Chapter 23 - Personal Tutor Jay part 2

4.1K 20 1
                                    

Hindi naman ako matalino.  Kinamot ko ang ulo ko.

Tin: “Hindi ko na naman maintindihan” Di naman ako katulad ng iba na puro stock knowledge lang. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Lumabas ako at tumingin sa kanan.. at sa kaliwa.

Tin; “Baka naligaw yun..” Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras dito. 1.28pm. Binalik ko sa bulsa ko ang cellphone. Ang sabi niya..

>>Flashback>>

Jay: “I’ll be there at 1.30pm”

Tin: “Baka maligaw ka”

Jay: “Don’t worry, I’ll find my way”

Tin: “Pano kita macocontact?” Kumuha siya ng papel at ballpen. Nagsulat siya sa papel at binigay ito sakin. Number niya ang nakasulat dito.

Jay: “But I don’t think kakailanganin mo pa akong kontakin” Huh? Nginitian niya ako.

~~

Tin: “Ano kayang ibig sabihin niya dun” Napahinto ako at nang matauhan na ako naalala ko yung papel. San ko ba linagay yun? Papasok na sana ako ng bahay nang may narinig akong nagsalita.

Jay: “Tin” Lumingon ako pabalik. Ngumiti ako.

Tin: “Jay! Akala ko naligaw ka na” Nginitian niya din ako.

Jay: “I told you I’ll find my way”

Tin: “Ah eh, pasok!” Pinapasok ko siya. Nandito ang mga pinsan ko sa bahay, nakatambay. Nandito din si lola.

“Oh Tin, andyan na yung tutor mo” Sabi ni lola.

Tricia: “Ate Tin, sino na naman yan? Bagong boyfriend? Pano na si kuya Lex?” H-ha?? Ayan na naman si Tricia.

Aya: “Ate Tin tin bagay kayo” Sabi naman ni Aya.

Tin: “H-hindi.. tutor ko lang, shh!” Tumawa si Jay. Nagbless siya sa lola ko.

Jay: “Ako ho si Jay”

“Nako ang bait naman ng batang to, iho kain ka muna, wag kang mahiya”

Jay: “Ok lang ho, kakakain ko lang” Ngumiti lang siya.

Tricia: “Kuya ilang taon ka po?” Tumingin si Jay kay Trish.

Jay: “19 lang” 19?? Nagulat ako, tumingin ako sa kanya. Ang bata palang pala niya. Tumingin din siya sakin ng nakangiti. Ba-dum. Binaling ko ang tingin ko sa ibang bagay.

Tin: “Ah, Jay.. tara sa taas nanonood kasi sila” Binulong ko kay Jay. Tumango siya at umakyat kami. “Sige lola mag aaral po muna ako”

“Sige”

Tricia: “Ate Tin alis na din kami maya maya”

Tin: “Uy sige kita kits nalang” Kumaway ako sabay dumeretso sa second floor. Nagpunta kami sa kwarto ko. Buti nalang nag linis ako.

Tin: “Sorry Jay ha medyo masikip”

Jay: “Don’t worry about it, umpisahan na natin” Tumango ako.

~~

Habang nagsasalita siya, hindi ko mapigilan mapatingin sa kanya. Ang gwapo na.. mabait at matalino pa.. san ka pa? Napangiti ako. Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Sabay binalik ko ang tingin ko sa libro.

Jay: “Nakikinig ka ba?”

Tin: “Ha? O-oo naman”

Jay: “Sige nga gawin mo tong question na to” Binasa ko yung question sa libro.. Tumahimik ako ng ilang segundo at walang nasagot.

Tin: “Uhhh..” Tumawa si Jay.

Jay: “Break muna?” Tumingin ako sa kanya at nag buntong hininga.

Tin: “Sorry”

Jay: “San naman?”

Tin: “Baka nahihirapan ka turuan ako” Tumawa ulit siya.

Jay: “Hindi ka naman mahirap turuan” Sinarado niya ang libro. “May ibang bagay lang na nakakakuha ng atensyon mo” Ba-dum.

Tinignan niya ang oras sa relos niya.

Jay: “5.30 na din pala” Tumingin siya sa akin. “Sa library nalang ulit?” Tumango ako.

Tin: “Salamat Jay, uhh..” Hinanap ko ang wallet ko.

Jay: “Don’t worry it’s free” Huh? Napatingin ako sa kanya. “Kung para sa’yo naman” Ayan na naman ang mala anghel niyang ngiti.

Hindi na siya kumain. Umalis na agad siya. Nag dinner na ako at pumanaog na para matulog. Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Inunlock ko ito ang tinitigan. Walang text. Bakit sino bang hinihintay mo. Pumikit ako at hinagis ang phone ko sa tabi ko.

Tin: “Argh..” natahimik ako ng ilang segundo sabay dumilat ulit. “Sino nga ba?” Biglang dumaan sa isip ko si Lex. Nanlaki ang mga mata ko at napaupo. Umiling iling ako.

Tin: “si Lex? Hindi pwede.. hindeee—“

>>Lex's POV>>

Lex: “Achoo!” Kinamot ko yung ilong ko. Anu ba yun? Wala naman akong sipon. Dumating ako sa bahay.

Lex: “Ahhhhhhh!! Kapagooodddd!” Puro trabaho nalang.

Hinawakan ko yung kwintas na suot ko. Yung korteng bituin. Umupo ako sa kama ko at naalala ko yung sinabi ni Tin.

Tin: “Tama na muna trabaho! Mag aral ka!”

Natawa ako mag isa. Kinuha ko yung bag ko at kinuha ang libro ko. Pinatong ko sa lamesa ko at binuklat ito.. Ngumiti ako.

Lex: “Sabi mo eh, edi mag aaral” 

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon