Chapter 42 - 100 Days

2.9K 41 48
                                    

“It’s very strange.. his vital signs shows us that there is something wrong with his body pero hindi namin mahanap ang cause ng high temperature niya and the weakening of his body” Ulat ng doctor. Ha? wala siyang sakit, pero bakit ganyan ang kalagayan niya? Anong klaseng mga doctor to..

 

Oh wait..

 

“We’ll have to keep him for more tests I’m afraid” Tumango nalang ako at napaisip.

May kinalaman kaya dito ang pagiging anghel niya? Teka teka, di ba hindi nag kakasakit ang mga anghel.. o kaya naman.. eto ba yung parusa kay Lex na sinasabi ni Jay? Dahil inlove siya sa tao? Which is.. ako??

 

O___O

Napahinto ako sa pag iisip saglit. Hmm..

 

HAHAHA yun?? Nah.. Imposible..

“Miss, are you related with this person? Relative niya? Or.. girlfriend?” Nanlaki ang mga mata ko. Maka girlfriend naman??

Tin: “Ah..ha ha ha! hindi ho! Mag kaklase lang ho kami”

“Oh I see, it’s better to inform his parents about this” Tumango nalang ulit ako at umalis na siya.

Tin: “Parents? Hmm.. anghel siya kaya mukhang wala siyang pamilya dito sa lupa.. ano ba yan, Lex gumising kanaa.. patay ako nito, hahanapin ako ni lola eh..” Nga pala, si lola..

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya para mag paalam na gabi na ako makakauwi. Pero hindi ko sinabi ang dahilan kaya’t nagalit siya at pinapauwi ako ng maaga. Nahihiya din kasi akong sabihin na gusto ko mag stay para kay Lex..

Tin: “Opo lolaa pauwi na po, sige po bye bye” click.

Nag buntong hininga ako.

Tin: “Pano to? Kailangan ko na umalis Lex” Tumayo ako, kinuha ang gamit ko at nag lakad patungo sa pintuan, pero lumingon ulit ako para icheck si Lex bago ako umalis. Hindi siya nagising. Napabuntong hininga nalang ako at nag patuloy na mag lakad palabas ng ospital at pauwi.

Lumipas ang araw na punong puno ng pag aalala ang isip ko.

~~

Tin: “Haa.. Haa.. Haa..” Pahingal akong tumatakbo patungo sa eskwelahan dahil late na’ko! Hindi kasi ako nagising sa alarm.

Nang mag simula ang klase, wala akong ibang maisip kundi si Lex. Ok na kaya siya? Inaalagaan ba siya dun? Walang nag babantay sa kanya baka mapano siya wa?

Mas lalo lang napapagod ang utak ko kakaisip. Hanggang sa matapos ang araw, hindi nawala sa isip ko si Lex. Nag madali akong pumunta sa malapit na supermarket at bumili ng mga prutas. Inobserbahan ko ang mga kilos ko at saka ko lang napagtanto na.. Bat ang sweet ko naman ata?? sa sobrang sweet nacocornyhan na ako..

Siguro hindi lang ako sanay na nakikita ko sarili kong ganito sa isang tao.

Pag tapos ko mamili ay tumakbo ako papuntang ospital para dumalaw. Kahit hinihingal na ako hindi ako huminto.

Nang makarating na ako, pumasok ako ng kwarto niya at nakita ko siyang nakaupo sa higaan at malayo ang tingin sa labas ng bintana. Binaling niya ang tingin niya sakin pag sarado ko ng pinto. Umupo ako sa tabi niya at inabot ang plastic na punong puno ng prutas.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon