"Mangaaaaal!" sigaw ni ina ng makitang duguan at nakahandusay sa puting buhangin si ama.
Kahit nakagapos ang kanyang mga kamay ay agad siyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng mamaslang ng Ila-Iti na si Bunu-an.
Humahagulhol sa iyak si ina habang idinantay ang kanyang mukha sa nakahandusay na walang buhay kong ama.
"Sakop ko na ngayon ang inyong balangay Inday" ika ni Datu Bangkaw sa aking Ina.
"Hayooop ka Bangkaw! Sumpain ka ni Kanlaon! Ang isang tulad mo ay walang karapatang mabuhay! " galit at umiiyak na sagot ni Ina sa kanya.
PLAK! isang malakas na sampal sa mukha ang iginawad ni Datu Bangkaw sa nakagapos kong ina.
"Tampalasan!" galit na wika niya.
"Alam mong ang aking ama ang tunay na nagmamay-ari ng buong pulo na ito.!" patuloy na wika ni Datu Bangkaw.
"Binabawi ko lang ang nararapat na sa akin" dugtong niya.
Walang nagawa si ina kundi ay humagulhol na lamang .
Ang mga dalagang katutubo ng aming balangay ay nakagapos na rin at iginigiya ng ilang pirata mula sa Tsina patungo sa kanilang bangka.
Ang mga mandirigma naman na halos nangalahati ang bilang ay iginapos at pinadapa sa lupa.
Malalakas na hagulhol ang mariring sa paligid.Mga iyak ng mga namatayang mga magulang,kapatid at mga naulilang mga kabataan
Kasabay nito ang pagkatupok ng ilang kabahayan.
"Simula ngayon.Kayo ay nasa ilalim na ng aking sakop!" sigaw ni Datu Bangkaw na itinaas ang kanyang kampilan.
"Papanatalihin ko kayong buhay.Subalit kayong lahat ay magiging aking alipin!" dugtong ng palalong Datu.
Ganap na ngang nasakop ang aming balangay.
Ang balangay na pinagsikipang alagaan ng aking mga ninuno at ni ama.
Kinagabihan ay nagdaos ng malaking piging ang mga mananakop ng aming balangay.
Ang aming mga katutubo ay ginawa nilang mga taga silbi.
Ang mga hayop na alaga ng aming balangay at mga naipong mga pagkain ay kanilang pinagsaluhan.
Ang mga kababaihan ay walang sawa nilang pinagsamantalahan.
Naglasing ang mananakop sa tinamasa nilang matagumpay na pagsakop sa aming balangay.
"Mukhang nagkakasiyahan tayo dito ah! " ika ng tinig na bumasag sa kasiyahang nagaganap.
"Burigadang Pada!? " sabay-sabay na gulat na wika ng mga nagkakasiyahan.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo,mahal na diwata?" ika ni Datu Bangkaw na nakayuko bilang paggalang sa bagong dating na diwata.
"Uhhhmm..Wala naman.May nais lang na iparating na balita sa inyo ang aking asawang si Saraganayan!" wika ng diwata.
Biglang nagkatingninan ang mga mananakop na tila mga takot sa pangalang binanggit ng bagong dating na diwata.
"Ah..eh..ano po iyon mahal na diwata?" nauutal na tanong ni Datu Bangkaw sa kanya.
"Nais niyang kayo ay maghanda.Dahil sa kagustuhan niyong masakop ang balangay ni Mangal sa tulong ng Sinagmaling Diwata ay nagkaroon ng kaguluhan sa aming mundo." ika ng diwata.
"Isang nalalapit na digmaan ang magaganap.Inaasahan niya ang inyong tulong.Upang gapiin ang puwersa ni Ynaguinid!" dugtong nito.
"Makakaasa po kayo mahal na itim na diwata sa aming tulong!" walang pasubaling sagot ni Datu Bangkaw.
"Hmmmm..Inaasahan ko iyan!" nakangiting wika ni Burigandang Pada.
Pagkawika niyang iyon ay bigla na lang itong naglaho sa paningin ng mga mananakop.
"Hahahahah! Ipagpatuloy ang kasiyahan!!" sigaw ni Datu Bangkaw nang makaalis na ang itim na diwata.
Sa di kalayuaan ng kasiyahan ay dalawang munting mga mata ang namumugto na tila galing sa mahabang pagtangis.
Ang aking kalaro at kaibigang si ...Zula!
"Ano itong ginawa mo ama?! Anong ginawa mo sa aking kaibigan at kanyang mga kabalangay?" wika ni Zula sa sarili.
Agad siyang tumakbo palayo sa kasiyahan dahil hindi niya masikmura ang mga nakikita.
"Galit ako sa iyo Ama! Sana ay hindi mo na lamang ako naging anak!" tumatangis na sigaw niya habang tumatakbo palayo patungo sa kagubatan.
Samantala sa mundo ng mga itim na diwata....
"Mahal, naipahatid ko na ang balita kay Datu Bangkaw.Hihikyatin rin niya ang iba pang mga kalapit-isla na umanib sa atin." ika ni Burigadang Pada sa kanyang kausap.
Si Saragnayan!
"Hahahaha!Magaling mahal ko." halakhak ng diyos ng kadiliman.
"Ang digmaang ito ang magwawakas sa pamumuno ni Kanlaon.! Ako na ang maghahari sa mga diwata't mga tao! " sigaw pa niya.
BINABASA MO ANG
Batang Maktan
Historical FictionSa isla ng Maktan minsang nabuhay ang isang magiting na bayani.Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan,dugo at pawis ang ipinuhunan upang hindi lapastanganin at sakupin ang kanyang Inang bayan. Sariwain ang kanyang pinagmulan mula sa kanyan...