Chapter 1

101 4 0
                                    

Jenny's POV

"Wag ka na nga lang magsalita dahil hindi ko kailangan ang mga opinyon mo" sabi ni Karl sakin.

Bakit nga ba niya sinabi sakin ang mga salitang yan. Well nagbibigay lang naman ako ng opinyon para sa bago nilang gagawin na hotel. Kahit papano naman kasi ay may alam ako sa ginagawa nila. I'm a certified and licensed Civil Engineer after all.

Ako si Jenny Roxette Ricaforte asawa ni Eng'r. Karl Angelo Bañez.

Pero simula nang ikasal kami ni Karl ay hindi naman talaga niya nakikita ang mga kaya kong gawin. Ang alam lang niya ay ako ang babaeng pumikot sa kanya.

Hindi ko siya pinikot. Yan ang masasabi ko at paninindigan ko. Siya ang nagpasyang magpakasal kami dahil lamang sa may nangyari samin noong birthday ng kapatid niya na bestfriend ko.

Hindi ko naman hiniling na pakasalan niya ako dahil parehas naman kaming may kasalanan dahil nagpadala kami sa bugso ng damdamin namin.

Lasing kaming pareho nun kaya nangyari ang mga nangyari. Aaminin ko na matagal ko nang mahal si Karl dahil high school pa lang ay kilala at hinahangaan ko na siya.

Isang dahilan kung bakit galit siya sakin ay kinailangan niyang hiwalayan ang nobya niyang si Niña dahil nga kailangan daw naming magpakasal.

"Pare wag mo namang ipahiya ang asawa mo samin" sabi ni Conrad, kaibigan ko yan simula pa elementary.

"Wala akong pake jan. Hayaan niyo na siya. Hindi naman mamatay yan kahit ibenta ko pa yan sa ibang lalaki. Tsaka paano mapapahiya yan eh ayaw ko lang naman siyang makialam sa trabaho ko." sabi ni Karl. Lalo lang akong napahiya.

Ngayon nga ay pinapamukha na naman niya sakin na wala akong kwenta sa kanya.

"Per--" magpapaliwanag sana si Conrad pero pinigil ko na.

"Conrad. Ok lang. Hayaan mo na kasalanan ko naman." sabi ko kay Conrad.

Bumaling ako kay Karl. "Sige na hindi na ako magsasalita. Wag ka nang magalit." sabi ko at umalis na doon sa library/office niya sa bahay.

Nagtungo na lang ako sa kwarto ko at doon ko hinayaan ang kanina pa nagbabadyang mga luha. Nakatulugan ko na nga ang pag iyak.

Pagkagising ko ay ala sais na ng gabi. Alam kong hindi ko kailangang bumangon upang ipagluto si Karl dahil may mga helper naman sa baba. Bumangon lang ako upang lapitan ang isang book shelf na naglalaman ng mga koleksyon ko ng libro. Mga libro lang naging libangan ko simula ng ikasal ako. Wala akong choice hindi ako pinapayagan ni Karl na lumabas dahil baka daw gumawa ako ng makakadungis sa pangalan niya.

Biglang may nagbukas ng pinto sa kwarto ko. Isang nakakunot na mukha ni Karl ang bumungad sakin.

"Hindi ka ba bababa para kumain?" tanong niya na parang naiirita. Umiling lang ako at ibinalik ang aking atensyon sa mga librong nakahilera sa shelf.

Hindi na muling nagsalita si Karl at pabalibag na isinarado ang pintuan ng kwarto ko. Dalawang linggo pa lang kaming kasal parang alam ko na ang mangyayari. Magtatatlong buwan naman yung birthday ni Carla at tatlong buwan na din akong walang dalaw. Natatakot naman akong magpatingin sa doktor dahil baka makumpirma ang hinala ko. Nahiga na lang akong muli at natulog.

Kinabukasan ay ang sama ng pakiramdam ko at bigla akong nakaramdam ng pagbalikad ng aking sikmura kaya napatakbo ako sa banyo ng kwarto ko. Sumuka lang ako doon at ang nakapagtataka ay wala naman akong kinain na kung ano kahapon.

Nag ayos na ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Karl na kumakaing mag isa sa dining table. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo sa tapat niya.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon