Chapter 39 - End of happiness

3.3K 23 18
                                    

Tin: “Uuuu..” Umupo ako sa silya ko at hinampas ang mukha sa lamesa sa harap ko. Hindi naman kalakasan so hindi masakit. Nag tinginan ang mga kaklase ko sa’kin. Nag si lapitan ang iba.

“Goodmorning Tin ok ka lang ba?” Tanong sakin ng kaklase ko. Tingin lang ang sinagot ko sa kanya. Umasim ang mukha nila.

“Err you don’t look so good”

“Anong nangyari sa’yo? Ba’t droopy ang eyes mo?”

Tin: “Uhhh..”

Wednesday na, ilang araw nang nakalipas simula nung incident sa bahay ni Lex.

*Flashback*

Lex: Gusto kita..

                        ..Gustong gusto kita..

.

.

.

Lex: ASARIN! MWAHAHAHAHAHAHA!!!

Sumulpot ang pagmumukha ni Lex na wagas na tumatawa at tila nang aasar sa isip ko. Kahit hindi yun ang nangyari, nadala ako sa imahinasyon ko. Nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo sabay dumeretso ako ng pag kakaupo sa silya.

Tin: “AHH!” Hinampas ko ang mga kamay ko sa lamesa.

“AH!” Napasigaw din ang mga kaklase kong nakatayo sa tabi ko.

Tulad sa mga anime pakiramdam ko umaapoy ang mga mata ko at may pumaligid na pulang aura sa buong katawan ko.

“T-tin..”

“Okay ka lang teh?” Hindi ako umimik, para bang naka trance pa din mula sa iniisip ko. Biglang may narinig akong ingay na nag mumula sa pinto ng classroom.

“Pareeee long time!”

“Crusssshhh!!”

“San ka nang galing??”

“Anong balita mah men?”

Napatingin ang mga kaklase kong nakatayo sa tabi ko sa direksiyon ng ingay.

“Huh? Si Lex” Natauhan ako mula sa pag dedaydream.

“Bumalik siya, akala ko hindi na siya papasok”

“Mga 3 or 4 weeks din siyang hindi pumasok no?”

Napatingin na din ako sa direksiyon ng pintuan. Hindi ko alam kung mag iinit ang dugo ko o bibilis ang tibok ng puso. Pwede bang pareho?

Nakita ko siyang nakangiti at kinakamot ang ulo niya habang kinakausap ang mga kamag-aral namin. Maya maya’y binaling niya ang tingin niya sa direksyon ko at nag kita ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin.

Lex: “S’cuse lang pre” Pahayag niya sa isang kaklase namin para bang makikiraan. Pinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at nag lakad patungo sa pwesto ko. B-bakit siya lumalapit?

Hindi parin ako tumingin sa kanya hanggang sa umupo siya sa bakanteng silya sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa blackboard nung una, pero napansin kong liningon niya ang ulo niya para tumingin sakin.

Aaahhh! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko!

Ngumisi siya at nag simulang mag salita.

Lex: “Yo Tin—“ Ikinilos ko ng mabilis ang nakatuwid kong braso sa gilid ko tila nakatutok and palad ng kamay ko sa harap ng mukha niya para pigilan siyang mag salita. Liningon ko din ang ulo ko para tumingin sa kanya. Makalipas ang ilang segundo ay binaba ko na rin ang braso ko.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon