Nagpatuloy ang madugong labanan.
Nagulantang ang mga kawal ni Datu Bangkaw sa aming pag-atake.
Patuloy pa rin kami sa aming pagsulong.
Tuluyan na ngang nagising sa pagkakatulog ang mga lango pa sa alak na pulutong ng mga magigiting na mandirigma ni Datu Bangkaw.
" Magsigising kayo!!! Nilulusob tayo ng mga kaaway! " narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na tinig.
Si Menangkabaw!!!
Si Menangkabaw nga!
Nagpupuyos ang aking damdamin nang marinig ko ang tining ng taong kinasusuklaman ko.
Ang taong pumaslang sa aking Kuya.
Kung noon ay nanginginig ang aking tuhod sa tuwing naririnig ko ang tinig ng tampalasang mandirigmang si Menangkabaw , ngayon ay hindi na.
Ang dating takot ay napalitan na ng poot.
Poot na aking inipon upang mapaslang ang palalong mandirigma.
Ito na ang panahon ng paghaharap.
Tinakbo ko ang kinaroroonan ng tinig. Kasunod sina Humabon at Zula.
" Sugooood! " Sigaw ni Menangkabaw kasama ang pulutong niyang mga mandirigma.
Habang papalapit kami sa kanilang kinaroroonan ay walang patumangga ang pagkanyon ni Zula.
BOOOM! BOOOM!BOOM!
Unti-unting nalalagas ang bilang ng kanilang pulutong.
AAAGHK! AAAAAH!
Sigaw ng mga tinatamaan ng pagsabog mula sa lantaka ni Zula.
Wala na halos akong marinig.
Ang aking mga mata at tainga ay nakatutok na lamang para sa iisang tao. Kay Menangkabaw!
Nais kong marinig ang kanyang pag-ungol at pagtangis habang iwinawasiwas ko sa kanya ang Kampilan ni Kanlaon.
Wala akong hangad kundi ang pagpira-pirasuhin ang palalong mandirigmang iyon!
At sa wakas ay nagtagpo na ang aming pangkat!
"Menaaaangkabaaaaaaw! Hayoooop ka!!! Magbabayad ka!!! " buong galit kong isinigaw.
Sa di kalayuan ay tanaw ko ang pangisi-ngising animal na si Menangkabaw.
Na tila pang nanunuya at dinilaan ang talim ng hawak niyang kampilan .
KRASHHH! PTSAAAAK!KLANK!
At nagtagpo na nga ang aming pangkat.
AHHHHH! TSAAAK!KLANK!
Bumubulugta ang humaharang sa aming dinaraanan!
BOOOM!!! AAAAARGH!!!! BOOOM!!!!
Mas matindi pala ang lantaka ni Zula sa malapitan!
YAHHHHH!!! TSAAAAAK!!!! KRAAAAS!!!!
Nagkakahiwalay ang katawan ng mga mandirigmang nadaraanan ng Bakunawa ni Humabon!
Lima na lang nalabi sa pulutong ni Menangkabaw.
Ngayon ay magkakaharap na kami.
Ang pagkakataong matagal ko nang pinakahihintay!
"Menaaaangkaaaabaaaw!" sigaw ko.
"Anong iniiyak mo batang uhugin?! Buhay ka pa pala?! " ika niya.
"Ihanda mo ang mura mong katawan bata! At luluray-lurayin ko yan ng pinung-pino! " dugtong niyang sigaw habang pinagtagpo ang dalawang kampilan niyanang tangan.
KLAAANK!
Hudyat ng aming paghaharap!
Ngunit mula kung saan ay..
WHIIIIP! WHIIIP!WHIIIP!
AAGHK! Tinamaan sa balikat si Humabon!
AARGHK! Ganon din si Zula na tinamaan din sa may tuhod.
Mga palasong nagmula sa isang pangkat na paparating!
ANG MGA BAYARANG MANDIRIGMA NG ILA-ITI (Leyte) !
ANG MGA PINTADOS!!!
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...