Chapter 7

49 3 0
                                    

Jonathan's POV

"Naisip ko lang mag live in na kayo ni Celine" sabi niya kaya talagang nanlaki ang mga mata ko.

"Ano!? Napapayag mo na nga akong magpanggap na may asawa tapos ngayon live in naman?" ako na nagrereklamo, kung ano ano kasing pumapasok sa utak nitong kuya kong nababaliw na ata.

"Well naisip ko kasi na since maghahanap si Karl siguradong hindi siya maghahanap sa malapit lang. So isusuggest ko sana na mag live in kayo sa tabing bahay ng bahay nina Karl at Jenny. And don't worry nabili ko na yung bahay na yun kayo na lang ang kulang." sabi niya.

"So ibig sabihin pumayag man kami o hindi wala na kaming choice?" tanong ko. Tinanguan niya ako at nginitian. How controlling.

"Nako Joe dumali ka na naman sa mga planong patago mong yan" sabi ni kuya Jerome na nginisian lang ni kuya Joseph.

"Ok iexplain mo sakin ang scenario na gusto mong mangyari" sabi ko na ginawa naman nya.

Tango lang kami ng tango ni kuya Jerome sa plano ni kuya Joseph the Great. Naguguluhan man ay napapayag pa din nila ako. Ngising aso naman ang mga kuya kong hindi maintindihan

End of Jonathan's POV

Celine's POV

Nakatayo pa din si Jonathan sa harapan namin. Seryoso siyang nakatingin sakin tapos bigla na lang niya akong hinila at dinala sa garden? Ano kayang problema nitong may sapak na taong to?

Binitawan niya ako at hinarap sa kanya tapos ipinatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko at bumuntong hininga. Ok nakakaramdam ako ng hindi maganda.

"Doc. may isa pa kaming favor from you." sabi niya at tumingin sakin.

"Again? Ano pa bang kahihiyan an dapat kong harapin?" sabi ko at natahimik siyang bigla.

Umayos siya ng tayo at napakamot sa ulo. Hinawakan niya ang baba niya na tila nagiisip tapos napakamot siyang muli sa ulo niya. Ano kayang favor yun, magpapatanggal kaya siya ng kuto?

"Magpapahinguto ka ba?" tanong ko.

"Ha?" siya yan.

"Sabi ko kung magpapatanggal ka ba ng kuto, yun ba ang favor mo. Kung yon magshampoo ka na lang ng licealiz pa-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Hindi yun... ano... kasi... pano ko ba kasi ieexplain... hmm... ganito kasi yun... ahm" sabi niya e nainis ako sa dami ng ligoy.

"Ano nga kasi yun?" tanong ko na. Nakakainip kasi.

"Angsabinilakuyamagliveinnadawtayo" sabi niya. Huh? Ano daw? 'Ang kuya daw tayo' lang ang naintindihan ko.

"Ano? Ayusin mo nga sasapakin kita!" sabi ko.

"*hingang malalim* sabi ni kuya mag live in na daw tayo" sabi niya.

"A-ano!? Ayaw ko nga napapayag mo na nga akong magpanggap na asawa mo eh!" sabi ko.

"Please? Para sa kapatid ko" sabi niya. Ayan na naman siya e ginagamit na naman niya ang kapatid niya. Dito din ako napapayag sa kunwariang kasal namin nitong lalaking ito e.

"Di pwede! Malalaman ng parents ko at ni kuya. Magtataka ang mga yun bakit hindi ako uuwi sa bahay!" sabi ko.

"Sabihin mo na lang magboboard ka. Please!!!" sabi niya at nag puppy eyes.

Napakamot ako ng ilong at tiningnan siya. Hays! Nakakafrustrate kasi ang puppy eyes na yan eh! Di ko matanggihan!

"Fine! Pero hiwalay tayo ng kwarto!" sabi ko.

"Eh? Hindi pwede kasama natin si Jenny sa bahay. Magtataka yun na hindi tayo magkasama sa kwarto." sabi niya na hinahagod ang batok niya.

"Ha!? Edi kasama kita sa kwarto pero sa sahig ka!" sa ko.

"Deal!" sabi niya ng ngingiti ngiti.

"Hay nako!" nasabi ko na lang.

End of POV

Jonathan's POV

Tuwang tuwa ako. Haha! Pumayag kasi si Celine. Ibig sabihin non ay tuloy na tuloy na ang pagpapahirap namin kay Karl.

Bukas makalawa nga ay pupuntahan na namin ang bahay. Ang sabi ni kuya Joseph kailangan na lang namin magdala ng damit dahil naayos na daw niya ang mga furnitures. Siguro nagpatulong sa interior designer, wala naman kasing alam sa bahay si kuya. Palibhasa siya lang ang kaisa isahang lawyer samin kaya tutok siya sa studies niya at hindi na namomroblema sa ibang bagay.

Sinabi din ni kuya na hangat maaari ay wag akong magpapakita kay Karl dahil baka daw maghinala yun. Kaya ang plano ay late night na ako uuwi sa bahay. Habang si Celine naman ay malayang umuwi ano mang oras dahil hindi naman siya kilala ni Karl. Mas maganda na din siguro yun dahil habang wala ako ay si Celine muna ang bahala kay Jenny. Balak na nga niyang papalitan ang sched niya para mailagay siya sa night shift... para sa umaga kasama niya si Jenny.

End of POV

After Two and a Half Weeks...

Karl's POV

Hapon. Nandito lang ako sa terrace ng bahay namin ni Jenny. Ilang linggo ko na rin siya hinahanap pero wala talaga. Ngayon nga ay nagpapahinga lang ako saglit at itutuloy ko na ang paghahanap.

Napansin ko ang kapitbahay ko na bagong lipat. Babae. Hindi ko alam pero kinabahan ako nang makita ko siyang papasok ng bahay. Ganun pa man ay hindi ko na lang yun pinansin. Akmang papasok ako nang parang nakita ko si Jenny sa bahay nung babae. Hinilot ko ang pagitan ng aking mga mata. Nang tumingin akong muli ay wala na ang imahe ni Jenny.

Namamalik mata ba ako?

End of POV

Jenny's POV

Nandito na kami sa bahay nina kuya Jonathan at ate Cel. Kanina lang kaming mga 7 am dumating dito. Nagtataka nga ako kung bakit ang aga namin pero sabi ni ate Cel ay dahil may pasok pa siya sa work.

Binigyan nila ako ng isang kwarto na kalapit ng isang green house at syempre kinulit ko si kuya na ako na lang ang magtatanim doon. Pumayag naman siya kasi nilambing siya ni ate Cel. I love ate for that haha.

Isinama ko nga pala si Pako kaya ayun nandun siya sa dog hous niya. Hindi naman siya nakatali dahil sarado naman ang second gate. May first gate kasi na para sa car port then yung second gate para daw hindi makalabas si Pako. Para bang plano na nila ang magkaroon ng aso.

Lumabas ako kanina pero saglit lang kasi wala naman akong magagawa dun bukod sa makipagtitigan sa gate. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si kuya Jonathan at nagpabili ng Flower seeds. Dumating na kasi si ate Cel kanina. So habang naghihintay ako ay binungkal ko na yung lupa na nakalagay sa paso para madali na itanim ang mga pinabili ko kay kuya. I wonder... ano kayang bulaklak ang binili nun?

End of POV

√π÷×√π÷×√π÷×√π÷×√π÷×

Lynn's Note:

Nagparebond ako. Katagal tagal kong naghintay gosh. Pero anyway nahili kasi ako sa "sisters" ko. Well si Mi at si Jad kasi staight haired na ako lang hindi kaya ayun.

Loving an EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon