Habang naghahalungkat ako sa media tab ko sa Twitter, I found this, so I decided to put it here. This was also written a day before the supposed Alden-Cindy wedding. Hope you like it! 😊
-----------------------
Apat na buwan. Apat na buwan na ang nakalipas. Marami na ang mga pagsubok na pinagdaanan at nilagpasan. Ngunit bakit ang lahat ay naging parang isang lobo na unti-unting nililipad ng hangin? Hanggang dito na lang ba ang pagmamahalan na pilit pinaglalaban?
Wala na, ayoko na. Mga salitang paulit-ulit sa aking isipan. Mga salitang paulit-ulit na dinudurog ang aking puso. Bakit Divina? Bakit ang dali para sa'yong itapon na lang ang lahat? Wala bang halaga sa'yo lahat ng paghihirap at sakripisyo? Ang sakit sakit Divina. Sana pinatay mo na lang ako.
Mahal. Mahal na mahal ko pa rin siya ngunit kailangan ko siyang palayain. Kailangan, huwag ko na siyang papiliin. Kahit masakit, kailangan ko nang bumitaw para maisalba ang pamilya naming dalawa. Sana sa huling yakap ko sa'yo, naramdaman mo ang pagmamahal at sakit na pilit kong tinatago.
Patawad, Alden. 'Yan ang mga salitang nais kong sabihin. Sana pagdating ng panahon, maintindihan mo ang naging desisyon ko. Hindi ko gustong saktan ang iyong puso. 'Laking pasasalamat ko sa mga nagawa mo para sa pagmamahalan na ito, ngunit sadyang ang pagkakataon ay hindi sang-ayon dito.
BINABASA MO ANG
A & M Imagines
FanfictionPhoto credit (cover): Manny & April Photography -------- As early as now, I would like to apologize for any grammatical error. Hindi po uso sa akin ang proofread (tamad kasi ). Hope you enjoy reading the stories! Thank you!