" Mukhang nauto mo na naman ang aking asawa.Burigadang Pada!" wika ni Nagmalitong Yawa kay Burigada habang kayakap nito si Saragnayan.
"Huh! Manahimik ka tampalasang babae.Hindi ba't ikaw ang may likha ng kaguluhang ito.? Ginawan ko lang ng paraan upang pakinabangan ang sitwasyon!" nakairap na tugon ni Burigada.
"Tama na yan! Huwag kayong mag-away sa harapan ko! Halina mahal at sabay ko kayong paliligayahin ni Burigada." nakangising wika ni Saragnayan kay Sinagmaling Diwata.
Agad namang lumapit ang Nagmalitong Yawa sa kinaroroonan ng dalawa at agad sinibasib ng halik si Saragnayan.
"Uhmmph!" halos maubusan ng hininga ang dalawa sa tindi ng paghahalikan.
Hindi naman nagpahuli si Burigada at dinila-dilaan nito ang punong tainga ni Saragnayan habang ang huli ay lamas-lamas ang mapuputing kabundukan ng dalawang itim na diwata.
"Ohhhhh!" Ahhhhh!" mga sigaw na mariring sa kuwebang kinaroroonan ng tatlong itim na mga diwata. Tila hinehele sa sarap na nararamdaman sa nakakasukang pagniniig na hindi kailanman ginagawa ng mga mortal.
Pusupusan naman ang ginagawa naming pagsasanay sa isla.Sa tulong ni Ginoong Jasuko ay marami rin akong natutunan sa kanyang sining ng pakikidigma.
"Mahusay Caliph! hindi ko inaasahang mabilis kang matututo! " ika ni Ginoong Jasuko
" Ngayon Caliph, panahon para magtunggali kayo ni Ugis! Madami na rin siyang alam sa aking pamamaraan ng pakikipaglaban.Dito na malalaman kung handa ka na nga bang talaga!" dugtong niya.
Binigyan niya ng hudyat si Ugis upang kunin ang sandata nito.Namangha ako sa aking nakitang sandatang inilabas ni Ugis sa kanyang telang sedang sisidlan.
Yari din ito sa metal na ubod nang kintab at parang punyal na may sungay sa magkabilang gilid.
"Ang tawag sa sandatang iyan ay " sai " Caliph. Madalas itong gamitin sa pakikipaglaban ng malapitan." ika ni Ginoong Jasuko.
"Bihasa si Ugis sa ganyang sandata sapagkat diyan ko siya sinanay." habol niya.
Agad namang pumusisyon si Ugis na nagbibigay hudyat na handa na siya sa pag-atake.
" Sige Caliph! Ihanda mo na ang iyong sarili! Nariyan na ako! " sigaw niya sabay sugod sa aking kinaroroonan.
Mabilis naman akong nakapaghanda sa pagdepensa.Nasa isip ko ang mga itinuro ni Ginoong Jasuko.
"Kiyah!" sigaw ni Ugis nang parang isang lawin na lumipad at patungo sa aking kinaroroonan.
KLANK! Agad ko namang nasalo ng aking kampilan ang kanyang dalawang maliit na sandata na kung tawagin ay sai.
Sinabay ko rin ng pagsiwas ng aking kampilan.Nakailag si Ugis sa pamamagitan ng pagsirko.
Mahusay siya.Sa kanyang murang edad kagaya ko ay lubhang malayo na ang kanyang nalalaman sa pakikipaglaban kaysa sa akin.
KLANK! KLANK! KLANK! Umaalingawngaw na tunog sa buong isla sa pagpapalitan namin ng bigwas ng kani-kaniyang sandata.
Kakaiba ang mga pagkilos ni Ugis.Isang uri ng pakikidigma na kanyang natutunan kay Ginoong Jasuko.
Mabilis.Malakas.Maliksi.
Ngunit tila yata kulang pa ang aking nalalaman sa pakikipaglaban at hindi rin nagtagal ay nakasilip si Ugis ng pagkakataon.
SWOOOSH! Yumuko siyang bigla sabay ikot ng kanyang mga paa at pinatid ako.
Hindi na ako nakapaghanda at naitutuok niya sa aking leeg ang kanyang mga sai!
"Huli ka Caliph! Hahahaha! " tuwang-tuwa si Ugis at nagtatalon.
Ako nama'y parang nainis sa nangyari at sumimangot na lamang.
"Hahaha! huwag kang mag-alala Caliph! Malaki na ang ipinagbago mo sa pakikipaglaban." sabay tapik ni Ginoong Jasuko sa aking balikat.
"O siya.Tayo ay tumuloy na sa kubo at maghanda nang makakain ngayong gabi.Bukas pagsikat ng araw ay tuloy uli ang pagsasanay!" nakangiting wika ni Ginoong Jasuko.
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Tarihi KurguSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...