Chapter 29 - Heartbroken

4.3K 22 1
                                    

Nandito ako, nakatayo sa labas, sa likod ng campus kung saan walang tao. Semento ang daanan at puro damo at bulaklak ang naka pwesto sa gilid. Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay Lex. Oo kasama ko siya, palagi naman.

San siya? Ayun, nakatayo sa malayo.

Lex: “Game na Tin! Anong hinihintay mo!” Sinigaw niya sa akin mula sa pwesto niya. Hindi ako umimik. Nag lakad siya palapit sa akin.

Lex: “Huy Tin, mag lalakad ka lang oh”

Tin: “Oo, mag lalakad nga lang.. pero sa harap ng maraming tao” Hinawakan ko ang noo ko habang siya hinawakan naman ang mga balikat ko.

Lex: “Tumingin ka nga sakin” Binaba ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. Nag tagpo ang mga mata namin at natahimik kami ng ilang segundo.

Lex: “Tin..”

Ba-dum

 

Ba-dum

 

Lex: “Bat ang liit mo?” Ba--- Tinapik ko siya sa noo.

Tin: “Tamo to naiistress na nga mang-aasar pa”

Lex: “Aray naman, pinapagaan ko lang yung aura mo, tamo yang baba mo didikit na sa lapag” Kinuskos ko ang baba ko.

Lex: “Ngumiti ka na dyan, mag papractice lang naman tayo, ituturo ko sa’yo kung saan banda ka lalakad” Nag buntong hininga ako. Medyo gumaan na ang loob ko. Lalakad lang pala eh, sus kaya yan!

Tumango ako.

Tin: “Game” Nginitian ako ni Lex.

~~

Tumingin si Yuan sa relos niya.

Yuan: “Nasan na ba yung dalawang yun, 5 minutes na lang” Halatang kabadong kabada na siya. Biglang nag salita ang MC.

“Can we please call all Mr. and Ms. Santa who will be participating”

May lumapit kay Yuan na isang estudyante.

“Tol, san na sila?”

Yuan: “Ewan ko rin..”

“Si Annie? Kamusta na?”

Yuan: “Ayun nasa clinic nag papahinga”

“Pano to? Pag wala pa sila Lex in 5 minutes..”

Yuan: “Forfeit tayo..”

Tumahimik sila pareho. Hinarap ni Yuan ang tingin niya sa entrance ng gym at nag hintay. Tin, Lex.. bilisan niyo.

~~

Isa.. dalawa.. tatlong hakbang. Huminga ako ng malalim. Tumingin sakin si Lex at pumalakpak.

Lex: “Ang galing mo Ms. Santa! Nag improve na mula sa Ms. Sungit” Napalingon ako sa kanya na mulat na mulat ang mga mata.

Tin: “Tama na talaga yung nagawa ko?”

Lex: “Oo, galing mag lakad ah” Ngumiti kami pareho, pumalakpak din ako habang nag tatatalon.

Tin: “Haaahh! YESS!!” Napayakap ako kay Lex at yinakap niya din ako.

Lex: “Ang galing kasi ng nag turo”

Tin: “Oo na sige na hindi na ko papalag” Tinawanan niya lang ako. Bigla kaming huminto sa pag tawa at nag tinginan. Nanlaki ang mga mata namin at sabay kaming sumigaw.

Tin: “Yung event!”

Lex: “Yung event!”

Dali dali naming kinuha ang mga bag namin sa damuhan kung saan namin ito iniwan sabay tumakbo papasok ng building.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon