Matagumpay na naitarak ng tusong si Menangkabaw ang kanyang punyal sa dibdib ni Kuya Sidapa.
" Arghk! " daing ni Kuyang nang lubhang napuruhan sa saksak.
"Uuuung " nanghihinang bumagsak si Kuyang sa lupa at napaluhod.
Nagawa niya pang kumapit sa lupa upang hindi ganap na malugmok.
" Hehehe! Kaawa-awang mandirigma..mukhang hindi mo na yata magagawang maupo pa bilang datu ng inyong nasasakupan! " nakangising wika ni Menangkabaw habang pinagmamasdan sa paanan niya ang nanghihina ko nang Kuyang.
Halata na kay Kuyang ang sobrang panghihina sa pagkasaksak sa kanya ng punyal na kasalukuyan pa ring nakabaon sa kanyang dibdib.
"Uhu-Uhu! " hindi na nakakapagsalita si Kuyang nakaluhod na lamang siya at nauubo-ubo habang patuloy ang agos ng dugo sa kanyang dibdib.
Hindi ko na matiis ang aking nakikita .Hindi ko matagalang pagmasdan ang sinasapit ng aking mahal na kapatid sa kamay ng palalong mandirigma.
Oo sinundan ko si Kuyang. Sinundan ko siya at nakita ko ang lahat mula sa simula.
Hindi ko hahayaang pumanaw si Kuyang sa ganitong paraan. Tutulungan ko siya!
Oras na para lumabas sa aking pinagtataguan. Hindi ko hahayaang paslangin ng ulupong ang aming susunod na datu!
Agad kong inalis sa takob ang aking punyal. Puno ng galit na sinugod ko si Menangkabaw.
"Walanghiya ka Menangkabaaaaaaaaaw! " sigaw ko nang buong poot sa tusong mandirigma.
Biglang lingon sa akin si Menangkabaw habang ako ay pasugod sa kanya. Nakita ko ring biglang napalingon si Kuya Sidapa na tila nagulat.
Isang hakbang na lang. Isang hakbang na lang ay mapapaslang ko na ang hayup na si Menangkabaw!
Subalit mula sa kung saan ay may tumamang palaso sa aking balikat.
PSUK! AARGH!
Napahandusay ako ng malakas sa lupa.
" Dalawang ibon sa isang bato! Magaling Menangkabaw! " wika ng taong pinanggalingan ng palasong bumaon sa aking balikat.
Si Mang Banawag.Ang ama ng yumao kong kaibigang si Kubot!
"Kamusta Batang Maktan?..Hindi ba't sinabi kong magi-ingat ka? " wika ni Banawag habang iniangat ang aking ulo at tinitigan ang aking mukha.
" Pinatay mo ang aking anak.Buhay mo at ng buong angkan niyo ang kapalit! " dugtong niyang puno ng galit ang tinig.
"Hahaha! Uhu-Uhu! Ahhh.." si Kuyang biglang tumawa kahit na nanghihina na at nanatiling nakaluhod.
" Iyon pala ang dahilan ng lahat Banawag? Menangkabaw? " mahinahon niyang tinig.
" Ang buong akala ko ay natanggap mo na ang lahat Banawag?. Hindi kasalanan ng kapatid ko ang nangyari sa anak mo.Kapalaran niya iyon." pagpapatuloy niya.
"Anong kapalaran ang pinagsasabi mo Sidapa? Nawalan ka na ba ng anak?! " galit na sagot ni Mang Banawag kay Kuyang.
"Kunsabagay,wala ka pang anak..at hindi ka na magkakaroon!. Kapalaran ba kamo? Samakatuwid,ito ang kapalaran niyong magkapatid! " sigaw ni Mang Banawag sabay hudyat kay Menangkabaw.
Pagkawika niyon ay biglang binunot ni Menangkabaw ang punyal na nakabaon sa dibdib ni Kuyang.
"UUUUHM!"
"AAAAAARGHK! " sigaw ni Kuya Sidapa at agad bumulwak ang maraming dugo sa kanyang bibig.
Tila nawalan na si Kuyang ng lakas.Ang palalong si Menangkabaw naman ay patuloy siyang pinagsasaksak sa likuran habang siya ay nakahandusay.
Wala akong magawa.Ako man ay nanghihina sa hindi lamang sa tama ng palaso kundi sa lason na nasa talim nito na nakabaon sa aking balikat.
Nagsimulang umagos ang aking mga luha. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko magawang matulungan ang aking kapatid. Ang aking tagapagtanggol. Ang aking Kuyang!
Patuloy ang pagsaksak ni Menangkabaw ng punyal kay Kuyang.
Habang si Kuyang naman ay inuubos ang lakas niya sa paggapang sa aking kinaroroonan.
At sa wakas ay naglapit ang aming mga kamay.
Duguan ang mga kamay ni Kuyang na buong higpit na hinawakan ang aking kamay.
Magkatabi na kaming nakahandusay sa lupa.
"Pa..tawad..Ca..liph. Hanggang dito na lang ang Kuyang!. A..lam kong hin..di pa i..to ang i..yong ka..ta..pu..san." naghihingalo niyang tinig.
Si Menangkabaw naman ay tumigil na rin sa pagsaksak kay Kuyang.
"I..kaw na..ang ba..ha..la sa Mak..tan! " wika ni Kuyang na dilat ang matang nalagutan ng hininga.
Ako naman ay nanatiling nakahandusay at umaagos ang luha.Hawak-hawak ang duguang kamay ni Kuyang na ngayon ay nalagutan na ng hininga.
Matinding poot ang aking nararamdaman. Subalit hindi ako makakilos nanlalabo na rin ang aking paningin.
"Ano Banawag isusunod ko na ba itong bubwit na ito! " ika ni Menangkabaw.
"Huwag Menangkabaw!. Sa akin siya may utang.Kung ano ang sinapit ng aking anak ay yun din ang sasapitin niya.Ipapakain natin siya sa mga pating habang humihinga pa siya! " sigaw ni Mang Banawag na puno pa rin ng galit sa kanyang mga tinig.
Binuhat ako ni Menangkabaw at isinabit sa kanyang balikat.Nakabaon pa rin ang palaso sa akin.
"Tara,doon sa dagat! " utos sa kanya ni Menangkabaw.
Tanaw ko ang aking Kuyang habang papalayo kami sa pinangyarihan ng labanan.
At hindi pa kami gaanong nakakalayo ay may natanaw din akong isa pang nilalang.
Isang batang tulad ko.
Nanlalabo man ang aking paningin ay naaninag ko ang bata sa kanyang pinagtataguan.
Kilala ko siya.Siya ang aking kaibigang si ....Zula!
Tuluyan na akong napapikit.
Sa wakas may ibang taong nakasaksi nang lahat na kahayupang ginawa sa aming magkapatid ng mga ulupong na ito.Naroon pala si Zula....Ang aking kalarong si Zula.
Natitiyak kong isisiwalat ni Zula sa kanyang amang datu ang kahayupang ginawa ng kanyang mga tauhan sa kanyang kaibigan.
Kailangan nilang managot sa ginawa nilang kahibangan!.
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Ficção HistóricaSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...