Chapter 19

293K 4.9K 848
                                    

19

The jaw of my officemates dropped when I entered the office. Binaliwala ko ang lahat. Dirediretso lang akong naglakad papunta sa table ko habang ang lahat ay tulala at nakasunod ang tingin sa akin.

“Mira ano ang nangyayari sayo?” Tanong na ng katabi ko nung hindi na ata siya nakatiis.

“Wala. Bakit?” Patay malisya kong sabi.

“Ano yang damit mo?” Tiningnan kong mabuti ang officemate ko.

“Seriously, hindi mo alam ang kimona at patadyong? Ito ang kasuotan during the pre spanish period. Bago pa tayo masakop, ito na ang damit ng ating mga ninuno.” Sabay taas ng isang kilay ko. Naiirita na kasi ako kasi nangangati ang legs ko sa patadyong. Hindi talaga ako sanay sa mahabang skirt. At naiinitan ako sa kimona.

Pero lahat titiisin ko para lang mapabago ang isip ni Gabriel. If he want ancient, I’ll give him ancient. If his fiancee is wearing clothes during the spanish era, then I would wear clothes during the pre spanish era. Naisip ko nga na yung damit nung panahon ni Adam at Eve ang suotin ko pero naisip ko din na hindi pa pala naimbento ang damit nung mga panahon na yun. 

“Siyempre alam. Pero, bakit yan ang suot mo?” Tiningnan ko ang damit ko na kating kati na akong hubarin at malungkot na tumingin sa mga officemates ko na naghihintay ng sagot ko. Nagpout ako at bumuntong hininga tapos tumingin sa kawalan.

“For the sake of my love. Gagawin ko ang lahat.” I said in a sad tone. They all groaned.

“Kawawa ka naman Mira. Sige girl ipaglaban mo ang pagmamahal mo.” At nagsibalikan na sila sa mga upuan nila with pity in their eyes. At least, some people understand me and my predicaments.

Buong araw akong nangati at nainitan dahil sa suot ko. Naisip ko pa nga bakit ko nga ba ginagawa ito pero tuwing naalala ko si Gab, bumabalik ang lakas ko at ang kagustuhan kong mabawi siya mula kay Maria Clara. I will not back down without a fight.

Nung uwian na, halos mawalan na ako ng gana kasi hindi ko nakita buong araw si Gab. Siguro napagod na sa pagpunta sa building namin. Kaya nanlulumo akong lumabas ng elevator  pero nung palabas na ako ng lobby may nakabunggo ako. Mumurahin ko na sana kung hindi lang familiar ang cologne.

Slow motion akong napatingin sa nabunggo kong tao na ngayon ay nakahawak na sa bewang ko.

“Gabriel!” Parang nagliwanang ang paligid. Parang bumalik ang na drain kng lakas.

“Mira?” Kumurap kurap pa siya nung nakita niya ako saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

“Kamusta ka na aking irog?” Pa cute na sabi ko. Hindi siya makapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Napangiti ako ng lihim. Sabi ko na nga ba na madadala ko siya pag nagiba ako ng costume.

“What are you wearing?” Nanlalaki pa ang mga mata niya.

“Di ba ito ang iyong kagustuhan? Ang makalumang ….” Nag isip ako ng malalim na salita para sa damit.

…kasuotan? Di ba ito ang dahilan kung bakit mo ako pinagpalit sa iyong mapapangasawa? Ginagawa ko lang ang mga sinabi mo Gab. Kung kinakailangang magpalit ako ng anyo, magustuhan mo lang ulit, gagawin ko. Hahamakin ko ang lahat mapasakin ka lang.” May kumpas kumpas pa ako ng mga kamay while saying that na parang tumutula ako. Yeah, I’ve practiced it. Mabuti na lang at hindi ako nagstammer.

“Mira hindi kesyo nagsuot ka ng ganyan at nagsasalita ka ng malalim na tagalog ay makikipagbalikan na ako sayo.“ I gaped at him. Sinasabi ba niyang baliwala ang pagtitiis ko sa kati ng damit na to? Parang biglang nag init ang ulo ko. I’ve endured wearing this thing for hours yet walang epekto sa kanya?

“Are you saying na kahit ano pa ang gawin ko hindi na mababago ang decision mo?” My voice rose an octave.

“Na kahit magpakaancient pa ako magpapakasal ka pa din? That all my efforts are useless? Is that what you’re saying Gabriel? Na baliwala ang damit na to? Magpapakasal ka pa din?” Naningkit na talaga ang mga mata ko sa kanya. Kulang na lang lamunin ko siya ng buhay.   

“Mira, akala ko ba maliwanag na ang usapan natin? Na hindi na magbabago ang pasya ko?” Ibinalik ko ang luha ko na muntik nang mahulog. Hindi pupwede ito. After all I’ve done? Nagpakatanga akong maglakad sa Makati ng naka Kimona at Patadyong. Tiniis ko ang pang aalipusta ng sangkatauhan. Willing na akong ipagpalit ang future sa past tapos sasabihin niyang all my efforts are in vain? This can’t be!

“So pakakasalan mo ang babaeng yun?” Alam kong paulit ulit na tanong pero baka magbago ang isip niya.

“Why not? Magkasundo kami.” Napasinghap ako. I breath through my mouth kasi nagbabara na ang ilong ko.

“So, wala pala talaga itong kwenta. Lahat ng to walang kwenta!” Hinubad ko na ang kimonang suot ko. Para saan pa at suot suot ko to? It didn’t serve its purpose.

“Mira! Anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad?” Gilalas na sabi niya habang nakatingin sa akin.

“Walang kwenta ang lahat ng effort ko! At hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa’yo!” Hinubad ko na din ang patadyong ko. Nakanganga na siya sa akin at nakatulala. Naka white spaghetti strap sando na lang ako at naka maong shorts na sobrang iksi. Mabuti na lang bumagay ang bakya sa porma ko. Dahil kung hindi baka mapilitan akong maglakad ng nakapaa sa Makati.

“Hindi ko na uulitin ito. Kaya ito!” Hinampas ko sa tulalang pagmumukha niya ang Kimona at patadyong.

“Isaksak mo sa baga mo. Baka magamit mo pa sa kasal mo. Magpakaancient ka hanggang gusto mo. Wala na akong pakialam sa’yo!”

Then I left him. Tsaka ko lang napansin na ang dami palang nanonood sa amin. Lahat nakatulala at hindi nagsasalita. Pero binaliwala ko ang lahat ng yun.    Dirediretso lang ako.

At hanggang sa makalabas ako ng Villegas Tower walang ibang naririnig kundi ang tunog ng bakya ko. 

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon