" Zula! " isang pamilyar na tinig ang tumawag sa aking kalarong si Zula na malungkot at nakatingin sa kawalan mula sa kanyang kinauupuang bato sa pampang.
"Huh! Humabon?..Himaya?! " ika niya ng makita ang dalawa ko pang kaibigan.
"Narito ka pala. Kanina ka pa namin hinahanap ni Himaya " si Humabon.
" Nakakagalit ang mga kapalaluang ginagawa ng aking ama.Minsan ay gusto kong magsisi na siya ay naging ama ko." ismid ni Zula na namumugto ang mga mata.
"Magkatulad lamang tayo ng nararamdaman sa ngayon Zula.Kami ni Himaya ay hindi rin sang-ayon sa pakikipagkasundo ng aming mga magulang sa iyong ama . Alam nating lahat na hindi makatarungan ang ginawa nila sa pamilya ng ating kaibigang si Caliph!" nakakuyom naman ang kamaong pagsasalita ni Humabon.
"Si Caliph...Tama si Caliph ano na kaya ang nangyari sa kanya?" si Himaya.
" Ikinalulungkot ko Himaya,..wala na si Caliph.Wala na ang ating kalarong si Caliph" nakayukong wika ni Zula.
"Anong ibig mong sabihin Zula? Totoo ba yang sinasabi mo? " nagtatakang tanong ni Humabon.
"Saksi ako sa mga nangyari Humabon! Pinaslang nila Menangkabaw at Banawag ang mag-kuyang sina Sidapa at Caliph!...Mga hayup sila! " ika ni Zula sabay suntok sa puno.
Tila nanlumo naman sina Himaya at Humabon sa narinig kay Zula.Sapat na iyon upang umagos ang mga luha sa kanilang mga mata.
"Cal..Caliph. " ika ni Himaya.
Si Humabon naman ay nangingilid ang luha at natulala.
Nasa ganoong tagpo ang tatlo kong kaibigan nang biglang lumapag sa kanilang harapan ang isang malaking agila.
"Huh?! Isang Agila! " gulat na nasabi ni Zula.
Agad namang binunot ni Humabon ang kanyang balaraw.
"Huwag Humabon!" awat ni Zula.
Pagkawika niyon ni Zula ay unti-unting nagbago ang anyo ng Agila..ang diwatang si Ynaguinid!
"Kamusta mga Bata? " nakangiting bungad ng diwata sa tatlo.
Nabalutan man ng takot ay hindi nagpakita si Humabon ng pagkatakot sa kaharap na Diyosa ng mga mandirigma.
"Sino po kayo? Ano po ang kailangan niyo sa amin? " ika niya.
"Ako si Ynaguinid " sagot ng diwata.
Pagkabigkas ng diwata ng kanyang pangalan ay agad nagsipagyuko ang tatlong kong mga kalaro.
"Hahaha! Magsitayo kayo mga kaibigan ni Caliph" natatawang wika ni Ynaguinid.
"Kilala niyo po ang aming kaibigang si Caliph mahal na diwata? " biglang tanong ni Humabon kay Ynaguinid.
" Oo naman.Ang inaakala niyong patay ay malakas at buhay na buhay!" sagot naman niya.
Gumuhit ang ngiti sa labi ng aking mga kaibigan at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat sa inihayag ng diwatang si Ynaguinid.
"Totoo po?" ika ni Zula.
"Saan po namin siya maaring makita kung gayon?" tanong naman ni Humabon.
" Makinig kayo mga bata.Hindi lingid sa inyo ang mga kaguluhang naganap at magaganap pa .Lalung-lalo na at malalapit sa inyo ang may mga gawa ng kaguluhang ito " seryoso na ang tono ng diwata.
" Ang mundo ng mga diwata ay nagkakagulo na rin ngayon dahil sa mga naganap.Isang malaking digmaan ang magaganap sa pagitan ng masama at mabuti. Ng mga mananakop na katutubo at ng inyong kaibigan. Ng mga masasamang diwata at mabubuti." dugtong niya.
Tahimik namang nakikinig ang tatlo kong kalaro na sina Himaya, Zula at Humabon.
"Ngayon ang panahon upang mamili.Ang kaibigan niyong si Caliph na tunay at karapat-dapat na maging Datu ng Maktan, o ang inyong mga kaanak na nakipagsabwatan sa mga masasamang diwata upang maangkin ang isla ng Maktan? " wika ni Ynaguinid sa kanila.
Nagkatingininan ang tatlo kong kaibigan.Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang apat.
At sa wakas ay binasag ni Zula ang katahimikan.
"Bilang anak ni Datu Bangkaw,tutol ako sa mga kasamaang nagawa ng aking ama.Nandito ako upang pumanig sa aking kaibigang si Caliph!" buong tigas na wika ni Zula.
" Ang aking ama na si Raha Bantug ay pumanig sa ama ni Zula dahil lamang sa utang na loob.Tutol din ako sa kanyang naging pasya.Papanig kami ni Himaya sa aming kaibigan! " wika naman ni Humabon.
"Magaling.Kung gayon ay kumapit kayo sa aking mga paa at ihahatid ko kayo sa inyong kaibigang si Caliph!" natutuwang wika ni Ynaguinid.
Pagkawika niyon ay bigla uli itong nagbago ng anyo bilang isang higanteng agila at ikinampay ang mga pakpak upang lumipad.
"Kapit sa aking mga kamay mga bata!" ika ni Yanguind sa anyong Agila.
At kumapit na ang aking mga kaibigan.Nasasabik na sila na ako ay makita.
Sina Zula,Humabon at Himaya.
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...