23
Mabuti naman talaga sa loob ng isang lingo, hindi na pumupunta si Gabriel sa Villegas Tower. Huh! Siguro napansin na ng gwardiya na ginagawa na niyang tambayan ang building kaya banned na siya. Buti nga. It’s good for me kasi hindi pa ako ready na harapin siya. At talagang pangangatawanan ko ang paglimot sa kanya. Ayaw ko ng ipilit pa ang sarili ko. Kung ayaw niya eh di wag! Madami namang lalaki sa mundo. Well, kahit hindi na kasing pogi niya. Basta madami pa. At alam kong darating ang panahon na makakalimutan ko din siya.
Napangiti ako ng mapait nung maisip ko yun. Pero ayaw kong maging bitter. Hindi bagay sa kagandahan ko ang maging bitter.
Tumayo na ako mula sa trono at lalabas na sana sa cubicle kung saan ako nagCCR nung may bumukas ng pinto ng CR. Wala na sana akong pakialam kung hindi lang madaldal yung pumasok.
“Bakit ba kasi nagtataxi si Gabriel, Raziel?” Sabi ng isa babae sa kasama niya na obviously ay si Ma’am Raziel. Siya lang naman ang may pangalang Raziel sa buong building. Pero hindi yan ang nagpatigil sa akin sa pagbukas ng cubicle, kundi ang pangalan na binanggit nung kasama ni Ma’am Raziel.
Gabriel tapos nagtataxi? Iisa lang ba ang Gabriel na kilala namin? Hindi ko laam pero bigla akong kinabahan.
“Eh kasi nga naglayas yang si Kuya Gab kasi nga sinabihan siya ni Lola na ipapakasal siya sa kay Maria Clara. Eh, ayaw niya.” Narinig kong tumawa yung kasama ni Ma’am Raziel. Kung hindi lang siguro ako kinakabahan, tumawa na din ako sa pangalan na Maria Clara.
“Totoo? Maria Clara talaga ang pangalan nung fiancee ni Gabriel? Akala ko biro lang ni Grandma yun. Mabuti na lang at Ana ang pangalan ko. Hindi masyadong makaluma.”
“Oo. Yun talaga ang pangalan nung girl.” Sabi naman ni Ma’am Raziel. Lalo akong kinabahan sa usapan nila.
“Pero maganda naman siya di ba? Makinis pa. Mukhang mayaman. Bakit ayaw ni Gab sa kanya?”
“I don’t know. Basta ang sabi dati ni Kuya Gab, ayaw niyang magpakasal ng dahil lang sa UNL.”
“UNL?” Pati ako nagtanong kung ano ang UNL.
“Utang na Loob. Kasi nga, nung bata pa yang si Kuya Gab, nalunod yan sa ilog. Ngayon nakita siya ni Maria Clara kaya si Maria Clara ang nanghingi ng tulong para ma save si Kuya Gab. Yun ang naging basehan ni Lola para ipakasal sila. Utang daw ni Kuya Gab ang buhay niyakay Maria Clara. At isa pa wala namann daw gf si Kuya Gab. Pero matigas ang ulo ni Kuya Gab, like all of us kaya naglayas, naging taxi driver at dumating pa sa point na nagpractice nga siya maging makaluma para maturn off si Maria Clara kasi sa states na ito tumira so akala ni Kuya Gab ultra modern ito. Pero epic fail siya kasi malay ba namin na patriotic ito at sobrang makaluma din. Kaya ayun, nung nagkita sila tuwang tuwa tuloy kay Kuya Gab. Feeling niya nakahanap siya ng soulmate sa katauhan ni Kuya.” Mahabang sabi ni ma’am Raziel. At habang sinasabi niya yun halos hindi din ako makahinga. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko mapigilang mapaupo ulit sa toilet.
Nagpractice maging makaluma? Parang pinipiga ang puso ko sa mga naririnig ko. Oo nga at wala pang confirmation pero kailangan pa ba nun?
“Pero di ba may gf si Gab? Sabi ni paeng meron siyang hinarana dito?” Tumawa naman si Ma’am Raziel sa sinabi nung Ana.
“Hay naku! Baliw nga yang si Kuya Gab eh. Oo, empleyado namin yung girl. Mira ata yung name. Pero hindi ko alam kung seryoso siya dun o hindi kasi nung dumating naman si Maria Clara pumayag naman na siya na magpakasal kay Maria Clara. So maybe he is not really serious with the girl.” Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang pagsinghap ko. At hindi ko din pinigilan nung kusang tumulo ang mga luha ko. Masakit na tinanggihan ako ni Gab ng ilang beses. Masakit na lunukin ang pride dahil sa paghahabol sa kanya. Pero mas masakit pala malaman na all along, pinaglaruan lang niya ako. Na hindi naman pala niya ako minahal. At ano ang term ni ma’am Raziel? Pinagpraktisan?
All along, naging tanga ako. Ni hindi ko nga pala inalam ang apelyido niya. Kamag anak pa ata siya ng mga boss ko. Paniwalang paniwala ako na taxi driver siya.
God! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
“OMG Anna! I have a blackhead.” Biglang bulalas ni Ma’am Raziel.
“Madami?” Sabi naman nung Ana.
“Blackhead nga lang. Isa lang. Walang S.” Mataray na sabi ni Ma’am Raziel
“Let’s go to the spa.” Dagdag pa nito.
“Sa Sapa? Tara para mas maging pinkish ang kutis ko. Papalagay ako ng putik.” Sabi ulit nung Ana tapos lumabas na sila ng CR.
Nakaalis na sila’t lahat, nakaupo pa din ako sa toilet at nakatulala.