. At limang taon na kaming ganito. Limang taon na kaming magboyfriend. Hindi naman smoothsailing ang relationship namin. May mga times na nag aaway kami pero hindi nagtatagal. Napaka ideal niya bilang boyfriend. Napaka sweet at napatunayan ko na ang pagiging faithful niya sa akin. Bilang girlfriend niya, wala na akong mahihiling pa. I have a perfect boyfriend at close na close na ako sa pamilya niya.
At nagtagumpay na din ako na landiin siya. Sinasabi ko na hindi niya ako matitiis. Wala na akong problema sa bagay na yun. Pero ibang bagay naman ngayon ang pinoproblema ko.
“Oo nga eh.” Walang ganang sabi ko at ni hindi ko na nginuya ang kinakain kong steak. Ni hindi ko na nga malasahan.
Dahil ramdam na ramdam ko na hindi na ako kuntento bilang isang girlfriend niya. Gusto ko nang umakyat kami sa isang level. Ayaw ko na habang buhay girlfriend lang ang papel ko sa buhay niya. Gusto ko ng maging misis niya. Pero ano ang magagawa ko? Ni hindi siya nagyayaya ng kasal. Alangan naman na ako ang magpropose? Akala ko nga nung 28th birthday ko, magpopropose na siya kasi nagyaya siya ng out of town pero hindi. Natapos lang ang birthday ko na walang proposal na nangyari. Oo, naging masaya ang birthday ko na yun pero may kulang. At ngayon, ilang buwan na lang mag -29 na ako.
And worst, he is not even mentioning about marriage. Ni hindi siya nag paplano tungkol sa future namin at kinakabahan na ako. Mukhang kuntento na siya sa current set up namin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi na algn ako pumayag na magpakasal sa kanya dati. Kung alam ko lang na magiging masyado siyang komportable sa In a relationship status, sana dati pa alng pumayag na ako sa kasal na inaalok niya. At kahit na ilang beses na akong nagbigay ng hint na gusto ko ng magpakasal, mukhang walang epekto sa kanya? Naisip ko tuloy, ayaw nab a niya akong pakasalan? Nasobrahan nab a siya sa kaartehan ko? Napagod nab a siya sa kakayaya sa aking magpakasal? Napapraning na ako. Gusto ko na lang siyang pikutin.
At ang dami ng nagtatanong kung kelan daw ba kami papakasal. Halos lahat ng mga kaofficemate ko na mga single dati, may mga asawa’t anak na. Ako ni wala pa akong fiancee. Nahuhuli na ako sa byahe and worst, mag eexpire na ata ang matris ko na hindi nasisilayan ang bigbang theory ng human reproduction.
“Baby, okay ka lang?” Tanong niya sa akin kasi nahalata ata niyang wala akong ganang kumain. Kilala na talaga niya ako. Alam na niya pag nag iiba ang mood ko. Pero ang hindi ko maintindihan pag nagpaparinig na ako tungkol sa pag sesettle down, hindi ata nasasagap ng antenna niya.
“Oo naman Babe.” Pero kung papakasalan mo ako, mas magigiung okay ako. Pero hindi ko yun masabi. Oo nga at madaldal ako pero pagdating sa usapang kasal at engagement hidni ko siya madiretso. Tinatablan ako ng kahihiyan kasi naniniwala pa din ako na ang lalaki ang mag initiate nun. Pwede ko siyang pilitin na makipaglandian sa akin, na makipagbalikan sa akin pero hidni ko ipilit sa kanya ang pagpapakasal. Hindi ko talaga kaya or maybe I am losing my touch.
“Mukha kasing kanina ka pa spaced out.” Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa isang pamilya na nasa kabilang table namin.
“Hindi. Tinitingnan ko lang ang nasa kabilang table. Look at them, they look so happy. And the parents are so sweet with each other despite having 3 children.” Tiningnan naman niya ang pamilyang ginawa kong alibi.
“Nakakainggit naman!” Parinig ko pa. Nakita ko siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko. And as usual, my stomach flutters, Bakit kaya ganun ano? Kahit limang taon na kami, hindi pa rin naaalis ang kilig sa katawan ko kapag nagiging sweet siya sa akin.
“Sweet din naman tayo ah!” Sabi pa niya. Gusto ko ng bumuntong hininga pero pinipigilan ko ang sarili ko. Di ba talaga niya nagets? Sabunutan ko na lang kaya siya?
“Oo nga. Pero iba pa din siguro ang feeling ng may pamilya ano? Yung kumpleto kayo kapag kumakain. Ano kaya ang feeling ng magkaanak? Ang sarap siguro talaga pag may baby sa bahay.” Parinig ko ulit sa kanya.
“Siempre masaya pero magulo din. Nakita mo naman ang sitwasyon nina Jude at Ralph.” Sabi pa niya. Tumango ako.
“Pero iba pa din pag may pamilya na ano? Maybe you could feel a sense of fulfillment habang nginingitian ka ng baby.” Pero ang ibig ko talagang sabihin ay, ‘Pakasalan mo na ako! Wag kang manhid.’
“Yeah, nakikita ko nga na fulfilled ang mga pinsan ko. Well, except for Mike.” Hindi na ako nagtanong sa nangyayari sa buhay ni Mike dahil alam ko naman na yun at sensitive issue yun sa pamilya nila.
“Sana kapag nagkapamilya na tayo ganyan din tayo kasaya.” Ang ibig ko sabihin ay, ‘Pakasalan mo na ako! Hayop ka!’ Nanggigigil na ako nyan. AT first time ko din magsabi sa kanya ng tungkol sa pagpapamilya namin. At sana naman makaramdam na siya di ba?
“Masaya talaga ang may pamilya. Iba ang feeling pag may bata sa bahay. Nakakatuwa nga pag andun ang mga pamangkin ko sa bahay pero siguro pag palagi mo na silang kasama nakakasawa din. Kasi ang kukulit.” I’m sure hindi ka magsasawa kapag anak natin yun.
“Kaya ayaw ko munang magkaanak. Mas maganda ang ganito. We could go wherever we want to go na walang inaalalang iba. Ikaw lang ang baby ko. At ako din ang baby mo.” Napanganga ako. Seriously? Seriously Gabriel? At nung napansin kong medyo napatagal ang pagnganga ko, I closed my mouth and looked at him.
Napuno ng disappointment ang puso ko. Napuno ng panibugho ang buong pagkatao ko. Napapout ako ng wala sa oras.
Omayghad! Bakit ganyan siya? Gusto ko na ng baby. Yung totoong baby!
Gusto ko nang magwelga. Gusto ko nang mag rally sa Mendiola para lang magpropose na siya at magpakasal kami. Gusto ko na ng pamilya!
Now na!
A/N: Kita kits mamaya sa Market market!