Chapter 32 - Pasko na naman

3.8K 20 3
                                    

BOOM!

 

Dahan dahan akong tumayo habang hawak hawak ang tagiliran ko.

Lex: “Aray, masakit ah” Tumingala ako.

Lex: “Safe landing daw..” Pinagpag ko ang mga damong sumabit sa pantalon ko at lumingon lingon ako sa paligid. Hmm, san ba’ko? Biglang nag tahulan ang mga aso. Shet! Baka may makakita sakin, wala pa naman akong damit pang itaas, makita pa nila ang abs ko.

Humanap ako ng mapag tataguan nang masilayan ko ang isang bintanang naka bukas. Aha! Tamang tama! Ang problema, nasa second floor ito. Di bale, bricks naman ang labas na pader ng bahay, kaya naman siguro.

Habang walang tao, derederecho akong tumakbo patungo sa pader at inakyat ito. Wow, nandito pa din pala yung kapangyarihan ko, nakalimutan ko na mawawala lang ito sa first contact namin sa tao.

Pumasok ako sa bintana, madilim dito. Sinarado ko ang bintana sa likod ko. Naririnig kong may ingay sa labas pero hindi ko ito pinansin. Ang iniisip ko ngayon ay kung san ko siya mahahanap bago pa ako maunahan ng iba.

Nag buntong hininga ako.

Nakakaramdam na ako ng lamig, kailangan ko mag hanap ng damit. Dahil sobrang dilim, kumapa kapa lang ako at maya’t maya may naramdaman akong tela.

Lex: “Ayun.. damit?” Bumulong ako. Dahan dahan ko tong hinigit, malambot ito. Hindi ata damit to. Gumapang ako sa ibabaw nito.. di kaya ito yung tinutulugan ng tao? Yung tinatawag nilang.. kama?

Biglang naramdaman ko may bumangon at alam ko agad may nasa harap ko. Uh.. oh..

Hindi ako kumibo, lumipas ang ilang segundo ay tumapat ang liwanag ng buwan sa direksyon namin, nakita ko ang mukha niya.

Ba-dum

Patay!

Lex: “Uh.. Hi?”

Tin: “ah..” Halatang takot siya.

Lex: “Pwede bang magtanong—“

Tin: “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!” Bigla siyang sumigaw ng malakas at nataranta ako kaya tinakpan ko ang bibig niya.. pero kinagat niya ako.

Lex: “Aray! Shhh wag ka nga maingayy..” Pero sumigaw pa din siya kaya tinakpan ko ulit ang bibig niya gamit ang isa kong kamay, pero kinagat niya ulit ako.

Lex: “Araaayy!! Pag hindi ka tumigil..”

Tin: “LOLAAAAAAA!!”

Lex: “..bibig ko ang ipang tatakip ko dyan sa bibig mo” Bigla siyang natahimik. Natawa ako. Yun naman pala eh.

Lex: “I bet gusto mo naman” Biglang pinag hahampas niya ako ng unan. Ano ba tong babaeng to, ang brutal. Maya maya huminahon na siya at nakapag usap kami ng masinsinan.

Lex: “Eh magtatanong lang sana kung nasan ako? Naliligaw ata ako” Nasan nga ba ako? Dito na ba yung lugar? Siya ba talaga yung babae?

Tin: “Aba malay ko sa’yo, umalis ka sa kwarto ko, layas!” Ibang iba siya sa pag kakakilala ko mula sa langit. Pero nakakatuwa siya.

Lex: “Oh siya aalis ako, ibalik mo sakin yung damit ko”

Tin: “Aanhin ko damit mo? Bf bf?” Natawa ako. Ang sarap naman nito asarin. Kahit may nararamdaman siyang takot, kaya niya pa din sumagot ng ganyan.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon