Untitled

2.2K 55 11
                                    

Malakas na ulan pumapatak sa aking bubungan
Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan
Pilit hinahanapan ng kasagutan, ngunit tila walang matagpuan
Pinikit ang aking mga mata, mukha mo ang nasilayan
Mga alaalang kasama ka nag uunahang kumawala sa aking pinagtaguan
Sa lahat ng tanong na pilit hinahanapan ng kasagutan
Isa lang ang hindi makalimutan...
Mahal, bakit mo ako iniwan?

Ilang taong pinagsamahan nawala ng parang bula
Mga hindi pagkakasunduan, dito nagsimula
Pareho nating nais na maging tama
Ngunit sa huli'y sa isa't-isa tayo'y nagkasala
Masasakit na salita, mapapait na luha
Doon natapos ang samahang matamis sa simula
Mahal, anong nangyari sa ating dalawa?

Mga pangako sa isa't-isa'y binitawan
Pakiramdam ay pag-ibig na para bang walang hanggan
Akala ko'y kahit anumang pagsubok ating malalagpasan
Pilit lumaban kahit nasasaktan maisalba lamang ang "tayo" na akala ko'y meron pa
Ngunit nagising na lamang ako isang araw...
Mahal, bakit hagkan mo ay iba na?

Poot? Galit? Ano ba dapat maramdaman ko?
Kinapa ko ang kaliwang bahagi ng aking dibdib at nagulat sa aking napagtanto
Pagmamahal, yun ang nanatili sa aking puso
Kahit saan ako tumakbo, laging sa'yo ang uwi ko
Nakakatakot, nakakabaliw, nakakainis
Ang aking nararamdaman para sa iyo'y walang mintis
Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal, hindi kita matiis
Mahal, nais kong kalimutan ka na. Pwede ba?

Napapagod na ako sa paulit-ulit na tagpo
Nais ko nang lumayo at matutunang mahalin ang sarili ko
Sa ilang taong nagsama tayo
Laging "ikaw" at "tayo" na nakalimutan ko na merong "ako"
"Ako" na handang mahalin ako ng buo
"Ako" na kahit kailan ay hindi ako iiwan para kanino
"Ako" na sa bandang huli ay ang tanging meron ako
Mahal, pangako...huli na 'to.

He saved the draft, like he always does, and closed his laptop. For the past few months, that's what he always does whenever he misses her, whenever he remembers their time together: write poems. He wants to get things off his chest. He wants to forget. He wants to start again. He wants to love but he will make it a point to love himself first. He's been the one to always give without asking for anything in return. It's time he thinks only of himself and no one else. He looks out the window and listen to the sound of rain. Oh how he loves this. But the rain reminds him of her. He closes his eyes and prays to the God above for the day when he wouldn't think of her every time it rains to come, for the pain to go away. You're Alden Richards, right? Get yourself together. He quietly & bitterly laughed at the thought. He took out a white envelope with a yellow ribbon from his drawer and he let his fingers trace the initials sealed in front: J & M.

Mahal, pangako...huli na 'to.

-------------------
I don't know if it makes any sense pero affected ako sa The Devil Who Danced At Midnight kaya nasulat ko siya at a very ungodly hour. 😂 Hope you still liked it. As usual, no proofreading so I'm sorry for any error. ✌🏻️

A & M ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon