Chapter 36 - Jay's advantage

3.3K 19 1
                                    

Nakita ko si Lex mula sa malayo, nginitian niya ako pero dali dali siyang nag lakad palayo. Lumiko siya sa likod ng isang shop.

Tin: “Lex!” Sinigaw ko ang pangalan niya umaasang maririnig niya ko kahit hindi ko na siya tanaw. Lumingon pabalik si Jay sa direksyon kung saan ako nakatutok pero agad niya ding binalik ang tingin niya sa’kin.

Jay: “Tin.. Wala naman siya baka namalik mata ka lang”

“Ma’am?” Binaling ko ang tingin ko sa kung saan nanggaling ang boses. Inabot ng babae sakin ang supot na may laman nung regalo ko para kay Lex.

“Eto na po, thank you ma’am”

Tin: “Ah salamat din” Kinuha ko ito at binalik ang tingin sa direksyon kung san ko nakita si Lex.

Jay: “Don’t you like it?” Huh? Napaisip ako ng ilang segundo sa kung anong tinutukoy niya.

Jay: “It’s my New Year’s gift for you” Oh yung kwintas!

Tin: “Oo naman gusto ko.. pero bat nag abala ka pa? Mukhang ang mahal naman.. pero thank you” Nginitian niya ako.

Jay: “Buti nagustuhan mo” Tahimik lang ako tila nahahati ang atensyon ko.

Jay: “Tin?”

Tin: “Ha? Ah Jay teka lang ha may titignan lang ako” Nag lakad ako ng mabilis patungo sa lugar kung saan nakita kong lumiko si Lex. Pag dating ko dun hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Si Lex ba talaga yun? O namalik mata lang talaga ako?

Lumapit sakin si Jay.

Jay: “Are you ok?” Tumango ako.

Tin: “Ok lang, akala ko lang..”

Jay: “You’re thinking too much come on I’ll buy you something to drink” Nag hanap kami ng kainan. Baka nga.. namalik mata lang ako..

>>Lex's POV>>

Lex: “Mag New Year na bukas.. hindi pwedeng hayaan ko lang na hindi ako kausapin ni Tin” Tumayo ako sa kinahihigaan ko at dali daling naligo at nag ayos. Wala nang kain kain! Medyo maaga pa kaya hindi ko na inistorbo yung driver ko.

Nag commute ako papunta sa lugar ni Tin. Gising na kaya yun? Excited akong tumakbo papunta sa bahay nila pag ka baba ko ng jeep. At nang makarating na’ko sa harap ng bahay nila kumatok ako ng ilang beses.. pero..

“Oh Lex iho napadalaw ka” Nag mano ako sa lola ni Tin.

Lex: “Good morning po, nandyan po ba si Tin?”

“Ah si Tin, eh nag mamadali umalis eh.. pero kakaalis lang niya, nag kasalisi ata kayo” Umalis?

Lex: “San po siya nag punta?”

“Sa SM daw.. hindi nga sinabi kung anong balak eh”

Lex: “Salamat po! Ingat lola” Dali dali akong tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko at sumakay ng tricycle papunta dun.

~~

Lex: “Salamat manong” Inabot ko yung bayad ko at tumakbo ako papasok ng building. San ko naman siya hahanapin? Ano bang ginagawa nun dito?

Nag aksaya ako ng ilang minuto kakatakbo sa loob ng mall, kakahanap sa kanya. Hinihingal na’ko pero pinag patuloy ko pa din yung pag hahanap. Alam kong hindi naman niya sasagutin yung tawag ko kung tumawag man ako.. Kaya isusurpresa ko nalang siya.

Umabot ng isang oras ang pag lilibot ko hanggang sa may maramdaman akong hindi pang karaniwang pwersa. Pumunta ako sa banda kung saan ito. Kilala ko na..

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon