Chapter 3 - Ang Stalker

8.4K 49 2
                                    

Madalas nila sinasabi na malalaman mo daw kung para sa iyo ang isang tao, yung tinatawag nilang “The One” dahil mararamdaman mo naman daw yun sa lukso ng dugo. Kapanipaniwala ba talaga yun?

Paano kung nagkamali ka ng akala mo at saktan ka lang din pala niya sa huli?

Paano mo nga ba makikita ang taong nakalaan para talaga sa’yo kung pinagpipilitan mo ang sarili mong mahalin yung mali.

Isang araw ang lumipas simula nung panaginip ko. Nag unat unat ako.

Tin: “Ahh! Ang sarap matulog” Dumungaw ako sa bintana dito sa 2nd floor. Maganda ang araw, nagkakantahan ang mga ibon. Ngumiti ako at nakikanta.

“La la la~”

Ehem

Biglang may narinig ako. San galing yun? Mula sa baba? Tumingin ako sa baba at may nasulyapan ako sa tapat ng bahay namin.

??: “Ang ganda ganda ng araw baka bumagyo pa” Napatitig ako, walang kibo. Sino yung lalaking yun? Parang namumukhaan ko siya. Ngumiti siya.

Shocks! Ang gwapo!

Lex: “Miss mo ko?” Huh? Pero teka.. siya.. yung..

Tin: “I.. I-ikaw”

Lex: “Ako?”

Tin: “I-I-Ikaw.. Ikaw yung.. sa panaginip”

Lex:“Hinde, imagination mo lang ‘to”

Tin: “Y-yung multong manyakis..”

Lex: “Ha?”

Tin: “A..AHH!!”  Anong nangyayari? Panaginip lang yun di ba? Bat naging totoo siya? At.. hindi na siya nakahubad.

Lex: “T-teka bago ka ulit mag freak out huminahon ka muna!”

Tin: “S..Stalker!” Natawa siya.

Lex: “Ano naman mapapala ko kung stalk-in kita?”

Tin: “Sino ka ba? Baka.. isa ka dun sa mga nangtitrip na nagpaprank call sakin dati, tantanan mo na’ko pwede?”

Lex: “Pa’no kita ipaprank call eh wala nga akong cellphone?” Hindi ko siya pinansin, lumayo ako sa may bintana. “Huy! Wag ka snab!”

Kailangan ko nang pumasok. Nag madali ako maligo at mag bihis, malelate na ako. Pag tapos ko mag ayos, kumain at nag sipilyo na ako. Siguro naman wala na siya dyan sa tapat. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip ako. Yes! Wala na siya!

Nag madali akong lumabas ng bahay pero pag kasara ko ng pinto, nandun siya sa likod nito.

Tin: “AH!”

Lex: “Yo, tagal”

Sinarado ko ang pinto at nagbuntong hininga.

Tin: “Ano bang gusto mo?”

Lex: “Ikaw”

Ba-dum

            Ba-dum

Lex: “Joke lang”

Grrr.. Nakakadisappoint, este.. Nakakapikon siya. Nag lakad ako ng mabilis papalayo sa kanya. Sinundan niya ako. Hindi siya nagsasalita. Nang malapit na ako sa school huminto ako sa paglalakad, at narinig ko huminto din siya. Lumingon ako sa likod.

Tin: “Bat mo ko sinusundan? Tatawag ako ng pulis”

Lex: “Kapal miss ha, nagkataon lang dito ko rin binalak dumaan”

Tin: “Sige edi ikaw mauna”

Lex: “Ayoko nga baka ako pa yung sundan mo”

Argh! Nakakapikon siya! Nagsimula ulit ako maglakad.

Lex: “Miss sungit, ano ka kabayo? Ang bilis mo maglakad, dahan dahan” Hindi ko siya pinansin. Natanaw ko na ang school ko, pinakita ko ang ID ko sa guard at pinapasok niya ako.

“Sir no ID no entry” Hindi siya pinapasok.

Yes matatahimik din ako.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon