Chapter 11 - Protector

5.3K 28 2
                                    

Malelate na akoooo! Tumakbo ako papuntang school, late ako nagising ano ba yan! Hindi na din ako nakakain. Maya maya dumating ako sa tapat ng school. Hiningal ako. Mamaya baka asthmahin na naman ako.

Nakaabot pa’ko, hindi pa nag bebell. Papasok palang din ang mga istudyante. Pero parang may iba. Tumingin ako sa paligid. Wala siya.. Umiling ako. Ba’t mo hinahanap?

Naglakad na ako papasok at dumeretso sa classroom ko. Umupo ako.

Kriiiiiiingggggg!

Maya maya dumating ang teacher at linagay ang gamit niya sa lamesa niya pero nanatili siyang nakatayo.

“Good morning class, how’s your weekend?”

“Ok naman miss!”

                        “Masaya po!”

                                                “Ang boring walang magawa, umuulan”

Iba iba ang nakuhang sagot mula sa mga istudyante, pero ako tumahimik lang. Tumawa ang teacher namin.

“Good para sa mga taong nag enjoy.. Ok..” Tumigil siya na parang may sasabihing importante. “Before tayo mag simula sa lesson may news ako para sa inyo” Ngumiti siya.

Inaantok pa ako. Nakaupo ako malapit sa bintana. Nag pangalum-baba ako at tumingin lang sa labas ng bintana na parang hindi interesado sa “news”.

“There’s a new transfer student who will join us starting today” Transfer student? Hindi ba late na masyado? Tumingin ako sa teacher, pero binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

Biglang narinig ko yung mga kaklase ko.

“Oh my gosh bes ang gwapo niya no?”

                                    “Siya yung nakita ko before! Mukhang model”

                                                                                                “Ang lakas ng appeal grabe”

Huh? Anong kaguluhan yan.. Tumingin ako sa harap.

“Please, introduce yourself” Ngumiti ang teacher. Nakita ko yung bagong istudyante. Matangkad, maputi, spiky ang buhok, malakas ang dating pero hindi ko masyadong makita yung mukha dahil sa liwanag sa labas ng pintuan. Tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

??: “Hi sa lahat, ako nga pala si Alexander”Alexander, gandang pangalan..

Lex: “or ‘Lex’ for short, nice to meet you all” L-Lex? Yung pangalan na yun.. Tumingin ulit ako sa harap at tinignan ko siyang mabuti. H-hinde.. Impossible..

Lex: “Bago lang ako sa lugar na’to, kaya sana kayo na ang bahala sa’kin” Ngumiti siya.

Tin: “S-stalker..” Sinabi ko ng pabulong.

“Thanks Lex, have a seat.. take your pick” Tumingin siya sa paligid. Tinignan ko yung upuan sa tabi ko. Bakante ito. Shet! Binuklat ko yung text book ko at itinayo sa may lamesa habang hawak hawak ko. Nagtago ako sa likod nito at pumikit.

“Kuyaaa ditoooo! May bakante”

                                                “Lex pwede ka dito sa tabi namin”

Halos puro babae ang nagooffer ng upuan. Please wag dito, please wag dito.. Biglang may narinig akong umupo sa tabi ko. Nagbuntong hininga ako. Alam na..

Lex: “Hi miss sungit” Dahan dahan akong tumingin sa kanya.

Tin: “B-bakit...” Ngumiti lang siya. Hiniga ko na ulit ang libro ko. Bakit nangyayari sa’kin to?? Lord bakitt??

Narinig ko naguusap usap ang ibang istudyante.

“Ay? Mag kakilala sila?”

                                    “Nakakadisappoint naman..”

                                                                                                “Sayang sister..”

Ano bang meron sa kanya?

“Ok class, please be good to your new classmate.. and we can now start”

~~

Lunch time.

Lex: “Huy bansot, kanina ka pa snab”

Tin: “Aiishh.. bakit kasi?? I mean, kasi naman.. bakit??” Tumawa siya.

Lex: “Ang gulo mo, gulat ka no?” Linagay ko ulit ang kamay ko sa mukha ko at tumungo.

Tin: “Bakit mo ginagawa sakin to?”

Lex: “Alin ba?”

Tin: “Itooo”

Lex: “Wala naman akong ginagawa sa’yo” Tinignan ko siya ng masama. “Tamo to, wala man lang utang na loob, tinulungan ka na nga nung isang araw eh” Sumbatan?

Tin: “Argh, ano bang gusto—“ Bigla akong natigilan.

Lex: “Uh.. Sungit?” Hinawakan ko yung kamay niya at hinigit ko papunta sa isang corner. “Gusto mo na naman ako masolo no?”

Tin: “Shh” Tumahimik siya.

Lex: “May pinagtataguan?” Unti unti akong sumilip sa likod.

“Tol mag papractice ka ba mamaya?”

??: “Oo pare, may kukunin lang ako” Si Vince.. ang lalaking nanakit sakin ng todo..

“Sige Vince, sabihan mo lang ako”

Nag split ways sila ng kaibigan niya. Papunta siya sa direksyon kung sa’n kami nagtatago. Sumandal ulit ako. Makikita niya ‘ko.. Anong gagawin ko. Hinawakan ni Lex yung kamay ko at isinandal ako sa corner. Sinandal niya din ang mga kamay niya sa pader, para bang nakakulong ako sa gitna niya.

Ba-dum

 

 

 

 

 

Tin: “A-anong..”

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon