Chapter 2
‘Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga.’
“Ahhhhhhhhhh.” Napatili ako pagkabasa ko ng message from Gabriel. Grabe! Grabe siya. Hindi ko na macontain ang kilig na nararamdaman ko. Ang aga aga pinapakilig niya ako ng ganito. He is so poetic to the point na dinudugo na ang ilong ko. Ang tanong ko lang naman ay, ‘what is love ba for you?’ Tapos yan na ang sinagot niya.
Memorize ata niya ang mga linya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo. My Gosh! At uu, textmates na kami. Tinext ko kaagad siya pagdating ko sa office nung araw na nagkita kami. Siempre palalampasin ko ba naman ang opportunity kahit na sabihing nakagel ang buhok niya at 3210 ang cellphone niya?
Siya na nga ang nagsabi, ‘looks doesn’t matter.’ In tagalog nga lang. Ano nga yung exact words niya?
‘Hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuan.’
“He is my dream man na! Napakagentleman niya! He is very poetic. Haysss” Kinikilig na kwento ko sa mga ka officemate ko dahil hindi ko na kayang itago ang kilig na nararamdaman ko.
“Bading?” Tiningnan ko ng masama si Loida dahil sa sinabi niya.
“Alam mo inggitera ka teh! Hindi kesyo gentleman at pogi ay bading na. Pambihira, walang nagkakamali sayo.” Binilatan ko nga! Hmp! Napakaimposibleng bading si Gabriel. Sa pogi niyang yun, bading?
At dahil naasar na ako sa mga officemates ko, tinigilan ko na ang pagkukwento at humarap sa pc ko at nagsimulang magtrabaho. Mga echoserang froglet! Mga inggit lang sila!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at binuksan ito tapos nagreply ulit kay Gab my loves. Yeah, feeling ko like ko na siya. Parang hindi na nga ako makakatulog kapag hindi kami nagtetext.
‘You know what? You are so poetic. I think I like you na.’ At sinend ko na ang message with matching smile on my face.
Bakit pa ba ako magpatumpik tumpik? If I like him then I will tell him kasi hindi naman siya manghuhula para malaman ang nararamdaman ko. Hidni ko ugali ang magtago ng damdamin. Kaya madaming babae ngayon ang luhaan dahil tinatago nila ang damdamin nila. Paano kung torpe ang lalaki eh di wala silang patutunguhan? Hay naku hindi na uso ang pa demure sa mga panahong ngayon.
Women should be assertive and aggressive to get what they want. At isa na doon ang pag eexpress ng nararamdaman.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko na receive ang reply niya. Baka natraffic ang 3210, outdated na kasi.
‘Gusto din kita Mira, pero mas gusto kong hindi pinapangunahan ang nararamdaman ko. Gusto kong gawin tama ang lahat.’ At hinimatay na ako sa reply niya. Tama? Ibig sabihin liligawan niya ako. For real? Gosh! Uso pa ba yung ligawan thingy? Ang alam ko maghalikan lang, magboyfriend na agad. But nonetheless, I am very flattered.
‘Wag kang ganyan, kinikilig ako.’ I replied.
Buong araw na masaya ang araw ko. Buong araw akong nakangiti at masipag sa trabaho. Ganito pala ang feeling ng inspired. Para akong nakaapak sa cloud ten.
At hanggang sa mag uwian, hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. Hanggang sa naghihintay na ako ng jeep sa may loading area. Hindi ko ininda ang mahabang lakad sa underpass na may sirang escalator.
Ni hindi ko pinansin na ang haba ng pila ng mga sasakay sa jeep dahil busy ako sa daydreaming ko. Ni hindi ko pinansin ang taxing tumigil sa harapan ko. Kung hindi pa sinabi ng ale sa tabi ko hindi ko mapapansin ang taxi.
Teka! Pumara ba ako ng taxi? Tiningnan ko ang mga katabi ko at busy sila sa pila. Ako lang pala ang wala sa linya kaya malamang iniisip ng lahat na taxi ang hinihintay ko at hindi jeep.
I mentally counted the money in my wallet at nung napagtanto kung kasya pa ito pantaxi, sumakay na ako sa backseat. Kesa naman masabihan na wala akong pambayad sa taxi. Ahhh pero hindi na ako makakabili ng lunch nito. Tatlong araw pa naman bago magsahod. Di bali, magdadiet na lang ako. Pandesal na lang ako tuwing lunch o kaya skyflakes para mas social.
Kuya sa Sampaloc po. Sabi ko sa driver ng hindi ito tinitingnan. Busy ako sa paglolock ng pinto ng taxi. Mahirap na baka masnatch pa ang bag ko at makita ng mga snatcher na kakarampot ang pera ko. Nakakahiya naman sa kanila.
Inayos ko na din ang cellphone ko at inilagay ang headphone para makinig sa music.
“Gusto mo ba munang maghapunan Miss?” Kumunot ang noo ko sa lakas ng apog ng taxi driver.
“Kapal mo Kuya ha. Sa tingin mo…” Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa salamin ng taxi and I saw the grinning face of Gabriel.
“Ga-Gab! What are you doing here?” nawindang ang kaluluwa ko. Paanong—paanong siya ang driver ng taxi?
“Taxi ko to.” Nakangiti pa ding sabi niya.
“Ta-taxi mo?” Ulit ko sa sinabi niya. At hindi ko magawang itanong ang gusto kong itanong kasi baka totoo nga.
“Oo.” Ohhh God! Gusto kong batukan ang sarili ko para magising ako sa malupit na truth.
“Sa’yo? As in you own a fleet of taxi?” Baka naman nga madaming silang taxi at napagtripan lang niyang magdrive ngayon? Hindi naman talaga siya…
“Hindi. Namamasada lang ako. Nagbaboundary.” Damn!
“Ta-taxi driver ka?” Napalunok na talaga ako.
“Oo, yan ang hanapbuhay ko.” Shit! Gusto kong himatayin.
He’s a freaking taxi driver!
At umamin akong like ko siya. Inamin kong may gusto ako sa isang taxi driver. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga taxi driver pero kasi hindi bagay sa pagkasocial ko kung magkakaboyfriend ako ng taxi driver.
What would my officemates say? What would my friends say? Na wala na akong makitang ibang guy at pati taxi driver pinatulan ko? Oh my gosh!
Oh no!
A freaking taxi driver.