Kaele's POV
Ano ba meron kay Jude at Keyr? Lakas makabanat ng mga yun. Haha. Pero I'm thankful na I met them. Natuto ako magsaya ulit. Nalimutan ko kahit papaano yung nangyari. Its been a year pero hindi pa rin talaga ko nakakarecover. Tapos ngayon makakasama ko pa sila sa vacation na to... Hay...
"Kaele..." Hindi ko malilimutan ang boses na yun. Si Jake yun. Psh. Ano naman kailangan niya? Hay...Smile kaele. Kaya mo yan..
"Yes? Ano kailangan mo?"
"Can we talk?"
"Naguusap na tayo diba? Ano pa ba gusto mo?"
"Psh. Were not. Hindi ibig sabihin na nagsasalita tayo parehas ay nag-uusap na tayo"
He looked at me in the eyes. Shit. Wag mo ko tingnan! Naaalala ko lang yung nangyari. He walks closer to me and held my hand....
"Alam kong galit ka pa rin sa nangyari, Though hindi mo pinakita sa lahat. Tinago mo yung totoo mong nararamdaman. Alam mo bang sa ginawa mong pag-iwas sa akin lalo lang ako naguilty?"
Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko which left him in shock. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Guilty? *Laughs* Marunong ka pala makaramdam ng guilt? Alam mo its been a year but still hindi pa rin nawawala yung sakit. Ngayon lang ulit ako natuto mabuhay ulit ng normal. Yung mabuhay ng tulda ng dati... Pero ngayon ano? Manggugulo na naman kayo?! Shit! Shit lang Jake! Ano ginawa kong masama sa inyo para gaguhin niyo ko?!"
Tuloy tuloy lang yung patak ng luha ko. I cant help but break down. Ngayon lang kami nagkausap after nung nangyari. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya kong kausapin ulit. Okay na kami ng walang pansinan tapos heto siya ngayon?
"Im sorry...."
"Sorry? *Laughs* Yun lang? At ngayon mo lang yan naisipang sabihin sa akin? Dapat ba ko maging masaya? Psh. Take your sorry with you and go to hell! Isama mo na rin si Kristin! Magsama kayong dalawa sa impyerno!"
Paalis na ko nang bigla niya ko hinigit at niyakap. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya sa akin.
"Let Go of me! Ano ba?!"
"Im sorry kaele. I didnt mean to"
"I said let go!"
There's a part of me na parang ayaw bumitaw sa yakap niya pero alam ko sa sarili ko na mali, Kaya pinipilit ko magpumiglas. But he's not letting go. Hanggang sa dumating si Dennice and Ranz.
"Let go of her or something not good will happen" - Ranz
Binitawan ako ni Jake. Pero hindi ko mapigilan na mas umiyak. Nanghina ako sa nangyari. I dont know why he still have that effect on me. Dennice helped me to stand up. Ranz asked Jake to go. Ayaw pa umalis ni Jake nung una but Ranz told him na pag hindi pa siya umalis baka hindi niya mapigilan ang sarili niya na masaktan niya si Jake. Kaya umalis na si Jake.
"Are you okay?" -Dennice
"Yeah. Thanks" - Kaele
"Buti na lang narinig namin na parang may nag-aaway dito kaya we immediately go here. Hindi namin alam na ikaw pala at yung gagong yun ang nandito." - Ranz
"Pinagalala mo ko alam mo ba yun? Nagulat ako nung nakita kitang umiiyak at nagpupumiglas! What did he do to you?" - Dennice
"Sorry Den. Dont worry wala siya ginawa. He wanted to talk to me but I dont want to and Nagapologize lang siya..." - Kaele
"Apologize?! Lakas naman ng loob niya! Pagkatapos ka niyang gaguhin ngayon lang niya naisipan magsorry. Psh" - Ranz
"That's what I told him. Uhm Guys. Wag niyo na lang banggitin to kahit kanino ha? Lalo na kay Loise at Ken." - Kaele
"Pero kaele, Hindi pwede. Kailangan nilang malaman to!" - Dennice
"She's right. Paano kung next time magkasakitan lang kayo. By the looks of him. Pwede ka niya masaktan" - Ranz
" Pero kase ayoko ng gulo..." - Kaele
"They started it! Kanina nung dumating sila, Parang naghahanap talaga ng away yung si kristin. Dont worry, Hindi ka namin papabayaan. Isa pa hindi pwedeng papaapi ka lang. Matuto ka lumaban. Or they'll make your life miserable" - Dennice
"Thank You sa inyo. Pero please pabayaan na lang muna natin. Hindi naman ako nasaktan e" - Kaele
"O sige. Pero we'll tell this sa barkada okay? Barkada tayo, Were here to help each other. Kaya dapat walang nililihim." - Ranz
"Sige. Thanks talaga guys. Uhm una na ko sa kwarto ha? Mukhang naistorbo ko ang moment niyong dalawa e." *Smiles* - Kaele
"Baliw! Haha. Sama na ako sayo" - Dennice
" No. Kaya ko na sarili ko. Magmoment muna kayong dalawa. Kawawa naman si Ranz, Mukhang sabik sayo oh *Laughs* O sige na. Enjoy kayo diyan." - Kaele
"Thanks Kaele. And magingat ka ha!" - Ranz
" Yes Sir! Ingatan mo din si Den" - Kaele
Dennice's POV
Grabe yung nakita ko. Kaele is really in deep sorrow. Pero tinatago niya kase ayaw niyang maapektuhan yung nasa paligid niya. Imbyerna naman kase tong Kristin na to! Isa pa yung Jake na yun. Hay..
"Den, Nakakatampo ka naman e. Kanina pa ko nagsasalita dito. Hindi mo ko pinapansin." - Ranz
" Huh? Sorry. Iniisip ko kase si kaele e. Bakit kase mga lalake andaling magpatukso. Psh" - Dennice
" Hindi lahat ha! Ako nga kahit ang daming babae na umaaligid aligid sa akin. Hindi pa rin ako nagpapatukso dahil isa lang naman gusto ko" - Ranz
"Talaga lang ha?" - Dennice
"Oo. Promise! Kahit ano mangyari hindi ako papatukso. Tyaka swerte ko na nga sayo, Hahanap pa ko ng iba? *Smirks* " - Ranz
" Ayiie! Kinilig naman ako dun! Haha. " - Ranz
" Alam ko. Hahaha. " - Ranz
"Sus. Yabang mo! Haha" - Dennice
"Ikaw lang naman maipagmamayabang ko! - Ranz
"Sus. Bumenta na yan! Haha" - Dennice
"Oo na. Bumenta na. Pero kahit ano mangyari hinding hindi ko hahayaang makuha ka sa akin ng kahit sino" - Ranz
Okay. Ako na mamatay sa kilig dito. Kailangan titigan ako habang sinasabi yun? Kyaaaaaaaaah! Lord! Thank You! Sobra sobrang biyaya to! Sana lang talaga siya na. Hay Ranz. Kung pwede lang kita sagutin ngayon. Sasagutin na kita! Kaso nagaalinlangan pa din ako. Hay.
BINABASA MO ANG
Online Love
Novela JuvenilNaniniwala ka ba na pwedeng mainlove ang isang tao sa hindi naman nila nakakasama ng madalas? Yun bang nakita mo lang siya sa internet. Nagsimula sa chat, tweet, hanggang sa nagkaka-skype at maging magkatext. Yung iba ngBBM pa. Siguro yung iba iniis...