Chapter 28 - The REAL Ms. Santa

4K 20 1
                                    

9pm. Nakaupo ulit ako dito sa bubongan. Naalala ko ang mga sinabi ni Jay.

Jay: “Then can I be your escort?”

Tin: “H-ha? escort? Ah.. eh..”Inangat niya ng konti ang kamay niya tila nakaharap ang palad niya sa akin, para pahintuin ako sa pag sasalita.

Jay: “No pressure, di kita pipilitin, I’ll ask again tomorrow.. if you still don’t have anyone to be with”Nginitian niya ako.

Kinamot ko ang ulo ko sabay tumingin sa taas.

Tin: “Lord bakit naman niya ako kailangan tanungin ng ganun?”

~~

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggg!

Maingay ang mga estudyante ngayon dito sa school, naguusap usap at nag hahanda na para sa event. Hinanap ko ang kagrupo ko. At nang makita ko sila kinawayan nila ako at kumaway ako pabalik. Lumapit ako sa kanila, hindi ko pa nakita si Lex. Baka nag papractice pa para sa Mr. Santa.

Nasa gym kaming lahat.

“Goodmorning sa inyong lahat!” Nag salita ang MC sa stage. “In just a few minutes, the Christmas dance competition will start but firstly lets introduce the judges!” 

Nagpalakpakan ang mga estudyante. Pumalakpak din ako. May mahabang upuan na gawa sa steel ang magkabilaang gilid dito at may second floor pa, nakapwesto kami sa baba. Sa opposite direction naman ng entrance ay yung stage, malawak ito, at sa tapat nun sa gitna ng gym ay isang lamesa at tatlong upuan, dito may tatlong teachers ang nakaupo. Sila ang judges.

Isa isang tinawag ng MC ang mga pangalan ng mga hurado at nag tilian ang mga estudyante. May mga pumipito pa nga.

“At last, let’s call our beloved principal Mrs. Aurora Corazon” Nagpalakpakan ulit ang lahat. Umakyat ang principal sa stage at nag salita siya. Nakatutok ang tingin namin sa kanya.

Biglang may naramdaman akong may kumalabit sa akin. Lumingon ako sa kanan ko.

Lex: “Miss” Nginitian niya ako.

Tin: “Oh Lex, san ka galing”

Lex: “Nag last minute practice lang sa Mr. Santa”

Tin: “Sabi ko na eh, ready ka na?”

Lex: “Kailan pa hindi?” Kumindat siya, umupo siya sa tabi ko. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Lex: “Ikaw handa ka na?”

“..There is nothing else to say but.. goodluck to the students who will participate in the dance competition and for Mr. and Ms. Santa”

Nag palakpakan ang lahat. Nakipalakpak kami ni Lex at patuloy nag usap.

Tin: “Sa dance? Eh kinakabahan nga ako eh”

“Tara guys, punta na tayo sa back stage” Tawag samin ng leader namin. Sabay sabay kami nag si tayuan at nag lakad papuntang backstage.

Lex: “Ok lang yan superwoman, dito naman si hercules eh” Napatingin ako sa kanya habang nag lalakad kami. Ngumiti ako.

Tin: “Hercules ka na pala ngayon” Ngumiti lang din siya sa akin.

“So let’s begin the dance competition” Nag tilian at nag sipolan ang mga estudyante at nagkaron ng sigla ang buong gym. Isa isang tinawag ang mga groups on stage at nag simula ang contest.

~~

Pag tapos ganapin ang dance competition nag usap usap ang mga judges at ilang minuto ang nakalipas nag salita ulit ang MC.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon