Chapter 46 - The Reconciliation

114 1 0
                                    

Namiss niyo ba ang update ng Online Love? Ako rin, namiss ko. =)))))

Author's POV

Nagsamasama ang magkakaibigan sa entertainment room. Napagkasunduan nilang magtrinoma muna kinabukasan bago sila pumunta sa una nilang destinasyon na hanggang ngayon ay hindi nila napagdidskusyunan.

Ramdam pa rin ang akward air sa kwarto. Pero halata ang pagpapalight ng atmosphere ng mga magkakaibigan. Wala ring nagbubukas ng mga social networking accounts nila sa takot na makita ang reaksyon ng mga tao sa ginawa nilang LS. Hanggang sa lumapit si Kaele kay Jude...

Jude's POV

Bakit siya lumapit sa akin? Ang ganda niya talaga. God, Sana siya na talaga...

"Hey" 

"Hey"

"I'm Sorry" 

"Para saan?"

"Sorry for being damn stupid...I never meant anything to hurt you. Sorry kung ang pakiramdam mo binabalewala kita. Sorry kung-"

"Stop saying Sorry. Hindi mo kasalanan na sayo ko nagkagusto or ikaw minahal ko. Ako dapat nagsosorry sayo, Napressure ka. Hindi ko inisip yung mararamdaman mo. I just... I just felt na wala akong halaga sayo."

"You're important to me Sinahon. Hindi mo lang siguro nakikita yun kase ang napapansin mo lang ay yung pakikitungo ko sa iba. You're a great guy. Maraming iba diyan. Maybe I'm not the right girl for you and you met me for another reason and that's friendship."

Napaisip ako sa sinabi niya. Siguro nga di ko napapansin na importante ako sa kanya dahil ang napapansin ko ay ang pakikitungo niya kay keyr at migz. Pero yung last niyang sinabi. I know that she's the right girl for me.

"You are the right girl for me. Kung hindi ma, Ipipilit ko pa din. Kahit sumimba ako sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas at ipagdasal na ikaw na talaga. Gagawin ko" 

Determinado talaga ko. Pero ang nakakagulat tinawanan lang niya ko. 

"Do you know how I love to see you so determined? That look, I really love it."

"Pag determined mo lang ako love?" *Puppy eyes*

And again, Tinawanan niya lang ako

"Of course I do love you! Stop doing that puppy look. Its making you look cuter" She pinches my cheeks and smiles. Hayyy. That smile..

"Hoy! Ang PBB Teens niyong dalawa! I love you agad?! Narecord namin yun!!! Diba Ranz?"

Istorbo talaga tong si Beastfriend. Nagmomoment kami dito tapos biglang sisingit. Kaya tiningnan ko lang siya ng masama. Psh.

"Uhm. Den. Wrong Move. Exit na tayo. Baka mamaya masaktan ka pa ni Jude, Makapatay pa ako."

"Anong makakapatay Ranz?! Kung sabay ko kayo pinapatay ni Den ha?!"

"Saktan mo na ko wag lang si den bro. Mapapatay ko mananakit diyan. Pero gusto ko yung idea mo. Patayin mo kami ng sabay, para magkasama pa rin kami sa dulo ng walang hanggan"

Ayun na. Kinilig na ang bestfriend ko. Namula na ang pisngi ng todo todo.

"So sweet of you Ranz. Yan ang diskarte! Hahahaha." Tawa naman ng tawa si kaele sa reaction ni Den, dahil di nakaimik at namula na lang. Nagappear pa si kaele at ranz. 

"Halika na nga Den. Post na lang natin yung narecord nating video!" Hinawakan si Den at hinila papalayo.

"Video?"

"OO VIDEO! AKO PA RIN ANG TATAWA NG SOBRA NGAYONG GABI BEASTFRIEND!" Sabay takbo ng natawa kasama si Ranz. 

Anong video? Wala ata ako maalala. Bahala na nga yung babaeng yun. 

"Jude. Okay na tayo ha? Friends?" Oo nga pala, Okay na kami. Thank You God!

"Okay na okay. Friends for now." Nakangiti kong sagot sa kanya

"For now lang?"

"Oo. Kase baka bukas more than friends na tayo." I laughed hard. Haha. Pinalo naman niya ako pero mahina lang.

"Ikaw talaga. Tara na nga. Nood tayong movies with them"

"Tara" Ayun pumunta na kami sa may malaking tv. Parang mini theater room.

"Yieeeeeeee. Okay na sila. Let's celebrate!!!" Sigaw ni Agua. 

Tuwang tuwa naman ang barkada. Habang sinesetup ni Duane yung movie na papanoorin namin. Nilapitan ko si Keyr at Migz na mukhang nagtatawanan na. 

"Bro"

"Sino ba samin Jude ang tinatawag mo?" Sagot ni migz tapos nagtawanan ulit yung dalawa.

" Kayo parehas! Kanina pa kayo tawa ng tawa diyan!"

"Selos ka bro? Wag ka na magselos. Halika bigyan ka namin ng bromance hug" At niyakap ako ng dalawa ng mahigpit. Pagkabitaw sa yakap.

"Mga pre, Seryosong usapan. Walang masisira sa pagkakaibigan natin ha. Alam naman nating tatlo na iisa kinababaliwan nating babae, pero patas na laban mga pre. At sana walang magkagalit galit satin" 

"Oo naman Keyr. Kahit anong mangyari. Solid tayo" Ngumiti lang si keyr at migz.

"May the best man wins?" Tanong ni migz

"May the best man wins" Sagot namin ni Keyr

Masaya ako na nagkausap kaming tatlo. Siguro kung mga babae kami. Ang tagal ng usapan namin. Haha. Pero dahil alam naman natin sa isa't isa na walang mangyayari kung kami kami ang mag-aaway, nagkasundo sundo kami. Tanggap namin kung sino ang pipiliin niya. At magiging masaya ako para sa taong yun. Sana lang nga ako mapili niya. Per sa ngayon, sobrang saya ko na ayos na kaming lahat. Wala ng akwardness sa tropa. 

Online LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon