Chapter 15

26 0 0
                                    

Carla's POV

Nang makaalis ako sa bahay nina Jenny ay dumiretso ako sa firm na pagmamay ari nina kuya at Conrad. Pinapasok naman ako agad ng receptionist dahil kilala naman na ako doon. Tinanong ko na din kung nasaan ang dalawa at nalaman kong nasa conference pala ang dalawang kulugo kaya naghintay na lang ako sa office ni kuya.

Dahil nainip ako sa kaiintay sa kanila ay binuksan ko ang laptop ni kuya para makapaglaro online. Medyo natutuwa na ako sa nilalaro ko sa facebook nang bumukas ang pinto at nagulat pa silang dalawa nang makita ako doon. Hindi naman nagreklamo si kuya nang makita niyang gamit ko ang kanyang laptop bagkus ay tiningnan lang niya ako ng may pagtataka.

"Napadpad ka ata dito ngayon babe?" si Conrad ang unang nagsalita.

"Ah may ipinapabigay sa inyo si Jenny" sagot ko naman at Inilabas sa paper bag ang mga cookies na ginawa namin kanina.

"Ano yan?" takang tanong naman ni kuya.

"Cookies gawa ni Jenny... strawberry flavor yan at wag kang magtaka. Siguro naman alam mo na kung ano ang kalagayan niya ngayon hindi ba?" sabi ko sa kanya.

"Oo pero bakit ninyo inilihim sa akin lalo ka na Conrad ikaw ang lagi kong kasama tapos hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin" nanunumbat sa sabi ni kuya.

"Kuya tumigil ka nga sa kakareklamo mo. Pasalamat ka at nakalabas ka ng buhay sa bahay nila" sabi ko naman at inihagis kay Conrad ang cookies na para dito.

"Oo nga naman pare wag ka nang magalit. Yun kasi ang gusto ng pamilya ni Jenny kaya wala akong sinabi. Ayaw din kasing ipasabi ng kapatid mo sa iyo" segunda naman ni Conrad.

Napatingin naman sa akin si kuya tapos iiling iling na pumunta sa kanyang office table. "Akin na yang para sa akin" pagdedemand niya nang makaupo na siya.

"Alam mo kuya nagdadalawang isip talaga ako kung ibibigay ko ito sa iyo e pero since ipinapabigay ito ni Jenny kaya eto" sabi ko ay iniabot sa kanya ang kanyang cookies.

"Salamat sa pagdadala nito dito" sabi ni kuya.

"Nga pala kuya uuwi ako sa bahay sa Tuesday..." sabi ko

"OK. Magiingat ka sa byahe" sabi ni kuya.

"Wala ka bang balak dalawin sina daddy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na muna siguro sa ngayon" sagot niya, napangiti naman ako mentally.

"Naku buti naman... kasama ko kasi si Jenny na uuwi kina mommy e" sabi ko. Nang aasar lang ako pero nanlaki ang mata.

"Nagbago na ang isip ko namimiss ko na pala si mommy" sabi ni kuya.

"Ah sus palusot. Hoy kuya umayos ka ha? One wrong move at alam mo na ang kahihinatnan mo" sabi ko kay kuya at alam kong nagets naman niya.

"Alam ko. Ayaw ko nang isipin iyon at sa ngayon ay iisa lang ang gusto kong mangyari at iyon ay ang makabawi sa lahat ng kasalanan ko lalo na sa asawa ko" sabi niya at mukha namang determinado talaga siya.

"Oh well pumunta ko dun ng magisa kung gusto mo. Aalis na ako yan lang cookies ang ipinunta ko dito" sabi ko sa kanya at lumapit kay Conrad. Nang makalapit na ako sa kanya ay agad ko siyang binatukan sabay alis sa office na iyon.

End of POV

Conrad's POV

"Aray! Ang gaan talaga ng kamay ng kapatid mo" sabi ko kay Karl na mukha namang walang pakialam sa akin at masayang kumakain lang ng cookies sabagay masarap naman talaga eh.

"Aba magtiis ka... Sya ang ginusto mo eh" sagot naman niya na ikinagulat ko.

"Anong sinasabi mo dyan" pagtanggi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon