Dedicated po sa lahat ng pumunta kanina at nagpasign at nagpapicture sa akin kanina sa market, market. Lalo na kina Yollymel Mary Grejarte na nagbigay ng letter. Kay Christmyr para sa dalawang napakagandang pin. At sa mga nagsulat sa freedom wall. Don't worry kinuha ko lahat ang mga sinulat niyo at iaalbum ko lahat. Tha nk you talaga.
44
“Anong gagawin natin dito?” Nakasimangot na tanong ko. 65th monthsarry namin ngayon and as usual, magcecelebrate na naman kami. At kahit na dinala niya ako sa isang resort na napakasosyal hindi pa din ako nag assume. Napapagod na ako sa pag aassume. Napapagod na ako kakaparinig at kakaparamdam sa kanya.
“Kakain at mag uusap.” Sabi niya. Lalo akong sumimangot. Inaantok pa naman ako kasi kagagaling ko lang ng office at pagod ako sa trabaho.
“Pwede namang sa Maynila na lang. Hindi na nating kailangan magbyahe ng malayo.” Sabi ko pa. Kung pwede nga lang na wag na lang kaming magcelebrate ng monthsarry. Kais pag dumadating ang araw na to, naaalala ko na naman ang frustration ko sa kanya. At 3 months na alng mag29 na ako pero ang sira ulo kong boyfriend ni hindi man lang naisipang magpropose. Akala ata niya habang buhay kong gusto na maging single.
Hindi na niya pinansin ang comment ko. Nagpatianod na lang ako nung dinala niya ako sa isang resto ng resort. Then he ordered our food. Tapos kumain na ako.
Hindi kami nag uusap which is unusual para sa akin kasi kapag nagdidinner kami, hindi kami nawawalan ng topic na pinag uusapan. But this time, he is unusually quiet.
Napatingin ako sa kanya and I saw him fumbling his fork. Ano ang problema niya?
“May problema ba Gab?” Nakakunot noong tanong ko. He is strange tonight. Bigla bigla ata nagbago ang mood niya? At bakit parang ang lalim ng iniisip niya?
“Wala. Just eat.” Matipid na sagot niya. Hindi na ako nagsalita at kumain na lang nung makita ko siyang kumain na ulit. But I cannot ignore the feeling of uneasiness. Something is wrong with him and I am sure of it.
Then his cellphone rang. He looked at it at sa ikinagulat ko, tumayo siya sa table.
“Excuse me Mira. Sasagutin ko lang to.” Hindi na ako nakapagsalita kasi umalis kaagad siya. Nakasunod alng ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala.
Hindi niya kailanman ginawa sa akin ang bagay na yan. When we’re going out at may tumawag sa kanya, kadalasan hindi niya sinasagot ang tawag. At kung sobrang importante na talaga, sasagutin niya ito pero pinaparinig niya sa akin ang usapan. Kahit kailan hindi siya lumayo sa akin para lang sumagot sa phone niya.
Biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko.
Could it be…could it be na niloloko ako ni Gabriel? Napalunok ako at napainom na din ng tubig. Pakiramdam ko mabibilaukan ako dahil sa mga pinag iisip ko.
Am I being paranoid?
I tried to get rid of that unpleasant thought. Dahil siguro naman, after five years, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin, siguro naman hindi niya na akong magagawang lokohin di ba?