Chapter 21 - Librarian

4.4K 19 1
                                    

“Belated Happy Birthday Tin!!”

                                    “Tiinn Happy Birthdayyy!!”

                                                                                    “Tiiinnn 17 ka naa!”

Tin: “Salamat!” Nginitian ko sila, ang mga kaklase ko. December 8 ngayon.

“Ok class! Settle down.. Tin you’re back with us, Happy Birthday” Sabi ng teacher.

Tin: “Thank you po” Ngumiti ulit ako at nginitian niya din ako.

“As you may all know, exams are coming up, December 14 to 16..” Nako! Exams?? Nakalimutan ko! Sobrang nagenjoy ako ng nakaraang araw. Hinawakan ko ang kwintas na korteng bituin na suot suot ko, yung regalo ni Lex sa’kin. Ngumiti ako.

“The dance showdown for Christmas and Mr. and Ms. Santa was to be held at the 16th, pero change of plans, para wala na kayong winoworry, it will be on the 20th” Lahat ng istudyante nag usap usap at medyo umingay ang klase.

“There will be a party after the event, study hard everyone!” Kinuha niya ang mga libro niya sa desk niya.

Kriiiiingggggggg!

“Class dismissed”

Pinalabas kami ng maaga. Uwian na. Nagpunta muna kaming library. Kami? Sino pa bang kasama ko.

Lex: “Miss” Hindi ko siya pinansin, nagrereview ako, nagbabasa ng libro.

Lex: “Miss” Hindi ako kumibo.

Lex: “Miss” Grr..

Lex: “Miss”

Tin: “Ano ba?” Tinignan ko si Lex ng masama tila naaasar na sa kanya. Tumahimik siya ng ilang segundo..

Lex: “Hi” Kumunot ang noo ko at binaling ko ulit ang atensyon ko sa libro. May narinig kaming nagbubulungan malapit sa amin. Tumingin tingin si Lex sa paligid at ako patuloy nag basa.

“Kinikilig akooo girl”

                        “Shh nasa library tayo”

                                                “Sorry, kasi naman ehh, inlove na ata ako sa kanya”

Inlove? Pati ba naman dito pinaguusapan nila yun? Palayo ng palayo ang mga boses na nag uusap.

Lex: “Tin”

Tin: “Hm?” Biglang tumingin sa akin si Lex.

Lex: “Ano yung love?” Hindi ako sumagot

Lex: “Huy, ang busy nito” Argh.. Ang kulit.

Tin: “Seryoso? Hindi mo alam?”

Lex: “Mag tatanong ba’ko kung alam ko?” Pilosopo..

Tin: “Hmp.. Love? Parang ikaw”

Lex:“Ha? Ako?”

Tin: “Oo, parang ikaw” Sinarado ko ang libro na binabasa ko. “Istorbo sa pag aaral” Tumayo ako at lumapit sa isang shelf para ibalik ang librong binabasa ko. Sinundan niya ako.

Lex: “Miss, ang sungit mo naman” Nag buntong hininga ako at tinignan ko siya.

Tin: “Leeex, nag aaral ako, malapit na yung exam oh, hindi ka ba mag aaral?” Bumalik ako sa table namin at kumuha ng isa pang libro mula sa bag ko. Sinundan niya ulit ako. Umupo kami. Tumahimik si Lex pero maya maya nag salita na naman siya.

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon