Dinala ako ni Kuya Sidapa sa gitna ng gubat at pumasok kami sa isang yungib.
Isang lagusan na tila tinatago niya sa ibang taga-Maktan.
Namangha ako sa aking nakita sa loob ng yungib. Napakalawak sa loob na tila maliit na kaharian.
Ang liwanag na nagmumula sa isang maliit na butas ay tumatama sa pabilog na tubig sa gitna ng yungib na siyang nagsisilbing liwanag sa loob.
" Ang ganda dito Kuyang! " di ko napigilan ang aking tuwa sa nasilayang ganda ng yungib.
" Hahaha! Sabi ko nga ba ay magugustuhan mo dito Cali!" natutuwang sagot ni Kuyang.
" Tara maligo tayo!" sabay hila sa akin ni Kuyang at ihinagis ako sa tubig.
Tumalon na rin siya at doon ay nagharutan kami. Nagtagal din kami sa paglalaro at pag-eensayo.
Madalas akong turuan ng aking kuyang ng mga alam niya sa pakikidigma. Mula sa paghawak ng punyal, pakikipagpambuno at paggamit ng pana at kampilan.
Nang mapagod ay lumabas na rin kami ng yungib. Hindi namin napansin na kumagat na pala ang dilim.
"Tara Cali. Tiyak na hinahanap na tayo ni Inang !" aya sakin ni Kuyang na tumakbo.
Mabilis din akong tumakbo. Hindi sa pagmamayabang ay mas mabilis nang di hamak ako kay Kuyang.
" Paunahan tayo Kuyang! Ang mauna sa kubo ay siyang mananalo at ang huli ay siyang magsisibak ng kahoy!" hamon ko kay Kuyang. Kahit alam kong si Kuyang naman talaga ang madalas magsibak ng kahoy.
" Ako pang hinamon mo.! " biglang pihit ni kuyang at binilisan ang takbo. Nakauna siya ng bahagya sa akin.
Hindi pa kami nakakalayo sa kalagitnaan ng gubat nang mula sa kung saan ay bumangga sa akin ang isang malaking nilalang..Isang baboy ramo!
THUG! Halos mabali ang aking tadyang sa pagbangga sa akin ng mabangis na hayop. Nabitawan ko ang hawak kong sulo na aming sinindihan ni kuyang bago kami lumabas ng yungib.
" Oiiink!Ngaaars!" mabalasik nitong ingay.
Ako naman ay nakahandusay na sa damuhan. Hindi ako makakilos sa tinamo kong bali sa aking tadyang.
Hindi ako takot sa mababangis na hayop dahil minsan ay sinasama naman ako nila ama at kuyang sa pangangaso.
Ngunit ngayon ay tila nakaramdam ako ng takot. Sa kadahilanang nasa harapan ko ngayon ang isang mabangis na nilalang na anumang oras ay handa akong lapain.
Nakadagdag pa sa aking takot ang dahilang wala ang aking kuyang. Mukhang hindi na niya napansin ang naganap at nakalayo na siya. Kung bakit ko pa kasi siya inayang makipag-unahan ng takbo.
Ngayon tuloy ay wala na ang aking kapatid at ang aking tagapagtanggol.
Wala na akong nagawa kundi ang makipagtitigan sa mabangis at malaking baboy ramo.
Sumisingasing pa ito sa galit na nakipagtitigan sa akin at tila nagsasabing " Hapunan na kita ngayon bata! . "
Wala na akong nagawa kundi ang hintayin na lang ang nalalapit kong kapalaran.
Biglang sumugod na nga ang baboy ramo."Ngaaaaars! " ika niya.
Nang mula sa kung saan ay natanaw ko sa gilid ng aking mata ang isang maliwanag na bagay!.
Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong sulo na paikot na bumubulusok sa aking kinaroroonan.
Kasabay ng sulo ay isang palaso!
PSUUUK! Tunog mula sa pagkabaon ng palaso sa ulo mismo ng baboy ramo na isang hibla na lang ang layo ng mga matatalim nitong pangil sa aking leeg.
"Si Kuyang! Si Kuyang nga! " halos maiyak kong nasabi. Hindi ako iniwan nang aking kuyang!.
" Nasaktan ka ba Cali?! " pagaalala ni Kuyang.
"Nabali lang ang tadyang ko Kuyang pero wala naman akong galos. Salamat kuyang ang akala ko ay iniwan mo na ako!" maluha-luha kong sabi sa kanya.
"Kaw talaga Cali, Iyakin ka talaga. Hindi kita hahayaang saktan ninuman Cali.!"
Kayo nila Ama at Inang ay hindi ko hahayaang makanti ng kung sino o anumang nilalang na magtatangkang manakit sa inyo! " ika niya.
"Subalit,datapwat Cali..." pahabol niya.
"Ano yung Kuyang?" tanong ko.
"Buti na lang at nangyari ito kung hindi ay wala tayong pagsasaluhan ngayon! Hahahaha! " pagbibiro niya.
" Kaw talaga Kuyang parang sinabi mo na ring mabuti at nadisgrasya ako.Haynaku!" nagtatampo kunwari kong sagot.
"Hahahaha! Pinapatawa lang kita Cali! " ika niya sabay buhat sa tinali niyang baboy ramo at ipinasan na rin niya ako sa kanyang likod.
Napakalakas talaga ni Kuya Sidapa. Nais kong maging tulad niya paglaki ko. Siya ang aking Idolo.
Nang gabing iyon ay masaya kaming magpamilya na pinagsaluhan ang baboy ramo. Nag-imbita pa si Ama ng ibang katribu upang pagsaluhan ang handa.
Sinabayan na rin nila ng paginom ng masarap na tuba.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...