Chapter 43 - Return of Hercules

2K 21 4
                                    

Princess: [Sorry Tin napa aga ang flight ko going to America, I won’t see you for a few months, I’m sorry if I can’t reply to your emails immediately I’ll be very busy, take care of yourself]

Ngayon ko lang nabasa ang email ni Princess, kaya pala hindi ko siya nakita sa school kanina at hindi siya nag rereply sakin nung weekend.

Hanggang ngayon hindi pa din nawala sa isip ko ang mga messages at missed calls na nag si-datingan sa mobile phone na bigay sakin ni Princess pag ka-on ko nito, at ang nakakagulat pa dun ay galing lahat sakin yun. Pero wala akong maalalang tumawag ako sa number na yun. Chineck ko na din ang contact details sa phone ko pero wala ding pangalan. Kaninong phone ba kasi yun??

Tin: [Princess, yung phone na binigay mo sakin, sinong may gamit nun? Puro messages ko ang laman pero walang pangalan na kahit ano.. hindi ko ma explain basta umuwi ka na kasi.. Ang daming nangyayari na strange sa akin, yung pakiramdam na parang may nakakalimutan akong mahalaga.. mag iingat ka dyan enjoy!]

Nag reply ako kay Princess tinanong ko ang mga gusto kong tanungin. Pero alam ko namang hindi din siya makakareply agad. Ilang buwan ako gagambalain ng isipan ko tungkol dito. Pag uwi ko galing school tinanong ko si lola.

Tin: “Lola naaksidente ba ako nung bata ako?”

“Hmm, nung nahulog ka sa kanal habang nag babike ka” Ah grabe nakakahiya! Naaalala ko pa yun. Pero.. hindi ehhh!!

Tin: “Hindi yun lolaaaa, eh recently ba naaksidente ako?”

“Hindi naman ata bakit ba ano bang mga tanong yan?”

Tin: “Eh kasi parang may nakakalimutan ako, may amnesia ba ko la?” Sabay hinampas niya ang nakabilog na dyaryo sa ulo ko.

Tin: “Aray”

“Ayan naaalala mo na ba?” Hindi pa din eh..

Tin: “Lola naman eh..”

“Kumain ka na dun at baka kulang ka lang sa pag kain aba, tulog ka kasi ng tulog baka naiwan na sa panaginip mo yun kaya nakalimutan mo” Nag lakad siya papuntang kusina at ako naiwang nakaupo sa sofa.

Tin: “Kung pwede lang matulog ulit para maalala ko eh” Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang phone na bigay ni Princess. Pinaulit ulit ko ang pag basa sa mga mensahe at tinignan ko din ulit ang mga litrato dito. Nag buntong hininga ako. Pano ko mahahanap ang sagot? Princess umuwi ka na ang dami kong tanong sa’yo.

Lumipas ang tatlong linggo. Last day of school before summer holiday.

Hindi pa din nag rereply si Princess sa mga emails ko. Kaya natututunan kong ipa-isang tabi ang pag iisip ko tungkol sa phone na yun.

“Uy tara girls, punta tayong beach! Bakasyon na eh!”

“Nababagot na rin ako eh, ano Tin sama ka?”

Tin: “Sige tara matagal din akong hindi naka puntang beach eh”

Naka school uniform at may dala dala pa kaming mga bag nang pumunta kami dun. Maliit lang naman ang beach dito at walking distance lang mula sa school. Tamang tambayan lang.

“Nakakagutom naman, gusto niyo ng hotdog? May nag titinda dun oh”

“Uy sige bili tayo!”

Tin: “Dito nalang ako bilhan niyo nalang kami”

“Oo nga dito nalang din ako nakakatamad eh” Ulat ng isa pa naming kaklase na si Kristel.

“Oh sige!” Tumakbo na ang dalawa pa naming kaklase patungo sa hotdog stand sa kabilang bahagi ng kalye.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon