Chapter 31

289K 5.2K 570
                                    

31

“Hoy! Gabriel!” Panay pa din ang lakad niya hanggang sa makarating kami sa harap ng taxi niya. Pinagbukas pa niya ako pinto at sapilitang pinaupo sa passenger seat. Take note, sapilitan talaga. Hindi kusang loob. Pero infairness, namimiss ko ang amoy ng taxi niya. Take note ulit, ang amoy ng taxi niya ang namimiss ko at hindi siya.

Pero hindi ba dapat habang umiikot siya papunta sa driver’s seat dapat tumatakas na ako di ba? Pero hindi ko yun ginawa. Kasi alam ko naman na ‘what goes around comes around, what goes up must come down, now who’s cryin’, desirin’ to come back to me..’

Ay teka, napapakanta na ako. Ang ibig ko lang naman sabihin, pag tumakas ako dito, katulad ng pagtakas ko sa kanya kanina, baka maholdap na naman ako, tapos isesave na naman niya ako, tapos kakaladkarin papuntang taxi. Alam niyo yun, paulit ulit.

“This is kidnapping!  I’m gonna sue you. You will rot in bilibid. I swear.” Agad kong sinabi pagkapasok niya sa taxi. His smell assaulting my senses.  Pero hindi niya ako pinansin na para bang walang nagwawala sa tabi niya. At habang sinasabi ko yun, sinusuot ko ang seatbelt ko. Mahirap na.

“Anong gusto mo? Ibalik kita doon sa holdaper? At least kung makikidnap ka, intact pa din ang pamasahe mo. Hindi mo kailangang maglakad from Makati to Quezon City. Hindi matatapalan ng alikabok ang mukha mo kasi ihahatid pa kita sa apartment mo. Kaya kung ako sayo, tumahimik ka na lang dyan bago pa ako tuluyang mapuno sayo Maria Remedios!” Mahina ngunit may diin ang pagkakasabi niya na para bang malapit na malapit na talaga siyang mapuno.

Pero kung siya, malapit nang mapuno, ako matagal ng punong puno sa kanya. Nag uumapaw pa ang galit ko sa kanya. Kaya wag niya ako masabihan na malapit na siyang mapuno sa akin dahil wala siyang karapatan. Period!

“At ikaw pa ngayon ang may karapatang mapuno? Ha? Ganun? Ang kapal naman ng mukha mo!” Inismiran ko siya. Akala ba niya na kesyo iniligtas niya ang bag ko sa holdaper ay mapapatawad ko na siya salahat ng kalapastanganang ginawa niya sa akin? Nagkayurak yurak ang puso ko. Kinain ko ang pride ko ng buong buo. Tiniis ko ang init ng kimona ng dahil sa kanya at nagkapaltos ako dahil sa bakya. Lahat ng dahil sa kanya. At siya pa ngayon ang may speech na ganun. Aba kakapalan na ng mukha yan to the highest level.

“Oo. Dahil kahit ano ang gawin ko hindi mo pa din ako mapagbigyan. Lahat na ng pagpapansin ginawa ko na. Nagpacute pa ako sa mga kasamahan mo sa Department para lang mapansin mo kahit di ko naman gawain ang magpacute. Pero ang tigas tigas mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kikidnapin na lang kita!”

“Lahat? Sigurado ka? Lahat na yun? Yun na ang lahat sayo? Hiyang hiya naman ako sa mga efforts mo.” Narinig ko siyang bumuntonghininga. Tumingin lang ako sa salamin sa labas ng taxi niya at umismid ng umismid. Pero hindi ako nakuntento. Kaya…

“At isa pa…” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin because he interrupted me.

“Mira,pwede bang tumahimik ka muna? Mag uusap tayo mamaya. Pero ngayon, pwedeng tumahimik ka muna?” Naiiritang sabi niya. Pero naiirita na din ako.

“Bakit ako tatahimik? Kinidnap mo ako! Kaya may karapatan akong magsisigaw dito sa loob ng bulok mong taxi!” lalong lumakas ang boses ko. Wala siyang karapatang patahimikin ako.

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon