Biglang nagsiyuko sina Ginoong Jasuko at Ugis nang makita ang agila na nagbagong-anyo bilang isang napakagandang babae.
"Maganding gabi mahal na Ynaguinid." ika ni Ginoong Jasuko habang nagbibigay pugay sa babaeng kani-kanina lang ay isang napakalaking agila!
Siya pala si Ynaguinid! Ang diyosang gabay ng mga mandirigma!
Pagkawika ni Jasuko ng kanyang pangalan ay agad ding akong yumuko upang magbigay galang.
"Tumayo ka Caliph." mahinahon ngunit may kapangyarihang wika ng diwata.
"Batid ko ang kalungkutan na iyong nararamdaman sa ngayon.Ngunit ang lahat ay may dahilan.Lahat ng mga pangyayari sa buhay mo ay patungo sa magandang kinabukasan." wika niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman habang akoy kanyang tinitingnan ng mata sa mata. Kita sa kanyang mga mata ang katapatan sa kanyang mga sinasambit.
"Ang pagkamatay ni Kuya Sidapa? Ang nalalapit na pagbagsak ng aming balangay? Patungo rin po ba ito sa magandang kinabukasan?."nangingilid ang luha kong tanong sa kanya.
"Nakakalungkot mang sabihin ngunit siyang tunay." seryoso niyang sagot.
"Ang mga diyos at diyosa ng liwanag at dilim ay nagtitipon sa napipintong digmaan. Ang pakikipagsundo ni Sinigmaling Diwata sa mga mortal ang nagsilbing mitsa sa nalalapit na digmaan Caliph!" pagpapatuloy ni Ynaguinid.
"Nakita ko po sila mahal na diwatang Ynaguinid! Nakita po namin sila kasama ng aking mga kaibigan.! " pagsusumbong ko.
Alam kong panahon na upang ako ay magsalita sa aming nasaksihan nina Humabon sa kagubatan.
"Tama ka Caliph.Ang planong pagpaslang sa iyong kapatid at nalalapit na pagsakop nila Datu Bangkaw sa inyong balangay ay may kinalaman ang Sinigmaling Diwata.!" sagot niya.
Naglikha pala ng kagulhan sa mundo ng mga diwata ang pakikipagsabwatan ni Nagmalitong Yawa sa mga mortal na sina Menangkabaw at Banawag . Ayon kay Ynagunid.
Ang panghihimasok nito sa kahihinatnan ng mga tao ay lubhang ipinagbabawal sa kanilang batas.Maari lamang silang tumulong kung walang buhay o katungkulan na may kinalaman sa pamunuan ng mga mortal ang madadamay.
Sinuway lahat ito ng Nagmalitong Yawa.
Nagkakagulo na rin sa kanilang mundo.
Kahit may kasalanan sa kanya ang kabiyak ,ay hindi pumayag ang diyos ng kadilimang si Saragnayan na patawan ng parusa ito.
Bagkus ay inipon nito ang kanyang mga kampon at nagbabantang makialam sa mga mortal.
"Nakita ko na ang kapalaran mo Caliph noon pa man." ika ni Ynaguinid.
"Ayon sa hula ay ikaw ,at hindi ang iyong Kuya ang nakatakdang maging Datu ng Maktan.Subalit hindi namin inasahan na ganito ang mangyayari.Ang sabi sa hula ay mamatay sa malubhang sakit si Sidapa." pagsasalaysay ng diwata.
"Ang panghihimasok ng Nagmalitong Yawa ang nagpagbago sa takbo ng iyong kapalaran!....ng ating kapalaran.Sapagkat ngayon ay hindi na tiyak kung ano ang susunod na magaganap." dugtong niya.
"Magsanay ka Caliph! Sapagkat hindi lang mga kapwa mo katutubo o mga pirata ng Tsina ang kakaharapin mo pagbalik ng Maktan.Kundi'y mga kampon din ng Diyos ng kadilimang si Saragnayan.!" wika ni Ynaguinid na seryoso na ang mukha.
"Ano po ang ibig niyong sabihin mahal na Ynaguinid?! " tanong ko.
"Ilang araw mula ngayon ay sasalakayin nila Datu Bangkaw kasama ang ilang tiwaling paksyon sa Kapulungan ng Madya-as at mga pirata ng Tsina ang inyong balangay.Nakipagsundo si Bangkaw sa mga pirata kapalit ang ilang kababaihang kanilang tatangayin mula sa inyong tribo bilang kabayaran sa kanilang serbisyo." sagot niya.
"Paano sila ama at si ina? Ang aking mga kababayan? " aking sambit.
"Ikinalulungkot ko Caliph.Hindi ko na sakop ang mangyayari sa iyong amang datu at iyong ina.Ang magagawa ko lang ay tulungan kang mabawi ang Maktan sa kamay ni Bangkaw at mga alipores ni Saragnayan.!" bahagyang yumuko si Yanguinid pagkawika niya noon.
Hindi ko na napigilang maluha.Ang isiping mayroong masamang mangayayari sa aking mga magulang at sa bayang sinilangan ay sapat na upang umagos nang tuluyan aking mga luha sa pisngi.
"Ang pagkaluklok mo sa pwesto bilang Datu ng Maktan ang magpapabalik sa naudlot na takbo ng kapalaran ng lahat! Kaming mga diwata ng liwanag at iyong mga kaibigan ay nakahandang makipaglaban kasama mo upang makamtan mo ito! " ika ni Ynaguinid na itinaas ang kanyang ginintuang kampilan.
Tumayo din si Ugis at si Ginoong Jasuko at itinaas ang kanilang mga sandata tanda ng pakikiisa.
Itinaas ko na rin ang aking kamao.Iniisip ko sila Humabon,Zula at Himaya.
Maki-isa rin kaya sila sa akin kung sakaling kasama ko sila ngayon?
Si Datu Bangkaw ay ama ni Zula.
Ang bayan ng Sugbu kung saan ay ama ni Humabon ang Rajah, ay pumanig naman kay Datu Bangkaw at sa mga kampon ni Saragnayan.
Paano na ang aming pagkakaibigan? Si Himaya..Paano na si Dayang-Dayang Himaya?
Anong pagbabago sa aming kapalaran ang maidudulot nitong napipintong digmaan ng mga mortal at ng mga diwata?
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...