Chapter 8 - Ulan + Sakit = Closer?

5.7K 30 2
                                    

Malapit na. Tanaw ko na ang bahay nila.

Lex: “Lapit na tayo”

Dumating kami sa harap ng bahay ni Tin.

Lex: “Kaya mo tumayo?” Binaba ko siya at pinilit niya ang sarili niyang tumayo. “Sumandal ka muna sa’kin pag tutumba ka” Sumandal siya sa likod ko.

Ba-dum..

Kumatok ako ng kumatok sa bahay pero walang sumasagot ng pinto. Kinuha ko ang bag niya at hinanap ang susi niya. Nang mahanap ko ito, binuksan ko ang pinto at hiniga siya sa may sofa.

Mukhang walang tao sa bahay. Hinubad ko ang sapatos ko at yung sa kanya. Pano ba? Ano bang dapat gawin? Hindi ko alam..

Lex: “Bossing.. tulong naman oh” Natahimik ako at napaisip. W-wag mo sabihing kailangan ko siya palitan ng damit? Linagay ko ang kamay ko sa mukha ko. Tumingin ulit ako sa kanya.

Lex: “Bansot, kaya mo ba mag bihis?” Hindi siya sumagot, nawalan na ng malay?

Lex: “Kung hindi mo kaya, ako magbibihis sa’yo” Biglang hinawakan niya ang braso ko.

Tin: “M.. manyak..” Natawa ako. Kusang gumalaw ang katawan ko at nagpunta ako sa kusina para mag luto ng soup.

Maya maya nang maluto.

Lex: “Sungit oh, luto ko to, may gayuma yan”

Tin: “Wag nalang..”

Lex: “Biro lang, di ko na kailangan nun, inlove ka na sa’kin eh”

Tin: “Bwisit ka”

Lex: “Ganyan mo pag salitaan yung gwapong tumulong sa’yo?” Natahimik siya at umupo. Himala hindi ako inaway? Pinahigop ko siya.

Lex: “Parang may alaga akong bata”

Tin: “Tigilan mo ko”

~~

Maya maya naging ok na siya.

Lex: “Ano bang nangyari sa’yo?”

Tin: “Sinumpong lang ng asthma”

Lex: “Asthma?” Asthma.. Asthma..? ano nga ba yun? Narinig ko na yun eh..

Tin: “Basta yung mahihirapan huminga”

Lex: “I take your breath away ba?”

Tin: “Bwisit, sakit mo sa ulo”

Lex: “Alis na’ko?” Tumahimik siya.

Lex: “Ayaw mo no?”

Tin: “Kapal ng mukha, kiskisin ko yan sa pader eh para numipis” Tumawa siya. “Pero salamat..”

Lex: “Nakakapanibago ka miss, di ako sanay pag ganyan ka”

Tin: “K bye” Tumawa ulit ako at tumayo.

Lex: “Alis na’ko, padating na din ang lola mo, baka ano pang isipin nun, bye sungit” Lumabas agad ako bago siya makapagsalita at sinarado ang pinto.

>>Tin's POV>> 

Maya maya ilang minuto pagtapos umalis ni Lex, dumating si lola. Nagulat siya.

“Anong nangyari sa’yo Tin?? Ba’t basang basa ka??” P-paano? Hindi ako naka imik.

“Naulanan ka?” Hindi lola.. hindi talaga.

“Maligo ka dun Diyos ko” Umakyat ako sa kwarto ko para kumuha ng damit. Naalala ko ang sinabi ni Lex. Sabi niya padating na si lola.. Paano niya nalaman yun?

>>Lex's POV>> 

Tumila na ang ulan, naiwan ko yung jacket ko dun. Ok lang mainit init na naman. Babalik ako sa school nila, babalikan daw ako ng driver dun. Tinignan ko ang kamay ko. Ganun pala mag luto. Ngumiti ako.

Lex: “Salamat sa tulong bossing”

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon