Dayang-Dayang Himaya

144 9 0
                                    


Habang nagkakasiyahan ang mga tao sa ikalawang araw ng piging ay tahimik pa rin akong nakaupo sa sulok.Hindi pa rin mawaglit ang takot ko kay Mang Banawag at lalung-lalo na kay Menangkabaw.Nakakatakot siya para sa isang paslit na gaya ko ay tila isa siyang halimaw sa aking panaginip.Nakikita ko pa sa aking malikot na imahinasyon ang kanyang larawan na dinidilaan ang punyal na may dugo.,,aking dugo!.

Para akong mababaliw sa takot sa kanya kung kaya't napagdesiyunan ko na lang na pumanhik sa aming balay upang matulog na lamang.Ngunit isang kamay ang pumigil sa aking braso habang ako ay papasok ng aming balay.

" Hoy, Calip ! Ganyan ka ba mang-aliw ng panauhin? "  wika ng taong pumigil sa akin.

Si Humabon!Si Humabon nga ! . Ang aking kalarong si Humabon mula sa isla ng Sugbu. Ang anak at solong tagapagmana ng trono ng Rajah ng Sugbu ,na si Rajah Bantog.

Hindi maipinta ang galak sa mukha ko nang makita ko si Humabon. Masayang kalaro si Humabon.Sa tuwing bumibisita kami sa kanilang isla tuwing may nagaganap na pagpupulong ang mga datu, ay kaming tatlo nila Zula ang magkakalaro. Mabait si Zula kapag kasama namin si Humabon. Takot siya dito.Di hamak na mas matangkad sa amin si Humabon. Malaking bulas siya.

" Ikaw pala Humabon! Hindi kita napansin nandito ka rin pala? " wika ko.

" Ikaw talaga Cali! . Bakit naman ako mawawala? Nakalimutan mo na yatang isang Rajah ang aking ama. At lahat ng pinuno ng kalapit isla niyo ay inimbitahan ng iyong ama! Maloko ka talaga.Saan ka ba nagsusuot at kanina ka pa namin hinahanap nina Zula at Himaya.?!" kunwaring galit na tono ng boses niya.

Him..Himaya..binanggit ba niya ang Himaya? Natatandaan ko, may pinsan siyang pangalan ay Himaya.Subalit maliit pa ito nung huli kaming bumisita.At hindi ang halos na kasing tangkad ko  na itinuro niyang kasama niya ngayon na katabi ni Zula sa kanyang likuran.

" Siya ba si Himaya? Ang laki na niya. " tanong ko.

" Uhm! Loko Cali bakit ka namumula? Anong ibig sabihin niyang mga tingin mo kay Dayang Himaya? " wika ni Zula sabay batok sa akin.

"Akin lang siya tandaan mo yan Batang Maktan! " wika ni Zula na bahagyang hinawakan ang braso ni Himaya.

SI Himaya naman ay tila nahihiya sa ginawa ni Zula atnapayuko na lamang at napangiti.

"Uhm! Mas loko ka Zula! Pinsan ko yang pinag-aagawan niyo! Mga Batang Maktan! " wika naman ni Humabon na binatukan si Zula sabay hawak sa batok nito.

"Hahahaha!" Nagtawanan na lang kami .

Napakaganda ngayon ni Himaya.Hindi na siya ang dating batang kasa-kasama namin ni Humabon na kanyang pinapasan sa tuwing kumukuha kami ng buko sa kanilang lugar.

"Malapit na rin siyang magdalaga.Kahali-halina ang angking niyang kagandahan." nasabi ko na lang sa aking sarili.

"O,paano Cali ! Hanggang kwentuhan na lang ba tayo? Hindi mo ba kami aaliwin o ipapasyal man lang dito sa isla niyo? " basag ni Humabon sa sandali naming katahimikan.

"Ay oo nga pala ! May ipapakita ako sa inyo! Tiyak na matutuwa kayo! " masaya kong sagot sa kanya.

Lumiwanag ang mukha ng tatlo.Lalung-lalo na si Himaya.Lalong lumitaw ang kanyang kagandahan sa kanyang mga ngiti dahil sa aking  sinabi.

"Ano pang hinihintay natin.Halina at puntahan na natin yan!" wika naman ni Zula na mukhang hindi sinusumpong ang ulo sa mga panahong iyon.

Nagpaalam kami sa aming mga magulang. Ako naman ay binulungan si Kuya Sidapa na pupuntahan namin ang bago niyang natuklasang kuweba.

"Naloloko ka na ba Cali? Huli nating punta doon ay  kamuntik ka nang malapa ng baboy ramo! " medyo galit na mahinang tinig ni Kuyang habang ang kanyang mga kainuman ay abala sa kwentuhan.

"Sige na Kuyang! Maliwanag pa naman eh.Huwag mo naman akong ipahiya sa aking mga kalaro!" paglalambing ko sa kanya.

Tumingin si Kuyang sa kinaroroonan nila Humabon sa di kalayuaan sa amin.

"Ayuun! Alam ko na! Tila umiibig na yata ang bunso kong kapatid! Hahahahaha! " malakas nitong tawa.

Agad namang napatingin ang kanyang mga kainuman sa amin.

"Kuyang naman! Nakakahiya sa mga panauhin." pabiro kong suntok sa kanyang matipunong braso.

" Hahaha! Nagbibiro lamang ako mahal kong kapatid. Tingnan mo ang Kuyang may napupusuan na rin.Hehehe." nakakalokong ngiti niya sabay nguso sa kanyang katabing isang napakagandang binibini.

Kilala ko ang magandang babaeng iyon.Anak siya ni Datu Paduhinog ng Irong-Irong. Siya si Putri Hunina.

Napakaganda niya bagay na bagay sila ni Kuyang.

Napapayag ko din si Kuyang. Binabagtas namin nila Humabon,Zula at Himaya ang daan patungo sa bagong kuwebang aming natuklasan.

Bahagyang nakalimutan ko ang nararamdaman kong pagkatakot kina Mang Banawag at Menangkabaw.Napalitan ito ng galak dahil na rin sa mga kasama kong masasayang kalaro.

Habang naglalakad kami patungo sa kuweba ay kumukuha na rin kami ng buko sa punong aming nadadaanan.Si Zula ang taga-akyat habang ako naman ang taga-balat gamit ang aking sundang.

Masaya kaming kumakain ng buko at nagtatawanan habang papalapit sa kuweba.


Halos malaglag ang mga mata ng aking mga kalaro sa pagkamangha nang sa wakas ay masilayan na rin nila ang loob ng kuweba.

Kitang-kita ko sa matamis na ngiti ni Himaya na gandang-ganda siya sa lugar.Lalo siyang gumanda sa aking paningin.

Napansin ko ang dalawang biloy niya sa pisngi na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahan.Samahan pa ng mapupula niyang mga labi at makakapal na pilikmata.Para siyang isang diwata.

Tila napansin yata ni Humabon na panay ang tingin ko sa kanyang pinsan kung kaya naman ay agad niya akonng piningot at inakay papunta sa gitna ng kuweba.Sa magandang anyong tubig na nasa gitna nito kung saan kami naliligo ni Kuyang.

Nagtatawanan namang sumunod sa amin sila Himaya at Zula.

Napakasaya nang araw na iyon.Bukod sa hindi kami nagaaway ni Zula ay nandoon pa si Humabon.Lalung-lalo na si Himaya.Habang naglalaro kami ay iniisip ko na sana ay hindi na matapos ang ganitong mga tagpo.Ito na yata ang tinatawag nilang paraiso.Sa piling ng aking mga kaibigan.

Ngunit tila yata ang buhay ay hindi puro sarap.Hindi puro kasiyahan at kaligayahan.Sapagkat pagkatapos nang araw na iyon ay isang makabagbag damdaming pangyayari sa mga darating na panahon ang makakapagpabago sa aming kapalaran,bilang magkakaibigan.




Batang MaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon