Chapter 18 - Happy Birthday Tin

4.7K 21 3
                                    

Nag text ako kay Princess.

Lex: [prnces s apartmnt ko nlng ipdala yung cake]

Tin: “May cellphone ka na pala” Napatingin ako kay Tin.

Lex: “Uyyy, pinansin niya nako oh” Kumunot ang noo niya at tumingin sa malayo.

Lex: “Joke lang, bati na tayo” Hindi niya ako pinansin. Kita ko hawak niya cellphone niya. “Ayaw mo mamansin ha” Kinuha ko ito.

Tin: “H-hoy!!” Sinubukan niyang kunin sakin ito. Tinaas ko yung kamay ko na hawak ang cellphone niya hindi niya maabot to.

Lex: “Bansot” Tinawanan ko siya.

Tin: “Bwisit ka sa buhay ko” Binaba ko ang kamay ko at linagay ko sa likod ko.

Lex: “Kiss muna” Naasar siya lalo. Kinapa kapa niya ang likuran ko. “Whoa, wag po, bata pa’ko”

Tin: “Tumahimik ka” Nang mahuli niya ang kamay ko, hinigit niya ito tila ba nagtatangkang agawin mula sakin ang cellphone.

Lex: “Aray, ang higpit ng hawak mo sa kamay ko, kaw ha” Tinignan niya ako ng masama. Bumitaw siya.

Tin: “Iuwi mo’ko”

Lex: “May multo dun”

Tin: “Argh..” Natawa ako. Halos mag 30 minutes na kaming nakatambay dito sa park. Mukhang giniginaw na din siya.

Lex: “Tara na nga” Hinubad ko ang jacket na suot ko at pinatong sa balikat niya. “Suot mo, wag kang maarte” Naglakad ako palayo at sumunod siya.

Tin: “Hoy cellphone ko!”

~~

Dumating kami sa tapat ng apartment na pinagiistayhan ko. Huminto kami sa paglalakad.

Lex: “Gusto mo na bang umuwi?”

Tin: “Akala ko ba iuuwi mo na talaga ako?”

Lex: “Ayokong maiwan ka dun mag isa, Birthday mo pa naman” Wala siyang imik.  “Dito ka muna”

Tin: “Ano gagawin ko dito?”

Lex: “Hindi mo sinagot eh gusto mo na bang umuwi?”

Tin: “Mm.. sige na sige na, mamaya nalang” Ngumiti ako. Hinawakan ko yung kamay niya at hinigit siya papasok sa apartment.

Tin: “Whoaa ang laki” Binuksan ko ang ilaw. May kuryente dito sa street namin. Nakita niya yung.. kahoy na may mga lubid. Ano nga tawag dun.. mmm.

Tin: “Gitaraa!!” Ayun!

Lex: “Ano ba yan?” Tumingin siya sa akin.

Tin: “May dalawa kang gitara tapos hindi mo alam kung ano to?”

Lex: “Eh, magandang pang display eh” Umiling siya, pero mukhang excited siya dun sa mga gitara.

Tin: “Ang ganda ng designn” Kinalabit niya yung mga lubid. “Ang ganda ng tunogggg” Yun pala ang ginagawa nun. Biglang nag vibrate ang phone ko.

Vrrrrr.. Chineck ko ito.

Princess: [hey loser, I jst read ur txt, I’ll send it in later enjoy!] Ngumiti ako at tinignan ko ang oras. Mag 8pm na. Maaga pa.

Narinig ko tumutugtog siya sa gitara.

Lex: “Pano yan? Wa?” Natawa siya.

Tin: “Wala sa bundok? Grabe ka makareact dyan”

Lex: “Talentado ka pala miss sungit” Tumabi ako sa kanya.

Tin: “Ganito..” Inexplain niya kung pano tumugtog. Nginitian ko siya. “Oh, anong nginingiti ngiti mo dyan?”

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon