Pagpaslang at Pagsakop

116 5 0
                                    


EEEEEEEEEEEEEEEEE! AHHHHHHHHHHRGGGHK! TULOOOONG!

Mga sigaw na umaalingawngaw sa aming balangay nang sa wakas ay salakayin na ng batalyon ni Datu Bangkaw at ilang mga pirata mula sa Tsina ang aming balangay.

KLANK!KLANK!SWOOOOOOSH!PSUUUUUK!TSAAAK!

Mga tunog galing sa sibat,pana, at kampilan sa mainit na labanang nagaganap.

Ang aking ama na si Datu Mangal na kahit nanghihina na ay pilit pa ring pinangunahan ang depensa.

"Ipaglaban ang ating sakop! Huwag palupig sa mga traydor at sa mga dayuhang pirataaaa! " sigaw ni Ama.

Naging mabangis ang labanan.

Ang mga kababaihan at kabataan ay iginiya ni Inang patungo sa gubat ayon na rin sa utos ni Ama.

"Madali kayo! Kailangang mailigtas ang mga bata at mga kababaihan!" ika ni Inang.

Subalit hindi pa sila nakakalayo ay may ilang kalalakihan mula sa kalaban ang humarang sa kanila,

"Saan kayo pupunta mga binibini?! " ika ng pinuno ng pangkat na humarang kina Inang.

Pulos ito pinta sa katawan.Ang kanyang ilong ay may nakasabit na malaking hikaw.

"Ako nga pala si Bunu-an ang dakilang mamamaslang na pintados ng Ila-Iti! Naatasang kunin ang magagandang dilag sa inyong hanay! " ika nito habang dinidilaan ang dalawang punyal na kanyang tangan.

Sa kanyang likuran ay nasa sampung piling pirata mula sa grupo ng mga pirata na mula sa Tsina.

"Hindi ko kayo hahayaang gawin ang inyong nais!" sigaw ni inang sabay bunot ng kanyang punyal mula sa kanyang baywang.

Sumunod naman ang ilang kababaihan at binunot na rin ang kani-kanilang sandata.

Sa pangunguna ng aking inang.Sabay-sabay nilang sinugod ang mga nakaharang na mga kalaban sa kanilang daraanan .


SWOOOSH!  KLANK! TSAAAK! THUD! Patuloy pa rin ang mabangis na labanan sa dalampasigan.

Isang libong bilang ng mga mandirigma laban sa limandaan naming piling tauhan.

KRAAAAAK! PSAAAK!TSUUUK!  Tunog mula sa mga nababasag na bungo,tama ng sibat at pana sa mga katawan ng mga naglalaban-laban sa magkabilang pangkat.

Sa di kalayuan ay nakatanaw si Datu Bangkaw.Ang ama ni Zula.Kasama niya sina Menangkabaw,Banawag at ang pinuno ng mga piratang intsik.

"Mangaaaaaaaaaal! " malakas na sigaw ni Datu Bangkaw na panandaliang nagpatigil sa nagaganap na sagupaan ng magkabilang pangkat.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng aking ama.

"Hayuuup ka Bangkaw! Sinasabi ko na nga ba at may balak kang hindi maganda sa aking balangay! " ika ni Ama na humihingal.

"Humanda ka sa pagbabalik ni Sidapa maya-maya lang ay ang isanlibo mong mga tauhan ay magiging pataba sa lupa! " dugtong ni Ama.

Nang biglang may kinuhang isang sako si Datu Bangkaw at akmang ilalabas ang kung anong bagay na nakasilid sa sako.

Itinaas niya ang bagay na iyon...ang pugot na ulo ni Kuya Sidapa! Ang pinakamalakas na mandirigma ng Maktan..Ang naatasang susunod na Datu ng aming balangay!

Ilang hakbang lang ang layo ni Datu Bangkaw kay Ama nang inilabas niya ang pugot na  ulo ni Kuya Sidapa at iniangat iyon upang makita ng iba.

Hindi malaman ni Ama kung anong mararamdaman sa pagkakataong iyon.

Bigla siyang nanghina at nanlumo na parang nauupos na kandila.

"UUUNGH! Anong ginawa niyo sa anak ko?! " ang tangi na lamang niyang nasambit habang napaluhod at naluha.

"Ang iyong anak na si Caliph! Pinagnakawan ang barko ng mga pirata! Sinundan siya ng kanyang kuya na si Sidapa,at nakipaglaban sa mga kanila upang mabawi ang pasaway mong bunsong anak! " ika ni Datu Bangkaw.

"Ngunit sa kasawiangpalad ay napaslang silang dalawa ng mga pirata!" dugtong ni Datu Bangkaw.

Nanlaki ang mga mata ni Ama.

HIndi lang pala si Kuya Sidapa kundi pati ang kanyang bunsong anak ay napaslang din.

"Hindi totoo ang sinasabi mo! Nasaan si Caliph! Anong ginawa niyo sa mga anak ko! " nanginginig ang tinig na sigaw ni ama.

"Ipinakain na ng mga pirata ang iyong anak sa mga pating Mangal! Ito na ang katapusan ng iyong balangay! Wala nang Sidapang magtatanggol sa inyo ngayon! Akin na ang iyong sakop! "  sigaw ni Datu Bangkaw.

"Walanghiiiya ka Bangkaaaaaaaaaaaw! " sigaw ni Ama na nagdilim na ng tuluyan ang paningin.

Sinugod niya si Datu Bangkaw!

Subalit maagap ang walanghiyang si Menangkabaw.

TSAAAAAK! 

Agad itong naundayan ng saksak si Ama bago pa man ito makalapit kay Datu Bangkaw.

"Sum...pain ka ng Dakilang si Kanlaon Bang..kaaaw " naghihingalong wika ni ama bago malagutan ng hininga sa tapat ng mga mananakop at mga traydor niyang mga kababayan.

Hinudyatan ni Datu Bangkaw ang mga mandirigma ng aming tribo na ibaba na ang mga armas.

Tapos na ang laban.

Nakubkob na nila ang aming sakop.

Wala ni si ama..Wala na si Datu Mangal.





Batang MaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon