CHAPTER TWO.

94 5 0
                                    

Tanghaling tapat na ng makarating ang Apat na magkakapated Hacienda Floresca.Ang Haciendang pinatayo ng Ina nina Savannah,Vanessa,Natasha at Audrey na si Donya Ismael Floresca.

Matagal ng walang nakatira sea Hacienda Floresca dahil lahat ng Pamilya ng Donya ay lumipat na ng Maynila at ang iba ay nakatira na sa ibat-ibang Bansa.

Marami naring mga kabahayan ang nagkalat sa paligid ng Hacienda. Ang akala nga ng karamihan ay tuluyan na itong inabandona ng Pamilya Floresca.

Binansagan pa ng iba na isa itong "Hunted House" dahil sa napakalaking Mansion.Napakalawak na Harden.
Napakalawak ring kakahoyan na meroong Batis.
Napakalaking Swimming pool.

Pero walang nakatera at napa bayaan na.

Kaya laking gulat na lang ng mga nakatira sa paligid ng Hacienda ang pagdating ng Apat na nagagandahang mga dalaga sakay ng tatlong Motor at isang magarang sasakyan.

Narinig nina Savannah ang mga usap-usapan ng mga taong nakakita ng pagdating nila.

Bumaba ng kanyang Motor si Savannah.Ganon rin ang ginawa ng dalawa niyang kapated.Habang si Audrey naman ay bumaba rin ng kanyang sasakyan.

"Sino sila?"-takang tanong sabi ng isang Babaeng di kaedaran.

"Baka mga tourista.Ano naman kaya ang gagawin nila rito?"-sabi naman ng isa.

"Tignan niyo.Sa tapat pa ng malaking tarangkahan ng Hacienda sila nahinto!"-sabi ng isa.

Ilan lang iyan sa mga usapang narinig nila.
Kaya napagpasyahan ni Savannah na lapitan ang mga taong naguusap at nagpakilala sa mga ito.

"Magandang tanghali po sa inyong lahat.Ako po si Savannah Floresca Scott. Sila naman ang mga nakababatang kapated ko!"-pakilala ni Savannah sa sarili at sa mga kapated nito na nakatayo sa kanyang likuran.

Nagtinginan muna ang mga matatandang Ginang bago binalik sa kanila ang mga paningin.

"Floresca ba kamo,Ineng?"-medyo gulat na tanong ng isa ginang kay Savannah.Ngumiti si Savannah ng pagkatamis sa Ginang.

"Opo.Ako po ang panganay na Anak ni Ismael Floresca.Pangalawa si Vanessa.Pangatlo si Natasha at Bunso,si Audrey.Narito po kami para diyan na tumira sa Hacienda!"-nakangiting sabi ni Savannah sabay tingin sa Hacienda ng kanyang Ina.

"Ay...Pasensya na po mga Señorita.Hindi namin alam na kayo pala ay mga Anak ni Donya Ismael!"-hinging paumanhin ng using Ginang kay Savannah.

"Wala po kayong dapat ikahinge ng pasensya sakin.!"-nakangiting sabi ni Savannah.

"Kay bait na bata. Eh kung ganoon po ay Maligayang Pagbabalik po sa inyo mga Senorita. Ako po ang Anak ng dating tagaluto ni Donya Ismael.Apo si Lanie.Maligayang Pagbabalik sa inyo!"-nayukong sabi ni Lanie kay Savannah.

"Huwag po kayong yumukod as akin Aling Lanie.Itoring niyo po kami na mga Ordinaryong tao gaya nyo!"-nakangiting sabi ni Savannah kay Lanie.Ngumiti ng pagkalapad si Lanie.

"Kailangan niyo po ba ng tulong Señorita? Ipapatawag ko po ang Apat kong Anak at Dalawang Pamangkin.Para po matulungan namin kayo!"-nagmamagandang loob na sabi ni Lanie ka Savannah.Mabilis namang tumanggi ang dalaga.

"Naku.Wag na po!Nakakahiya.Sige po Aling Lanie.Sa inyo rin ho'ng lahat.Tutuloy na ho kami at ng makapag simulang maglinis!"-masayang sabi ni Savannah sa mga kaharap na Ginang at kay Lanie.

"Pagkailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako Senorita!"-nakangiting sabi ni Lanie.

"Sige po. Pagkailangan ko ng mga taong tagalinis eh..kayo po ang una kong lalapitan.Sige ho!"-masayang sabi ni Savannah tsaka naglakad pabalik sa kinaroroonan ng kanyang mga kapated.
-

"The Billionaires Sisters"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon