Dennice's POV
I knew it! Type ni Bestfriend si Gorgeous. Bwahaha. Im so galing.
Kaya eto ako excited magkalovelife si bestfriend. I woke up early for him! O ha?! Haha
Kaso antagal magOL ni Erica. :l
Deymn! May practice nga pala si luka! Psh. I think Matulog na lang muna ako ulit...
Duane's POV
First time ko magPOV! Si Author kase! Pinagintay na nga ako kagabi sa simula ng story niya tapos hindi pa ko inuna!
Bagay talaga kayo ni Erica! Parehas kayong Demanding!
Ewan ko sayo Author! Layas na! Gawin mo na yung story! =P
6:30 AM. Aga ko pala nagising. Hay. Ano kaya magawa? Hmm. AHA! Itext ko nga si Erica. Bwahaha
To: Erica <3
Good Morning Sunshine! =)
Gising ka na ba? Wag mo limutan magbreakfast ha? Alam mo namang ayokong nagugutom ka. Ingat ka sa training mo ha?
PS: Wag masyado kiligin baka magkulay kamatis yang mukha mo sa pamumula =P
Hahaha. Asar na naman yun sa akin. Agang-aga. Haha. Ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa akong asarin siya. Sa totoo niyan hindi lumilipas ang araw na hindi ko siya naaalala. Parang kulang ang araw ko pag hindi ko siya naasar. Masaya ako tuwing kausap ko siya. Sabi nga sa akin ni Alyssa, kaibigan namin ni Erica na may gusto daw ako kay erica. Pero hell no! Ako magkakagusto kay Erica?! ASA! Pero ano nga ba talaga nararamdaman ko kay erica?! Psh! Kahit kailan problema talaga ang nararamdaman. Hindi Hindi. Crush ko yung nameet ko kagabi sa twitter e. Si kaele. Pero hindi e. Nagandahan lang ako sa kanya. Tyaka parang feeling ko magiging ate atehan ko yun.
SHIT! BWISET NA PAKIRAMDAM TO!
Hoy! Pare! Agang aga nasigaw ka diyan! Problema mo?! - Rafael
Ano ginagawa mo dito sa bahay namin?! Aga mo namang mambulabog!
Gago! Nakadrugs ka ba?! Pinsan mo ko! At dito lang din naman ako nakatira sa bahay na ito!
Tanga ko talaga. Naku! Siya nga pala si Rafael Alejandro. Anak siya ng kapatid ng mama ko. Natural! Alangang anak ng kapitbahay namin diba tapos pinsan namin?! Isa yan sa pinagkakatiwalaan ko. Kaklase ko din kase yan sa UST.
D: Ay sorry. Haha. Nagulat lang naman ako
R: Sus. Babae ba yan?
D: Ang alin?
R: Yang pinoproblema mo.
D: Hindi ah! Kelan pa naging problema sa akin ang babae. Psh. Ako?! Si Duane Sombillo?! Mamoblema sa babae?! Psh.
R: Ulol! Lokohin mo lelang mo! Sino ba yan?!
D: Wala, Iniisip ko lang yung lagi kong inaasar. Si Erica,
R: Sus. Pre. Bakit mo lagi inaasar? Yan ba way mo para mapansin ka niya? Akalain mo yun natorpe ka din?! Hahahaha. Bebenta yan sa mga pinsan natin!
D: Gago! Seryosong usapan! Ano tingin mo?
R: Tingin ko? BALIW ka! Alamin mo nga yang nararamdaman mo. Baka mamaya kung kailan may iba na yang Erica mo tyaka mo marerealize na yung lagi mo inaasar ay mahal mo na pala! Sabi nga nila diba The More You Hate The More You Love. O siya. Tutulog muna ulit ako. Wag ka magsisisgaw diyan. Baka akalain ng kapitbahay may takas sa mental sa bahay na to!
BINABASA MO ANG
Online Love
Teen FictionNaniniwala ka ba na pwedeng mainlove ang isang tao sa hindi naman nila nakakasama ng madalas? Yun bang nakita mo lang siya sa internet. Nagsimula sa chat, tweet, hanggang sa nagkaka-skype at maging magkatext. Yung iba ngBBM pa. Siguro yung iba iniis...