29
“Hays…” Bumuntong hininga ulit ako ng pang sampung beses na ata. Kanina ko pa din tinitingnan ang screen ng computer ko at wala talaga akong ganang ipagpatuloy pa ang trabaho ko dito. Kaso ang walang hiyang destiny, pinaglalaruan ako. Sino ba naman ang mag aakalang si Gabriel ang may ari ng kompanyang may job interview ako? Kaya ito ako ngayon, nakaupo pa din sa upuan ko sa Villegas Group of Companies.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pwedeng paglaruan ng tadhana, ako pa ang napili niya? Pwede naman niyang paglaruan ang mga langgam, o mga butiki, o kahit ang mga dinosaur. Bakit ako pa? Ano ba ang nagawa kong atraso sa kanya at ako ang napili niya? Pero naisip ko din, paano kaya paglaruan ni destiny ang mga langgam? Pero bakit ba pati yun iniisip at pinoproblema ko? Ni hindi ko nga kayang solusyunan ang sarili kong problema tapos poproblemahin ko pa ang mga langgam?
“Good afternoon.” Napastraight bigla ang likod ko nung marinig ko ang boses ni Gabriel. Hindi ako lumingon pero dinig na dinig ko ang mga singhap ng mga officemates ko.
“Good afternoon Sir.” Halos sabay na bati ng mga ka Deaprtment ko. Mayron pang hindi na napigilan ang tili. Gusto ko tuloy sabunutan kung sino man ang malanding tumili na yun.
“Gusto niyo ba ng ice cream?” Alive, alert, awake, enthusiastic na announce niya sa buong Department. Ano ang drama niya? Nagpapansin ba talaga siya? At ano ang akala niya sa akin? Bata na nasosolohan ng ice cream.
“Talaga sir? Manlilibre ka?” Malanding sagot naman ng iba. Nanggigigil na ako.
“Oo naman. At para na rin kahit papaano makilala niyo ako kasi bago lang ako dito. Sabihin na nating ito ang way ko para iintroduce ko ang sarioli ko sa inyo bilang bagong empleyado ng kompanya. A gusto niyo?” Sabi niya ulit at lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung maramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko. Tapos maya maya lang sumandal na siya sa gilid ng table ko. Hmp! Papansin talaga. At sa tingin niya, dahil sa pagpapacute niya patatawarin ko na siya? Never!
“Siempre naman Sir.” Nagkakagulo na sa Department. At ala kong hindi yun dahil sa ice cream. Dahil yun sa isang taong walang pakundangan kung magpacute. Ano ba ang pinaglalaban nito at hanggang dito ginugulo ako?
“Mukhang ayaw ng iba niyong kasama.” And I know exactly kung sino ang tinutukoy niya. Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit na hindi ko siya tinitingnan. At gusto pa ata akong ipahiya ng walanghiya.
Huminga ako ng malalim.
“Hindi Sir! Gusto namin. Di ba? Diba?” Umismid ako sa mga kaladkarin kong officemate.
“Oo nga Sir!” Kung saksakan ko kaya ng ice cream ang mga bunganga ng mga ito? Naiinis ako. Super! Pasimple ko siyang tiningnan sa pamamagitan ng kunyaring paghawi ng buhok ko. Pero nakita kong nakatingin nga siya sa akin kaya binawi ko agad ang tingin ko.
“Hoy! Di ba Mira gusto mo ng ice cream?” Lumingon ako sa nagsalita at pinanlisikan siya ng mata. Kailangan sabihin ang pangalan ko? Mukhang patay gutom ka sa ice cream! Pero dahil ayaw kong masabihang KJ sumagot ako.
“Of course.” Pero labas yun sa ilong at pilit na pilit ang ngiti ko. Bwisit! Tapos tumalikod ulit ako at tumunganga sa computer ko tapos nagkunyaring may ginagawa. Pero ang totoo, hindi ko na alam ang ginagawa ko. Ni hindi ko na maintindihan ang tinatype ko. Dagdagan pa ng nagririgodon kong puso.