Munsad Buralakaw

102 3 0
                                    



 " Sino ka magpakilala ka! Isa ka ba sa mga tauhan ni Saragnayan?! " galit kong tanong sa estranghero.

" Nagkakamali ka Caliph! Nasa panig natin siya." si Ynaguinid nasa likuran na pala namin siya.

" Maligayang pagdating Munsad Buralakaw! " pagbati ng diwatang si Ynaguinid sa estranghero.

"Caliph,..mga bata, siya si Munsad Buralakaw!" pagpakilala ni Ynaguinid samin sa  lalaki.

"Magandang Araw mga makikisig na bata! " ika ni Munsad na nakangiti. Ang kanyang mga ngipin ay namumula sa nganga na kanyang nginunguya.

Bilang paggalang sa bagong kakilala ay agad kaming nagsiyuko sa kanya.

"Hmmm..,Aking nasasamyo ang sariwang hanging dulot ni Amihan.At nasasamyo ko rin na may kahalo itong amoy asupreng digmaan na uumpisahan ni Saragnayan! " ika ni Munsad habang sinasamyo ang hangin at nakatanaw sa malayong karagatan.

" Ano ang nakita mo Munsad?! Magsalita ka! " seryosong tanong ni Ynaguinid kay Munsad.

" Mahal na Ynaguinid,batid kong isa kang malakas na Diwata.At hindi ko tinatawaran ang iyong kakayahan sa pakikidigma...

"Subalit sa pagkakataong ito, kailangan mo ng matinding katatagan at lakas ng loob upang harapin ang nakaambang digmaan! " ika ni Munsad.

"Ano ang iyong nais ipahawatig Munsad? Huwag ka nang magpaliguy-liguy pa! " ani Ynaguinid.

"Mahal na Ynaguinid,dadanak ang dugo sa dalampasigan ng Maktan! Maraming buhay ang malalagas.Sa pagkakataong ito ay hindi ako nakakatiyak sa iyong tagumpay! " si Munsad.

"Nawa'y patnubayan ka ng Dakilang Kanlaon! " habol niya.

"Huh! Kilala mo ako Munsad.Wala akong inaatrasan! Lalo na at marami akong mga kakampi ngayon! " ika ni Ynaguinid sabay tingin saming magkakaibigan at kumindat.

Lalong tumingkad ang angking kagandahan ng Diwata ng Digmaan.

Ngumiti na rin si Munsad sa amin.At isa-isang pinagtatapik ng marahan ang aming balikat.

" Kayong magkakaibigan ang magiging susi sa kung ano ang kahihinatnan ng Digmaang ito." ika niya.

"Ngunit may paalala lamang ako.."

"Sana'y hindi mamantsahan ang matalik niyong pagkakaibigan ng magaganap na digmaang ito"  tila malungkot ang tinig ni Munsad.

" Pakatandaan ninyong apat .Mas mainam nang maglakad sa karimlan na may kasamang kaibigan,kaysa sa maglakad sa liwanag na mag-isa." pahabol ni Munsad sa amin habang unti-unti itong naglaho na parang bula.

Tila napaisip ako sa kanyang mga nasambit.Mukhang may nais isyang ipahiwatig.

" Halina mga bata nakahanda na ang ating pagkain! Naghihintay na sina Ginoong Jasuko sa kubo! " putol ni Ynaguinid sa aming pansamantalang pananahimik.

Pagkarining namin sa pagkain ay agad kaming nagpulasan ng takbo.

"Hahaha! Ang mauna ang siyang kakain ng marami! Ang mahuli ang magliligpit ng pinagkanan! " sigaw ni Zula na nanguna sa pagtakbo.

Napuno na naman ng halakhakan ang buong isla...

Ng mga halakhak ng mga inosenteng mga kabataan na sinanay upang makipagdigma.

Sa nalalapit na Digmaang walang katiyakang mapagtatagumpayan.

Sa isang digmaang kalaban ang mga mababangis at halang...


Batang MaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon