Chapter 18

302K 4.2K 340
                                    

18

Hindi ko na mabilang kung nakailang buntonghininga na ako habang nakatitig sa palabas sa National Geographic  dito sa sala ng apartment ko. Hindi ko naman naiintindihan ang palabas. Masyadong busy ang utak ko sa pag aanalyze kung ano nga ba ang nangyari sa amin ni Gabriel. Sino ba ang may mali? Ako ba o siya? Kailangan ko ba pang mag fishbone analysis para ma dissect ang cause ng lahat?

We’re okay. We are compatible in so many things except for one. Marriage. Other couples are ecstatic when talking about getting tied but us, we fight, we quarrel when we talked about it. Yung iba gustong gusto pag usapan ang kasal kami lang ata ang hindi.

Or maybe ako lang ang hindi. Pero hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko rin pero sa ngayon. It’s too early. At dahil sa hindi ko pagpayag, agad naman siya nakakita ng papakasalan niya. Ano ba ang meron sa pagpapakasal at nagmamadali siya?

But nonetheless, hindi pa din ako makakapayag na magpakasal siya. Kung kailangang akitin ko siya, kung kailangang landiin ko siya para mabalik sa akin ang atensiyon niya gagawin ko. I couldn’t let him slip away. No way!

At nabuo ang desisyon ko. Sa ngalan ng Katipunan kailangan kong maibalik ang nawalan sa akin. Kailangan kong ipaglaban ang aking karapatan.  Tumayo ako at humarap sa full length mirror na nasa tabi ng TV. Tumayo ako ng tuwid at seryoso tapos sumigaw ako.

“Ipaglaban ang karapatan!” Sabay taas ng kamay ko na may hawak na bread knife.  I looked at myself proudly infront of the mirror. Then I looked closer.

“Hmmm… ang puti ng kili kili ko. Flawless, walang kahit isang bahid ng chicken skin. I like it that way. Nagpepay off talaga ang pagpapalaser. ” I keep on examining my armpit hanggat sa magsawa ako. Tapos natulog na ako. Kailangan kong matulog ng maaga dahil babantayan ko pa si gab na pumasok sa opisina. Total, mukhang ginagawa na niyang tambayan ang building namin. Pero sana lang makita ko siya bukas.

Kaya 7AM pa lang nasa lobby na ako. Nagshade pa ako para hindi ako makilala ng mga kasamahan ko. Umupo ako sa may couch ng lobby at hinintay ang pagdating ni Gab.

And when he entered the lobby, he literally took my breath away. Aba! Araw araw ata nag iimprove itong si Gabriel? Nagiging moderno na ang pananamit niya talaga. He is now wearing a dark blue long sleeve polo na nakatupi hanggang siko and a slack. At inalis ko talaga ang shades ko to make sure that Gab is also wearing a shade.

Peche peche naman! Ang gwapo gwapo ang ex boyfriend na magiging future boyfriend ko na rin. Napanganga talaga ako. But I instantly stop myself at agad na tumayo at nagmamadaling hinabol siya. Suot suot ko pa din ang shade ko na inalis ko kanina.

Inunahan ko talaga siya at mukhang hindi naman niya ako napansin. And then natapilok ako. I mean, nagkunyari akong natapilok. Exaggerated pa ang muntik ko ng pagkatumba at dahil itong si Gab ay sadyang gentleman, sinalo niya ako like before.

Napatingin ako sa sapatos ko at nadismaya ako nung makita kong hindi naputol ang six inches heels ko. Asar. Dapat pala sinira ko ng kunti yan kanina para sure ball. At dahil sa hindi gumana ang first plan ko, nag proceed ako sa second plan. Ganun talaga, kailangan talaga ng back up plan kung maglalandi ka. Para hindi mabulilyaso ang plano.

“Ouch!” Maarteng sabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi na siya amoy pomada! Thank God!

“Are you okay Mira?” Napangiti ako ng lihim. Well, kilalang kilala niya talaga ako. I am so proud of him.

“Na sprain ata ang ankle ko. Ouch!” This time kumapit na ako sa braso niya kahit hindi naman talaga masakit ang paa ko at nagkunyari akong di makakalakad.  

At dahil sa sinabi ko wala na siyang magagawa kundi ang buhatin ako at doon ko siya hahalikan. And of course dahil mahal pa niya ako he would kiss me back.  Naiimagine ko na ang mangyayari. Tapos makikita kami ng mga tao and then kakalat ang tsismis at malalaman ng fiancee niyang ancient, siyempre magseselos at makikipaghiwalay sa kanya. And I would comfort him tapos magiging muling ibalik ang tamis ng pag ibig ang peg namin.

“Mira, hindi ka ba talaga makakalakad?” Tanong niya sa akin. Pinilit kong ngumiwi at tumingin sa kanya tsaka umiling.

“Guard, pakilapit nga ng upuan na yan.” Tiningnan ko ng masama ang guard na agad namang sinunod ang utos ni Gab. What the heck!

Inalalayan niya akong tumayo at pinaupo sa upuan. Gusto kong magdabog kung hindi lang dahil sa kunyaring sprain ko.

“Are you okay?” Tanong pa niya habang hinahawakan ang paa ko. Hindi ako nagsalita. Ninanamnam ko pa kasi ang pagkakahawak niya sa paa ko. Parang hinahaplos pa iniya ito at hindi ko mapigilang mapapikit. Naalala ko tuloy ang mga time na hinahalikan niya pati ang paa ko.

At dhail sa alaalang yun, nag init ang pisngi ko.

“Mira, I already told you that I wouldn’t change my mind. You don’t have to pull this kind of thing.” Mahina pero seryoso niyang sabi. Napamulat ako ng mga mata.

“What kind of thing?” Painosente kong tanong.

“Kanina ko pa pinipisil ang paa mo pero wala ka man lang reaksiyon. So I presume na wala ka naman talagang sprain. And if you have, dapat swollen na yan ngayon.” Sabi pa niya. Then I realized na hindi talaga niya hinihimas ang paa ko. Pinipisil niya ito to check kung may sprain nga ako.

“Aray! Aray! Wag mo ngang pisilin. Ang sakit eh. At hindi pa siya swollen kasi late reaction yan, like me.” Palusot ko pa and I saw him hide his smile. And I know that he didn’t believe every word that I’ve said.

“Mira.. stop. There is nothing that you will do to change my mind. Sinabi ko na sayo na nakapagcommit na ako.”

“Bakit? Hindi mo ba pwedeng bawiin yung commitment mo? Hindi pa naman kayo kasal ah. Pwede ka pang umurong Gabriel.” Naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili kogn umiyak. For God’s sake! Nasa lobby kaya kami!

“It’s not that easy Mira. And I just can’t retract my words. Nakapag usap na ang mga pamilya namin. I just hope that you will accept the fact that I’m marrying someone else.” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng isang butil naluha sa mga mata ko. I immediately brushed it off because If I won’t, hindi na ako titigil sa pag iyak.

“No! I can’t Gab. Hindi ko matanggap Gabriel na ikakasal ka sa iba. Na nakamove on ka na. Kahit siguro isaksak mo sa baga ko ang katotohanan na yun, hindi ko pa din matanggap. Because, you just don’t come into my life, mess it up and go as if you didn’t bring turmoil into it. Hindi pupwedeng ganun. And I will do anything, na makakaya para maibalik ka sa buhay ko.”  Hinawakan ko ang mga kamay niya at tiningnan siya. Hindi niya ako magawang tingnan at nainis talaga ako.

“Now, what do you want me to do? Gusto mo bang maging katulad ako ng fiancee mo para magbago ang isip mo? Para hindi mo ituloy ang kasal? If that is what you want, then I’ll show you what ancient is! Kung gusto mo ipadeliver ko pa sayo ang fossil ko eh!” At diretso akong tumayo at iniwan siya sa lobby tapos nagmamadaling sumakay sa elevator.

Ancient pala ha!

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon