Ako si Cali Pulacu. Bunsong anak ng kasalukuyang Datu ng Maktan. Ang aking ama, si Datu Mangal.
"Cali Anak" wika ng aking ama sa mahinahon niyang tinig.
"Tandaan mo, ang ating Bathala ay laging nakatanaw sa iyo. Sa mga ikinikilos mo sa araw-araw, habang kumakain o natutulog. Kaya naman dapat ay ialay mo lahat sa kanya ang bawat araw mo" ang laging niyang sinasabi sa akin sa tuwing kami ay nasa hapag kainan.
"Tama Cali , kaya dapat ay hindi mo na sinusuway si Ina." dagdag pa ng kuya kong si Sidapa.
Makisig ang aking Kuyang. Magaling siyang manghuli ng baboy ramo, sumisid ng perlas at higit sa lahat ay pumaslang ng mga kalaban. Kaya nga siya pinangalanan ni ama na Sidapa ay yun ay halaw sa pangalan ng Diyos ng Kamatayan na naninirahan sa Madya-As. Kinakatakutan siya ng mga katribu at kalapit-balangay sa kanyang tapang at bangis. May mga bulung-bulungan na oras na humalili siya kay ama ay tiyak na walang mangingiming manakop na taga ibang pulo sa Maktan. Wala daw itong awa at matigas ang puso.
Yun ang akala nila.Ang hindi nila alam mapagmahal ang kuyang at maalaga sa pamilya. Napatunayan ko na ito nang minsang umuwi ako ng puro galos dahil sa pakikipag-away sa aking mga kalaro.
"Cali saan galing yang mga sugat mo?" ani Kuyang.
" Wala ito Kuyang , nagkapikunan lang kami nila Zula" wika ko.
Si Zula ay anak ng kalapit na balangay namin sa isla ng Maktan. Ang kanyang ama, si Datu Bangkaw ay lihim na may inggit kay ama. Mapanganib ang Datu ng kalapit naming balangay. Mapanlinlang. Kaya naman siguro ay namana ni Zula ang ugali ng ama. Hindi ko alam kung anong dahilan at tila laging galit sa akin si Zula. Kahit sa paglalaro ay seryoso siya at kapag natatalo ay pinagtutulungan nila ako sampu ng kanyang mga alalay.
"Halika sumunod ka sa akin" utos ni kuyang.
HIndi na ako tumanggi. Seryoso ang mukha ni Kuyang.
Sinamahan ko si Kuyang sa lugar na pinaglalaruan namin nila Zula.
" Zula!" sigaw ni Kuyang.Siya namang lingon ni Zula at kanyang mga kasama.
Pagkakita nila kay Kuyang ay nagpulasan ng takbo ang kanilang pangkat.
Subalit mabilis si Kuyang. Hindi pa nakakalayo ang pangkat ni Zula ay naabutan na niya ang mga ito.
Hindi nagtagal ay bitbit na ni Kuyang sa kanyang balikat si Zula. Habang hila-hila naman niya at nakagapos ang iba.
" Ibaba mo ako Sidapa! Huhuhuhu!Isusumbong kita kay Ama!" pagmamakaawa ni Zula habang umiiyak.
Takot na takot sila Zula kay Kuyang. Batid nila ang katapangan nito. Sikat ang kuyang kahit sa kalapit balangay o kalapit pulo man.
" Humingi kayo ng tawad kay Cali!" sinigawan niya ang pangkat pagkababa niya kay Zula sa aking harapan.
" Ah eh, hayaan mo na kuyang nagkapikunan lang naman kami nila Zula" wika ko.
"Kahit na. Hindi magandang pagtulungan ang isang tao. Dapat laging patas ang laban. Ganyan ang tunay na lalaki!" galit na si Kuyang
Agad namang tumugon sila Zula sa takot. Humingi sila ng tawad sa akin at nangakong hindi na nila ako pagtutulungan.
"Bakit mo naman ginawa yun Kuyang?" tanong ko habang papauwi na kami.
" Ang alin?" tanong niya.
"Ang takutin sila Zula" wika ko.
"Mapapahiya lang ako nito sa aking mga kalaro. Iisipin nilang duwag ako at nagsumbong sa iyo." dagdag ko na may halong pagtatampo.
"Mas karuwagan ang pagtulungan ang nag-iisang tao. Anong laban mo? Sampu silang lahat.? " sagot niya.
" Ang paglaban ng patas lakas sa lakas at hindi manlamang sa labanan yan ang dapat mong matutunan Cali.Dalhin mo yan hanggang sa iyong paglaki." wika ni Kuyang.
"Tara may ipapakita ako sayo" yaya niya sa akin sabay takbo sa masukal na gubat.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...